‡JUDGEMENT DAY‡

135 8 0
                                    

†KATHRYN'S POV†

Sa animoy tahimik na gabi ng kadiliman akoy nanatili pa ding gising samantalang ang iba ay natutulog na dala na din ng mga nangyari sa loob ng isang araw na pamamalagi naman sa kulungan na ito.


Maimtim lamang ako na nag-iisip habang nakatungo ng may magsalita. "Pwede bang mag-usap tayo.?"=boses pa lang nito kilala ko na kung sino ang nagmamay-ari.


Napatango ako dito bilang pagpayag. Kinausap muna nito ang tagabantay hanggang sa pumayag na makalabas ako. Nagulat na lamang ako ng higitin niya ako papunta sa isang lugar.




Sa lugar na nagkaroon kami ng closure sa isat- isa. Sa abandont na amusement park. Gaya ng una madilim ang paligid ngunit nagsisilbi namang ilaw ang buwan at mga bituin. Hinila niya ako papunta sa ferris wheel kung san una din kaming nag- usap at ngumiti ng kahit tipid sa isat- isa.




"A-ano ba pag-uusapan natin?"=naglakas loob akong magsalita ng hindi pa ito nagsasalita.




"Pinagsisihan mo ba na nagka kilala tayong dalawa."= seryoso niyang natanong habang nakatingin sa malayo.



Hindi muna ako nakasagot kahit na ilang distansya lang ang pagitan naming dalawa sa isat- isa. Nakatingin lamang ako sa ibaba at nakatungo.



"Ikaw ba pinagsisihan mo ba ang nakilala mo?"= napatakip naman ako ng bibig nang tila kusa na lamang na lumabas ang mga salitang ito.




"Paano kung masaktan ka sa sasabihin ko. Gugustuhin mo pa din ba malaman ang sagot sa tanong mo."= dama ko ang seryoso nitong pagtingin sa akin habang nakatungo ako.



"Oo. Gusto kong malaman."= hindi ko na masubukan pang titigan siya ng diretso.




"Ang totoo. Wala akong pinagsisihan ( bahagya akong napatingin dito dahilan para magtama ang mga mata namin. ) nang dahil nga sayo natutunan kung ngumiti habang kasama ka. Ikaw ang nagturo sa akin na respetohin at pahalagahan ang mga nakapaligid sa akin."= pagpapaliwanag nito na simula nang pagtulo ng luha ko sa mga pisngi.




"Umiiyak ka na naman. ( idinampi niya ang kanyang palad sa pisngi ko. Pinupunasan niya ng dahan- dahan ang mga luha ko. ) Sinabi ko na ayoko nakikita kang ganyan. Wag ka nang umiyak. Kahit na alam kong parte lamang ng laro ang relasyon natin. Alam mo kahit laro yun hindi ko napigilang mahulog at mahalin ka ng totoo."





"Patawad. Dahil kahit nagsinungaling ako di mo pa din nagawang sumbatan ako. Patawad."=i said.



Nagulat na lang ako ng bigla niya akong higitin at niyakap ako ng mahigpit. "Pls. Lang kahit ngayon lang limutin mo na natin na mag-kaiba tayong lahi na pinagmulan. Pls."= unti- unti kong nararamdaman na nababasa na ang aking kasuotan.





Umiiyak siya di dahil sa kasiyahan kundi dahil sa kalungkutan na ako pa ang may gawa. "Nandito lang ako hindi kita iiwan. Kahit na marami nang tumutol sa ating dalawa maski ang tadhana tinutulan tayong magsama."= i said.




Gumanti na din ako sa kanyang yakap. Mga ilang oras na nasa ganyong kaming position hanggang sa unti- unti na siyang kumalas.



Life Against Death Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon