†ENRIQUE'S POV:†
"Kamusta na ang plano natin?, handa na ba ang lahat ng ating mga kakailanganin.? Ang mga inuutos ko ba sa iyo ay nagawa mo na nang matino.?"= i said sabay tinitigan ito ng seryoso ngunit tanging pagyuko lamang ang ginagawa niya.
"Handa na ang lahat ng mga tao para sa alyansa na plinaplano mo kuya."= sabi ni alyana sakin na tila may pangamba sa kanyang boses.
"May pag-aalinlangan ka pa rin ba. Hindi bat sinabi ko na sayo na alisin mo iwaksi mo ang mga iniisip mong iyan. pagkatapos din naman nito mawawala rin yan pangako."= i said at hinawakan ang kamay nito.
"Pero. Kailangan pa ba nating isakripisyo ang buhay ng mga mortal para lang sa plinaplano mo kuya ..maraming mamatay na inosente kuya at alam mong hindi iyon maganda kung idadamay mo sila. "= she said. At kinuha ang kanyang kamay na hawak ko kanina.
"Alyana ilang ulit na natin itong pinagtalunan kahit anong mangyari damay pa rin ang mga inosenteng tao sa plano natin . Ano ba ang gusto mo diba ang masugpo natin ang mga bampira na pumatay sa mga umampon sa tin."= i said at hinawakan ko ito sa dalawa niyang balikat.
Napatahimik ito sabay ng pag- iwas niya ng mga tingin sa akin. Bumuntong hininga bago muna magsalita.
"Hindi lahat . kuya nakukuha sa pagsasakripisyo ng mga inosenteng mortal. kuya tandaan mo ito bampira ang mga kalaban hindi ang mga mortal kuya na kailangan mo pang traydorin para lang makuha ang pagbabago na hinahangad mo!"= she shouted at me dahilan para mainis ako sa mga binitawan niyang salita.
Nahawakan ko na siya nang mahigpit sa kanyang braso at naitulak ng malakas. Napasalampak ito sa sahig at napaupo na tinitigan ako ng mariin. Akmang tatalikuran ko na ito ng muli siyang magsalita at ako ay tawagin. Napatigil ako sa pagalakad ngunit hindi ako muling humarap sa kanya habang siya ay nagsasalita.
"Nagtitiwala sila na magkakaroon ng kapayapaan pero hindi sa pamamagitan ng pagsasakripisyo nang mga buhay nila. Pinagkatiwala nila ang buhay nila sayo kahit hindi ka naman diyos kuya ....wala kang karapatan na kuhain ang buhay nila dahil hindi naman ikaw ang nagbigay nito sa kanila kaya hindi mo dapat isakripisyo ang mga mortal para magapi ang mga naghahariang bampira sa imperyo na ating kinasadlalakan ngayon."= she said. Saglit akong nakatayo lang doon at hindi umiimik.
BINABASA MO ANG
Life Against Death
Vampire#137 in vampire Dalawang magkasalungat na lahi ang isa ay naghahari at ang isa ay siyang patuloy na nalalagas. Sa sigalot sa pamamagitan ng dalawa. May pag-asa bang maka buo ng hindi inaasahang pag-iibigan? Kung lahat ay siyang nagiging hadlang? Sa...