†DANIEL'S POV:†
Madaling araw na nang magising ako sa isang Hindi pamilyang lugar. Kinusot ko ng mariin ang aking mga mata at nilibot ito sa paligid. Agad ko namang inaalala ang mga naganap kahapon. Naalala ko na tinulungan ako ng babaeng ito nang manghina ang aking katawan at dinala niya ako dito sa kanyang dormitoryo.
Pabangon na ako ng may mapalingon ako sa aking kamay, napansin Kong hawak ko ang kamay nito habang siya'y nakaupo lamang at nakatulog ng mahimbing na walang manlang pakielam sa paligid.
"Nakatulog siya na nakaupo lamang magdamag. Tsk. Hindi manlang nag-isip na gisingin ako."= sagi sa aking isip habang pinagmamasdan ito.
Unti-unti kong kinakalas ang kanyang kamay at aktong bumangon ng dahan-dahan. Pagkatapos ay tumayo ako upang isaayos siya. Binuhat ko ito at agad na inihiga ng maayos kumuha na din ako ng kumot para Hindi siya lamigin.
Isa na ding ganti para sa ginawa nitong pagtulong sa akin sa oras na kailangan ko ng tulong. Mabuti nang mabayaran ko na ang utang loob ko rito dahil isa sa iniiwasan ko ang tumanaw ng loob kahit kaninuman maski bampira man o kaaway ko ito.
Mahimbing siyang natutulog kaya pinagmasdan ko muna ang kanyang mukha. Una pa lamang napansin ko na agad ang simple ngunit maganda nitong mukha. May pagka anghel din siya kung ihahalintulad. Maikli na pilikmata ngunit pakulot. Mapulang labi na katamtaman lang ang pula.
Pero sa tagal Kong pagtingin sa kanya ay may napagtanto ako. Parehas ng hugis ng mukha. Hindi magkalayo ang pagkahalintulad at higit sa lahat parehas sila ng pinagmulan. Impossible tanging sumagi na lamang sa aking isip.
"Hmmmphh..ganda naman ng view ang gwapo "= ngiting niyang sabi na may paniningkit ang mata.
Napatigil naman ako sa pag-iisip. Tiningnan ko lamang siya ng seryoso at Hindi manlang sumagot. Malapad ang kanyang ngiti tila nanaginip pa siya. Kinusot niya naman ng dahan-dahan ang kanyang mga mata at nabigla pa ng makita ako sa harapan niya.
"Ahh ..lumayo ka nga sakin ..nasisilaw ako..layo..layo"= tarantang sabi nito napangiti naman akong bahagya na ikinagulat naming dalawa.
"Ngumingiti ka pala "= pangaasar nitong sabi sabay tingin sa akin napaiwas ako ng tingin dito.
"Sinong nagsabi sayo na Hindi ako ngumingiti.. Ngayon ka lang ba nakakita ng ngumingiti at ganyan pa ang reaksyon mo.?"= cold kung sabi rito na ikinaseryoso muli ng mukha nito.
"Ang sunget..pano akala ko Hindi ka ngumingiti kasi laging nakapokerface yang pagmumukha mo o kaya'y ngisi ng ngisi ...alam mo mas bagay sayo ngumiti maging Gawain mo na kaya yan."= she said nagpantig naman ang tenga ko sa sinabi niya .
BINABASA MO ANG
Life Against Death
Vampire#137 in vampire Dalawang magkasalungat na lahi ang isa ay naghahari at ang isa ay siyang patuloy na nalalagas. Sa sigalot sa pamamagitan ng dalawa. May pag-asa bang maka buo ng hindi inaasahang pag-iibigan? Kung lahat ay siyang nagiging hadlang? Sa...