†KATHRYN'S POV:†
Pagpasok ko sa dormitory kinuha ko kaagad yung mga panggamot sa natamo kung sugat. Agad ko muna itong nilinis tapos nilapatan ko na din ng mga herbal na halaman at dinagyan ng benda.
"Paano ba ito. Hindi ako puwedeng lumabas ngayon. Paano ba ko makakahanap ng ibang impormasyon kung magkukulong ako dito maghapon. Asar."
Hindi ako puwede umalis pero Baka magtaka sila kung Hindi ako magpapakita. Ano ba itong gulo na napasukan ko. Napatigil ako sa kakaisip ng may kumatok sa pintuan.
"Sino yan?"= tanong ko dito na hinihintay pa sumagot ang nilalang na kumakatok.
Nabalot naman ng pangamba ang kalooban ko. Malalaman na kaya nila ang pagkatao ko. "Ako ito, kung maaari gusto ko sanang pumasok upang ikay kausapin."= kinabahan naman ako ng makilala ko kung sino yung kumatok.
Hay ano ba yan sumunod pa. Napangsinghap muna ako bago magsalita. "Ahmm. Ayos lang ako wag ka ng mag-alala. Sige na pumasok ka na lang. Mahuli ka pa."= I said.
Akala ko ng sabihin ko ito ay umalis na ito ngunit nabigla ako ng sumulpot na lang ito sa harapan ko. Itinago ko naman madalian yung isa Kong braso na may benda sa likod ng pasimple.
"Bakit ka pumasok.? Di mo ba narinig ang sinabi ko, wag ka ng mag-alala ayos lang ako. Bumalik ka na roon at paniguradong nagsisimula na sila ng leksyon."= I said na Hindi ko manlang magawang titigan ito diretso sa mga mata.
Mahirap na at basahin niya pa ang nilalaman ng iniisip ko at mabuko pa ako sa intensyon ko kaya ako naririto. Hindi ko alam kung paano ko ito haharapin. Panigurado kasing pag tumingin ako mata niya agad ang makikita ko.
"May kasalanan ka ba sa akin at para kang kriminal na nakatungo diyan. Humarap na nga alam mong isang pangbabastos ang pagtungo mo kapag may kumakausap sayo."= he said at dahan-dahan na nilapat ang kanyang kamay sa aking baba para itaas at iharap sa kanya.
Napapikit ako ng akmang nagtama ang mga mata namin. Bahagya akong nakarinig ng isang mahinhin na tawa. Kaya napadilat ako ng Hindi ko sinasadya. "Bagay sayo para kang anghel."= bigla na lamang lumabas sa aking bibig.
BINABASA MO ANG
Life Against Death
Vampiri#137 in vampire Dalawang magkasalungat na lahi ang isa ay naghahari at ang isa ay siyang patuloy na nalalagas. Sa sigalot sa pamamagitan ng dalawa. May pag-asa bang maka buo ng hindi inaasahang pag-iibigan? Kung lahat ay siyang nagiging hadlang? Sa...