‡CONFRONTATION & TRUTH‡

89 8 0
                                    

†THIRD PERSON'S POV:†

Dugo at Abo. Mistulang nang nagsalo ang dalawang elemento sa bawat nalalagas sa magkabilaang panig. Hindi na maalintana ang mga buhay na nawawala mapanalo lamang at makamtan ang kagustuhan na kanilang tanging hinahangad. Sa digmaan na kanilang simulan ay walang kasiguraduhan kung sino ang siyang magwawagi sa katapusan.




Samantala malayo man sa mga tao at bampira na naggigirian ay di pa din maialis ang tensyon sa loob nang isang silid kung saan bawat segundo ay may nalalagas na buhay dahil lamang sa pagkatuso ng iisang nilalang. Ang kanina ay kumpletong bihag ay ngayon unti-unting nababawasan hanggang sa matira na lamang ang dapat matira.




Humantong na din sa sukdulan ang labanan ng dalawa kapwa marami nang natamong sugat ang isat-isa ngunit wala pa din gustong sumuko. Tila may gustong patunayan sa bawat isa. Hangad ang kapangyarihan habang ang isa naman ay tanging kalayaan at kapayapaan para sa kanyang minamahal.




"Tila may gusto pa yatang humabol."=  napangisi na lamang si Enrique ng madinig ang mga papalapit na yabag mula sa kinaroroonan nila.






Habang abala sila sa pagdating ng mga bagong manlalaro ay may pinagkaka abalahan naman si Kathryn. Palihim nitong kinikiskis ang lubid mula sa bato na malapit lamang sa kanya. Wala namang kaalam-alam si Liza na ang binabantayang dalaga ay tuluyan ng nakawala sa pagkakatali at tanging umaarte na lamang na nakatali ito ng mahigpit.







Sa hudyat ng muling pagbukas ng pintuan ng library ay siyang pagdating nang mga kasamahan na kanina pa hinihintay nina Kathryn. Isang mapangkahulugang mga ngiti ang sinalubong ni Enrique kina Julia na tila hinahangos pa ang hininga mula sa pagtakbo at paglaban sa mga nahangas na humarang na pigilan sila sa pagpunta sa silid.







"Salamat at nakarating kayong lahat. Nakakatuwa naman na wala sa inyo ang mga nasugatan dahil sa mga pasaway kong tauhan na humarang sa inyo ng pumunta kayo dito. Hindi ko naman talaga ineexpect na mamatay kayo sa paglaban sa kanila o kaya mapupuruhan man lang."= mapangkahulugan na nginitian ito ni Enrique habang humahakbang sa direksyon ng mga bihag.







Agad naman nilang sinaklolohan si Daniel na tila may mga natamo ding sugat sa labanan nila ni Enrique kanina lamang. Ginamit ni Julia ang kanyang lihim na kakayahan ang gumamot nang mga sugatan.






Bukod sa pagiging Past Teller may kakayahan din siyang gumamot na itinuro sa kanya ng kanyang lola na may dugong Sorceress na ibinahagi at itunuro din niya kay Kathryn. Mabilisan namang naghilom ang mga natamong sugat nito at bumalik ang akin na lakas sa dati.







"Tsk. Hindi naman yata tama na ginamot siya kaagad ng di pa natatapos ang laban naming dalawa. Hindi mo ba alam na isang panduduga ang ginawa mo... Julia."= nakaramdam naman ng hapdi si julia mula sa kanyang likod ng surpresa siyang sinugod ni Enrique.







Tila hangin na hindi manlang napansin ng mga kaibigan nito ang ginawa ng kanilang kalaban. Tanging pagtingin lamang ang nagawa nila ng sumugod ito ng biglaan. Hawak pa din ang samurai ay muling sumugod si Daniel sa kinaroroonan nito ngunit agad din nasalag ni Enrique ang balak nito.







Sa gitna ng salit-salit na pagsugod ay isang dagundong na nanggaling sa Sentro ng Academia ang naganap. Napatigil ang dalawa umatras muli si Enrique at tila natuwa sa narinig na pagsabog.







Life Against Death Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon