†LIZA'S POV:†
"Alis nga diyan,bakit ba ang aga aga at dinudumog niyo ang harapan ng room ng council .! Pwede ba padaan! Wag nga kayong humarang.!."= inis kong sabi sabay hawi sa mga istudyanteng nagtutumpukan sa harap .
Nang makarating na kami sa harapan nagulat kami sa aming nakita. Apat na bampira na walang buhay at brutal ang pagkamatay. Mga walang hiya!. Sino na naman kaya ang mangangahas na gumawa nito sa mismong teritoryo pa namin.
"Sino ang nagdala nito rito , sagutin niyo ko sabing sino nagdala !"= sigaw na sabi ni julia nanginginig na lumapit ang isang babae sa amin.
Puno ng mantsa ng dugo ang kanyang uniforme kaya desido kaming hindi siya nagpapanggap at nagsisinungaling manlang. Kita din ang takot sa mga mata nito ng tingnan ko maigi at basahin. Nanginginig din ang kanyang kamay.
"Lumapit ka nga rito , sabing lapit !"= sigaw muli ni julia at hinawakan ang kamay nito upang basahin ang nangyari.
Future teller si julia pero kaya niya paring makita ng pahapyaw ang mga nangyari sa past kung hindi pa ito tumatagal. Tahimik ang lahat ng mga napakalibot sa amin ni isa walang nangangahas magsalita.
"Si enrique ."= seryoso niyang sabi. Pinaalis na namin ang mga istudyante at sa loob kami nag-usap upang walang makarinig .
Matagal ko na akong kinakutoban sa lalaking iyon. Ngunit binalewala ko lamang ito sa kadahilanang unti-unti ding nagbago ang mga ikinikilos nito. Tsk. Kung pinagpatuloy ko lang ang pagmanman sa kanya di sana walang nagaganap ngayon na alyansa. Arrgghh!
"Ngunit bakit si Enrique anong motibo niya at ginawa niya ito. Isa lang naman siyang hamak na istudyante dito. Ang tapang naman niyang gumawa ng ganitong hakbang para tayo kalabanin."= Julia said.
"Isa lang naman ang magiging motibo nito yun ay ang makawala sa pagiging puppet ng imperyo na ito.Ang dating sunod-sunuran ngayon natuto nang lumaban."= I said. Lahat napatingin sa akin ng makahulugan.
"Anong ibig mong sabihin liza?"= nakakunot-noo na nagtanong si Iñigo.
"Ang Hellish Academy ay isa sa mga pinupuntirya ng mga kalaban dahil ang academia ay pagmamay-ari ng El Rey at dito din nila matatagpuan ang tagapagmana nito ang Anonymous Prince. Alam naman nating lahat na hinahanap ng mga mortal ang tagapagmana dahil pag napatay nila ito may pag-asang bumagsak ang imperyo ng ating lahi.Pero dahil sa nabigo ang lahat sa paghahanap sa Prinsipe kaya nakaisip ang isa sa kanila ng panibagong plano. Ang plano pumasok sa Academia at mangalap ng bagong kakampi. Ang mga mababang antas ng mga bampira ang kanilang kinukuha."= pagpapaliwanag ko sa mga ito.
"Dahil mas maraming bilang nang may mababang antas nang bampira ang siyang bahagi ng Academia."= sofia said.
"Tama ka Sofia. Kaya ito ang kanilang pinuntiryang sirain. Kaya din siguro hindi natin ito napansin dahil sa mismo sa loob ng academia nagaganap ang pag-aalyansa. Yung gumawa ng plano siya din ang nilalang na naging utak ng alyansa. at walang iba kundi si Enrique Gellal."= i said.
BINABASA MO ANG
Life Against Death
Ma cà rồng#137 in vampire Dalawang magkasalungat na lahi ang isa ay naghahari at ang isa ay siyang patuloy na nalalagas. Sa sigalot sa pamamagitan ng dalawa. May pag-asa bang maka buo ng hindi inaasahang pag-iibigan? Kung lahat ay siyang nagiging hadlang? Sa...