†KATHRYN'S POV:†
Habang tumatagal ang labanan lalong dumadami ang nasusugatan at kinukuhang buhay ng digmaan. Puno ng bangkay nang mga mortal ang ilog at napuno nang nagtalsikang dugo naman ng mga bampira ang mga halaman.
Puros palahaw na mga sigaw nang mga nababawian ang umaalingangaw sa buong lugar. Samantala habang nakikipaglaban ang iba ako naman itong gumagamot sa mga nasugatan. Isa ito sa mga abilidad nang mga sorceress. Ang maging isang healer.
Abala ako sa paggagamot ng may isang nilalang ang aking nakita mula sa isang puno na di kalayuan sa aming puwesto. Tumayo ako matapos ko magamot ang mga mortal. Pumunta ako sa lugar kung saan ko ito nakita. Maya-maya nasurpresa na lamang ako ng may humila sa akin.
Agad nitong tinakpan ang aking ilong nang isang panyo na may angking halimuyak na unti-unting napapikit sa mga talukap sa aking mata. Huli na upang makapalag pa nang tuluyang makaramdam ako ng pagka antok at napansin ko na lama buhatin nito papunta sa isang lugar na malayo sa iilan.
†DIEGO'S POV:†
Sa loob ng isang araw natapos ang lahat ng gulo. Sa labanan sa pagitan ng Bampira at Mortal isa lamang ang puwedeng magwagi. Samantalang ang isang panig ay malulugmog sa pagkatalo.
Gaya ng nangyayari sa digmaan nabalot ng karahasan at sakripisyo ang lahat upang makamtan lamang ang kapayapaan at kapangyarihan na hinahangad ng iilan. Nanalo ang Mortal at natalo ang Bampira.
Nakakalumo pero may batid namang kasiyahan sa aming dibdib at sa wakas nakamit din nang mga Mortal ang hinahangad na kapayapaan at kalayaan na dati hindi maibigay nang mga ganid sa kapangyarihan na mga Immortal.
"Sa wakas nakamit na din ng mga tao ang hinahangad nilang kalayaan noon pa."= tuwa-tuwang hinayag ni julia ang kanyang naramdaman.
"Sana nga lagi na lang ganito masaya walang iniindang problema o kaguluhan sa paligid. At sana makapagsimula na ding makapamuhay ng normal ang mga tao."= biglang sulpot na lamang ni Janella sa aming tabi.
"Malapit na mag- umaga kakailanganin na naming umalis bago sumikat ang araw "= seryosong sabi ng isa sa mga bampira. Agad naman kaming napabaling sa lugar kung saan may mga bampira at nga mortal na tila nagtatalo.
Papaalis na sana sila dahil tapos na din naman ang digmaan at nagwagi ang mga mortal ngunit hinarangan kaagad sila ng mga ito . Napakunot - noo naman ako sa ginagawa nila habang tinatanaw namin sila.
"Aalis na kami natural tapos na ang digmaan ."= sabi ng ulit sa mga bampira. Ngunit kaysa sa umalis ay mariing umiling lamang ito.
"Ito na nga ba ang kutob ni Kathryn?"= bulong ni Julia mula sa aking likod.
"Anong ibig mong sabihin, Julia?"= tanong sabay lapit sa amin ni Katsumi.
"Na sa huli may mangyayaring traydoran "= matabang na sabi ni Julia habang nakasulubong ang kilay.
"Bakit Hindi pa ninyo kami palayain ..tapos na ang digmaan at wala nang dapat kami itagal dito .malapit nang umaraw paalisin na ninyo kami."= pag-aalma ng isang bampira.
BINABASA MO ANG
Life Against Death
Vampire#137 in vampire Dalawang magkasalungat na lahi ang isa ay naghahari at ang isa ay siyang patuloy na nalalagas. Sa sigalot sa pamamagitan ng dalawa. May pag-asa bang maka buo ng hindi inaasahang pag-iibigan? Kung lahat ay siyang nagiging hadlang? Sa...