‡CHESS GAME‡

234 10 0
                                    

†KATHRYN'S POV†

Sa pagsapit ng gabi ay agad akong naghanap ng aking masisilungan lalo na kapag bilog at pula ang buwan. Kung saan mas mapanganib na manatili sa labas at Ito din ang isa sa mga kinakatakutan ng iilan. Sa gitna ng paghahanap ng masisilungan ay may nakita akong isang kubo. Sakto at masyado nang madilim ay may nakita pa ako. Marahan akong kumatok ngunit wala namang tao. Sa pagsilip ko ay tila nilisan na ito. Kaya doon na ako nagpalipas ng gabi. .





"Sa wakas at makakapaghinga na rin "= tuwang sabi ko at agad nang humiga upang magpahinga ngunit. Sumasagi pa rin sa isipan ko ang tumulong sa akin kanina sino kaya siya?




"Kung bampira ka man may nais akong malaman, ano ang dahilan at niligtas mo ako?"= parang sira lang akong kinakausap ang hangin kahit wala namang sasagot.





"Haisst makatulog na nga lang"= sambit ko muli hanggang nagpagulong gulong at makatulog.





†LIZA'S POV:†

Tahimik lang akong nagmamasid sa lalaking nakaupo sa aking harapan. Tila matipuno at tila nyebe ang kanyang Kutis sabay habang ang kanyang mga labi ay kulay dugo sa tingkad. Isa siya sa mga kinakatakutan at nirerespeto nang lahat ng mga bampira. Pangalawa siya sa el rey kung maituturing.




"Anong sadya mo at naparito ka,?"= tila malamig na pagkakasabi ang kanyang isinalubong sa akin. Kahit kelan Hindi na nagbago ang pakikutungo niya.




"Wala naman gusto ko lang makita ka at malaman ang iyong ginagawa"= hiya kong sabi sabay lapit sa kinakaupuan nito. Umiwas naman ako ng tingin sa kanya. >…<



Tiningnan ko kung ano ang kanyang ginagawa at nakita ko lang naman ang isang chessboard sa kanyang harapan ngunit nagtaka ako sa kadahilanang siya lang ang naglalaro mag-isa. Ganyan ba siya kainip dito mag-isa?






"Naglalaro ka ng chess mag-isa ng walang kalaban ...nababaliw ka ba. Siguro nga ay naiinip ka lang.?"= naiinis Kong sabi sabay kunot ng noo. Napaharap naman ito sa akin. Nakakatakot ang kanyang aura. Kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya.






"Chess is a game for two players in which each player moves 16 pieces according to fixed rules across a checkerboard and tries to place the opponents king in a position from which it cannot escape."= he  explained pero patuloy pa rin siya sa pagtingin.

Life Against Death Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon