†KATHRYN'S POV†
Mistulang umiikot pa ang aking paningin ng magising ako sa isang malamig na semento. Hilong-hilo pa din ako dahil sa ginawang ni Enrique. Hindi namin inaasahan na makakaligtas pa ito sa malakas na pagsabog na naganap sa gusaling kanilang kinaroroonan ng El Rey.
Hanggang ngayon palaisipan pa din sa akin ang mga nagaganap na pangyayari. Sa pagbangon ko nakita ko ang isang nilalang na nakatalikod sa akin hindi ko pa mawari ang mukha nito dahil di ko man masilip. Kaya lumapit ako dito at kinuha ang bagay na puwede kong gawing armas.
"Wag kang gagalaw kung gusto mong abutin ka ng sikat nang araw."= bulong ko na sambit dito at agad na itinutok ang bagay na nakuha ko.
Hindi manlang ito nagsalita at kaagad akong hinigit. Kung kanina siya ang nasa peligro ngayon nagpalit na ng sitwasyon ako naman ang marahas na tinutukan nito ng armas sa leeg. "Gising ka na pala.Kathryn"= bahagya naman akong napatigil sa pagpalag ng mabosesan ko ito.
"Dylan?"= agad naman ako. nitong pinakawalan mula sa pagkakahawak niya sa akin.
Humarap naman ito sa akin at nang makumpirma ko siya ito agad akong nagtanong sa kanya. "Dylan bakit tayo lang dalawa magkasama nasan yung iba? Nasan si Daniel? Ano bang nangyayari ha?"= nalilito kung sabi habang abala siya sa pagmamasid sa mga napapadaan na kalaban sa aming pinagtataguan.
Hinila niya naman ako paalis sa kanina naming pinagtataguan at sumenyas na sundan namin ang mga kalaban na papunta lang sa iisang lugar. Ang Arena ng Academia na hanggang ngayon hindi pa din naapektuhan nang mga pagpasabog at pagbomba na gawa din nila.
"Kathryn mamaya na ang mga tanong, mahuhuli tayo ng mga kalaban kung uunahin natin na sagutin ang mga tanong mo. Mas mabuting subaybayan muna natin ang bawat galaw nila bago tayo sumugod. Ayoko namang ilagay ka sa panganib at magalit pa sa akin ang kapatid ko dahil pinabayaan kita. Kaya pag-aralan mo muna natin ang kilos nila bago tayo gumawa ng plano basta-basta."= pang suhestiyon nito na ikinasang-ayon ko.
Gaya ng suhestiyon nito sumunod ako. Nagtago kami munang dalawa hanggang sa makakuha kami ng pagkakataon at doon na sumugod sa mga kalaban. Inundayan namin ito ng mga saksak sa leeg, dibdib at tiyan samantalang siya naman ay binali at sinakal ang mga ito hanggang sa mamatay.
May isa kaming itinira upang mapagtanungan. "Ang mga bihag saan ninyo sila dinala, sumagot ka o di ka na sisikatan ng araw. Mamili ka?!"= bakas sa mga mata ng aming kaharap ang takot ng makita ang pagiging dilaw ng mga mata ni Dylan.
Ibang-iba ang mga mata nito sa kanyang kapatid. Maski ako nagulat ng makita at masaksihan ito. "Yung mga bihag nasa arena silang lahat kasama yung isang lalake na kamukha mo.,,, ba-balita ko hahatulan silang lahat sa harap ng mga mortal at immortal na kasapi namin."= nangangatog na pag-amin nito.
Matapos marinig namin ang mga sinabi nito di kami nag-atubili na sumugod at pumunta sa Arena kahit na dehado ang lagay naming dalawa dahil ang dami ng mga kalaban namin. Muntikan pa kaming magkasalubong ng mga kalaban ng hilahin at makatago kami kaagad.
BINABASA MO ANG
Life Against Death
Vampiros#137 in vampire Dalawang magkasalungat na lahi ang isa ay naghahari at ang isa ay siyang patuloy na nalalagas. Sa sigalot sa pamamagitan ng dalawa. May pag-asa bang maka buo ng hindi inaasahang pag-iibigan? Kung lahat ay siyang nagiging hadlang? Sa...