†KATHRYN'S POV:†
Nang makita ko siya na nakahandusay ay Hindi na sumagi sa isip ko kalaban kung siya o hindi. Basta nilapitan ko na siya kaagad at aktong tutulungan na tumayo pero bago ko pa ito maakay ay may napansin akong hawak nito isang garapon na maliit lamang. At may laman itong dugo na ngayon ay natapon na.
Bakas ang panghihina nito kaya kaysa sa pabayaan ko ito dito mag-isa ay sinimulan ko na siyang akayin dahan-dahan. Napagdesisyunan ko na dalhin na lamang siya sa dormitory. Hindi naman kasi kalayuan ito mula sa locker at Hindi ko rin alam ang lugar na tirahan nito kaya mas mabuting sa dorm na lamang.
†DORMITORY ROOM 113†
Habang akay ko ito sinipa ko na lang yung pintuan ng dormitory ko tutal Hindi ko naman iniwang sarado ito. Pagkatapos kung gawin ko ito inilipag ko siya sa kama ko. Maayos ko naman siyang naihiga.
Sa totoo lang Hindi ako nahirapan akayin siya. Hindi naman siya kabigat ng inaasahan ko, magaan nga siya eh. Habang tulog at nanghihina ay pinagmasdan ko muna ang mukha nito. Maputla ang kutis na ihahambing sa kulay ng nyebe. Mapulang labi na ihahantulad sa sariwang dugo. Mahaba at kumukulot na pilikmata at higit sa lahat mukhang Angel siya kapag nakapikit.
"Mukhang Anghel pagtulog pero kapag gising mukha namang walang puso at walang emosyon palagi."= isip-isip ko habang Hindi inaalis ang tingin sa kanya.
Namumutla na nga siya pero lalo pang naging putla ng manghina ito. Ilang distansya mula sa mukha nito ay napaurong at napalayo. Napahawak ako sa aking mukha ng makaramdam ako ng init mula rito. Kinapa ko pa ang aking Leeg. Hindi naman ako nilalagnat. -.- asar lang.
"Hmm.!!"= napatahimik ako sa pag-iisip at humarap sa kanya.
"A-ayos ka lang ba?"= medyo akward Kong tanong at tiningnan ko siya sa mukha ... Bakit ganito na fefeel ko parang namumula yata ako.
"D-dddu---go---ooo"= hina niyang banggit habang nakapikit pa rin ang mata. Kahit nakapikit ay walang emosyon pa rin niya along inutusan.
"A-ano gagawin mo s---sa dugo?"= engeng Kong tanong kahit alam Kong iinomin niya ito.
"Blood, I need blood"= he said. Na pilit paring nagsasalita kahit hinang hina.
"Saan ako kukuha ng dugo?"=me na seryosong nagtanong.
Lumapit pa ako sa kanya para marinig ko ng klaro yung sasabihin niya."Are you stupid I said I need blood at sino pa ba ang tinutukoy ko diba ikaw!!!"= he said na dahil.sa lapit ko ay nabingi ako sa sigaw nitong nanggagalaiti...grabe makautos at ano raw dugo the hell ...
BINABASA MO ANG
Life Against Death
Vampire#137 in vampire Dalawang magkasalungat na lahi ang isa ay naghahari at ang isa ay siyang patuloy na nalalagas. Sa sigalot sa pamamagitan ng dalawa. May pag-asa bang maka buo ng hindi inaasahang pag-iibigan? Kung lahat ay siyang nagiging hadlang? Sa...