†LIZA'S POV:†
"Argggh!!! Mga traydor mas pinili pa nilang kampihan ang mga tao kaysa kumampi sa ating mga kalahi nila ! MGA TRAYDOR ! MAGBABAYAD SILA !! "= nanggagalaiti kong sigaw habang pinaghahagis ang mga gamit sa loob ng council.
"Liza, tama na yan „ mas dapat nating pagtuunan ang gagawin nating plano laban sa kanila Hindi yung inuuna mo ang galit mo "= panenermon ni Sofia sa akin habang umiilag para di matamaan ng mga ibinabato kong gamit papunta sa kanilang direksyon.
"Hindi ka dapat magpaeffect sa pag traydor nila dahil di mo alam ginagamit na yan ng mga kalaban natin .Ang pagiging lito ay dapat iwasan Liza. Ituon natin ang ating isip sa isang plano at hindi sa kanilang mga kwenta."= seryosong sabi ni iñigo na ikinatigil ko. Umupo ako at pinakalma ang aking sarili.
"Hayaan mo ang mga traydor na iyon dahil sa huli magbabayad sila sa pagtatraydor nila . Lintek lang ang walang ganti."= Julia said.
Napatigil naman ako sa ginawa ko at napaisip sa mga sinabi nila. Mas dapat bigyan ng atensyon ang magaganap na digmaan kaysa bigyan atensyon ang mga traydor na iyon .
"Ang lahat ba ng plano ay naayon ba sa ating mga pinag-usapan?"= this time kalmado na akong nagsalita.
"Lahat ng mga plano ay naisagawa na namin kaya wala ka nang dapat problemahin ang lahat ay nasa dapat nang kalagyan. Ang isa na lamang problema ay kung paano mawawala sa landas mo ang yong karibal."= kahit di sabihin ni Julia ay alam ko na kung sino ang tinutukoy nito.
"Tama ka hindi ko lang siya aalisin sa landas ko kundi tuluyan ko na siyang paglalahuin. Tss."= isang ngisi na lamang ang isinagot ko dito.
Humanda sila sa paghaharap namin. Sisiguraduhin ko unang mamamatay ang sorceress na iyon gamit ang aking kamay. Papatayin ko siya sa harap ni Daniel .
†ENRIQUE'S POV†
"Hindi ko inaasahan na kami ang kakampihan ninyo .. Sa digmaan na ito . nakakatuwang isipin na pinili ninyong traydorin ang mga kalahi ninyo, siguradong galit na galit na ngayon si Liza."= I said na nakangisi habang umiinom ng dugo mula sa kopita.
"Alam namin na galit na galit na siya sa ginawa naming pagtraydor ngunit alam din naming pag hindi kami pumanig sa inyo. Hindi din mangyayari ang hinahangad ng lahat na kapayapaan "= Daniel said na katabi si Kathryn.
BINABASA MO ANG
Life Against Death
Vampiro#137 in vampire Dalawang magkasalungat na lahi ang isa ay naghahari at ang isa ay siyang patuloy na nalalagas. Sa sigalot sa pamamagitan ng dalawa. May pag-asa bang maka buo ng hindi inaasahang pag-iibigan? Kung lahat ay siyang nagiging hadlang? Sa...