†JULIA FRANCHES POV:†
Habang tumatagal ang labanan na ito. Unti- unting ding nalalagasan ang dalawang panig ng mga kakampi. Parang isang puno na may mga dahon na siyang nalalaglag sa tuwing padating ang isang malakas na hangin o nang isang bagyo.
"Nasa gitna ka nang digmaan ngunit prenteng nakatayo ka lamang diyan at naghihintay ng kalaban na siyang aatakihin ka nq lang sa iyong likuran"= she said.
Napangiti ako ng bahagya ng marinig ang kanyang tinig at napaharap sa kanya.
"Sa katunayan nga ikaw ang kanina ko pang hinihintay. Lahat naman kasi ng mga napatay ko na ay pawang walang kwenta kalaban. Aking kapatid"= ngisi ko rito na ikinainit ng ulo niya at agad akong sinugod.
Isinakdal niya ako sa isang puno habang sinasakal ng Mariin. Kitang- kita ang pagkamuhi nito sa akin. Nang mailabas niya ang tunay nitong kaanyuan. Ang dating anyo na malayo sa inosente nitong anyo ngayon. Tsk.
"Nakakatuwang isipin na bumabalik ka sa iyong dating kaanyuan. Ang dati Kong kapatid na nagtaksil sa kanyang lahi upang makamit ang minimithi niya bilang tao."= isang ngisi ko lamang ay ramdam ko na ang inis nito.
Lalo naman itong nagngitngit sa galit. At marahas akong binalibag sa isang puno. Na siyang napatama sa aking likuran. Tumayo ako at ako naman ang sumugod rito . Kinalmot ko siya sa kanyang mukha gamit ang aking matatalas na kuko.
Napuruhan naman siya at tumulo ang dugo sa kanyang pisngi. Samantalang ang dugo na natira sa aking kuko ay dahan- dahan kong tinikman. Napangiti naman ako ng dahan-dahan na gumuhit ito sa aking lalamunan at nalalasap.
"Hindi mo naman nasabi sa akin kapatid na masarap pala ang lasa ng iyong dugo. Ito pala ang lasa ng dugo ng isang taksil."= pang-aasar ko dito nakita ko naman ang pagkuyom ng kanyang kamao.
Akmang susuntukin niya sana ako ng makailag ako at ang tinamaan niya ay ang isang puno. Bumakat naman ang kamao niya rito.
"Kahit kelan Hindi ako magkakaroon ng kapatid na halimaw na siyang pumatay sa aming mga magulang!!!"=mariin nitong sigaw. At agad na naman itong napasugod . sinakal niya muli ako pero sinakal ko na rin siya.
"Tsk. Halimaw ka rin naman kung maituturing Julia Montesor . halimaw na nagtatago sa katauhan ng isang mahinhin at tila isang Santa na Hindi gagawa ng kamalian. !"= I said habang nagkakasukatan kami ng lakas.
BINABASA MO ANG
Life Against Death
Vampire#137 in vampire Dalawang magkasalungat na lahi ang isa ay naghahari at ang isa ay siyang patuloy na nalalagas. Sa sigalot sa pamamagitan ng dalawa. May pag-asa bang maka buo ng hindi inaasahang pag-iibigan? Kung lahat ay siyang nagiging hadlang? Sa...