‡UNINVITED‡

127 9 0
                                    

†KATHRYN'S POV:†

Kasalukuyang abala ang lahat sa paghahanda hindi dahil sa may plano kami about sa alyansang nagaganap sa dalawang panig kundi upang ipagdiriwang ang kaarawan ni Juls.

Si Julia Montesor kung tawagin naming si Juls ay isang human na may lahing immortal. Kung baga half human and half immortal. Inamin niya sa amin ito kaya lahat ng mga dati niyang nililihim ay nalaman namin.

Nalaman din namin na may isa siyang kapatid ngunit sabi niya pumanaw na daw ito kasama ng magulang niya. Habang sinasabi niya iyon sa amin nakatungo lang siya.

Pero gaya nga nang sabi niya isa pa rin naman siyang mortal at bilang mortal kailangan pa din niyang i celebrate ang kaarawan niya. Kahit ganito ang sitwasyon dapat pa din kaming sumaya at magdiwang.

"Naghanda pa kayo nakakahiya alam niyo namang kahit walang handaan masaya na ako. Basta magkakasama lang tayong lahat."= she said. At niyakap ako.

"Alam mo juls bawat oras dapat pinahahalagahan lalo nat buhay ka pa at humihinga . Dapat ding ipagdiwang ang iyong kaarawan dahil ito ang araw na binigyan ka ng buhay ng maykapal."= i said. Humarap ito sa akin at ngumiti ng kay tamis.




"Salamat kath"= she said.







Lumapit naman sa amin si Janella at sinenyasan kami na handa na ang lahat ng mga hinain para sa kunting handaan at kasiyahan para sa kaarawan ni Juls. Pumasok na kami sa loob. Unang sumalubong sa amin si Katsumi na kay tamis ng mga ngiti. May hawak siyang kulay lila na rosas at ibinigay kay Juls habang may paluhod pa.





"Julia Montesor maaari ba kitang maisayaw?"= tanong nito na ikinatango ni Juls.







Inalalayan naman ito ni Katsumi papunta sa gitna. Kasabay ng musika na nang gagaling sa piano na tinutugtog ni Janella ay siyang pagsisimula nila sa pagsayaw. Masaya silang nag- uusap dalawa.







Hanggang sa matapos yung sayaw nakangiti lang si Juls. Ngayon si Daniel naman ang mag aaya. Gaya kanina sumang- ayon si Juls at sila naman ang sumayaw sa gitna. Habang sumasayaw silang dalawa, yung isa walang sawa akong inaasar.




"Selos ka ba hayaan mo isasayaw kita "= sabay ngisi nito. Naniningkit ang mata ko ng tingnan ko ito.



"Kapal mo ako selos sa panaginip mo siguro "= Asar kong sabi rito habang kasayaw niya si Juls.


Napatingin na lamang si Juls habang natatawa. Paano yung kasayaw niya inaasar ako. Para tuloy kaming may sariling mundong dalawa nagbabangayan habang may isinasayaw siya.


"Ang landi niyo ha. "= pang-aasar na  sabi ni Juls na pa nguso na lang tuloy ako.



Life Against Death Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon