‡MEET HER AGAIN‡

146 8 0
                                    

†EDWARD'S POV:†

Madaling araw pa lamang ngunit napagpasyahan ko nang maglakad-lakad sa academia tutal wala pa namang mga istudyante na makakita sa akin. Napag desisyunan kung pumunta sa isang lugar na malapit lamang dito. Lugar na kung saan isang libingan ang matatagpuan ko.








Habang dala-dala ko ang isang pulang rosas ay napahinto agad ako ng makita ang bumungad sa aking daanan. Mga bampira na nakahilera at winasak ang lalamunan na tila sinalat ang mga dugo. Sa bawat paghakbang ko patungo sa lugar na pupuntahan ko ito ang nakikita ko mga binalandrang katawan at sariwang dugo ng isang bampira.







Bahagya akong napahinto sa paglalakad at tila pinapakiramdam ang paligid.





"Lumabas ka na diyan alam ko namang nandyan ka nagtago ka pa"= i said mula sa gilid ng pasilyo lumabas ang nilalang na aking inaasahan.




"Nalaman kong umuwi ka kaya nag-isip ako ng magandang surpresa. Ngayon tatanungin kita nagustuhan mo ba ang way ng salubong ko sayo hindi ba ang ganda aking .....









Mahal na Asawa"= sarcastic nitong pagkakasabi.







Kita ko ang pagpipigil nito at pangitngit ng kanyang panga. Napakagat din siya sa kanyang labi dahilan para mapansin ko na inis at galit ang nararamdaman niya sa muli naming pagkikita.








"Papaano ka nakapunta dito.?"= i said in cold way walang paligoy-ligoy na tinanong ko ito.




"Sabihin nating marami akong alagad na nakapaligid sa academia na ito."= ngiti nitong sabi.




"Umalis ka na!"= hiyaw ko rito .naasar ako pagnakikita ko siya.





"At bakit ako aalis asawa mo ko at may anak akong inangkin mo Edward ...may anak ako na nilayo mo sa akin tapos papaalisin mo ko hindi naman magandang pakikitungo yan"= pang-iinis nito at akmang lalapit sa akin ng tinulak ko ito ng malakas dahilan para tumama ang kanyang likod sa pader.






"Akin na ang anak ko edward!"= panggagalaiti nitong sabi sabay tayo mula sa pagkakatulak.







"Hindi ko ibibigay ang anak mo sayo...hindi ka karapat dapat para maging magulang ng batang iyon di ka katulad ni Xandra isang mapagmahal na ina.."= cold ko paring sabi rito.






"Peste edward si Xandra na naman yung babaeng namatay na yun parin ang hinahalintilad mo sa akin. Siya pa din ang walang sawang iniibig mo at iniisip mo, asawa mo ako pero ni minsan inisip mo ba ako hindi ,kasi si Xandra na tao at hindi bampira ang inibig mo ..!! Walang kwentang babae."= hiyaw nito sa akin halos mainis na ako rito ...ngunit pinipigilan ko lang.







Life Against Death Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon