†JULIA MONTESOR'S POV:†
Madali lamang lumipas ang panahon at oras. Sa bawat paglagas ng dahon sa puno ay siya ding pagkalipas ng mga araw na nagdaan hanggang sa dumating ang araw na pinakahihintay at pinakakatakutan naman ng iba. Ang araw ng digmaan.
Kapwa lahat ay naghahanda na para sa gaganaping digmaan. Kanya-kanyang kuha ng sandata ay armas para magapi ang mga naghihintay na kalaban. Samantalang nagdadasal ang iba para sa kanilang mga kamag-anak na sasabak sa digmaang magaganap.
Hindi ko maiwasan ang maawa dahil pati sila nadadamay sa digmaan na dapat kami lamang ang dapat masangkot. Habang abala ang iba ay napatingin naman ako sa isang malapit na babae sa akin pansin ko na naging tahimik ito mula nang makipag-usap siya sa batang iyon.
"May problema ba?, maaari mo itong sabihin sa akin kung gusto mo "= I said at hinawakan ng mahigpit ang kanyang kamay. Napaharap siya sa akin at pilit na ngumiti.
"Ako may problema ..? Wala kaya ..wag kang mag-alaala wala akong pinoproblema. Ang isipin muna natin ay kung paano natin ipapanalo ang digmaan na ito "= she said at tumayo na nakangiti pa rin.
"Siguradong ayos ka lang talaga Kathryn?..kasi kung Hindi pwede muna naman aminin at sabihin sa akin"
"Kulit naman juls pangako wala akong problema siguro dala lang ito nang pagod..... Nga pala ibigay mo ito sa iba."= inilahad ko ang aking kamay at kinuha ang isang singsing .
"Pa-para saan ito Kathryn?"
"Isa yang charm na ginawa ko.Pang protekta narin nila daniel sa sikat nang araw. Sabihin mong lagi niya isuot iyan. "
"Pero bakit pati ako binigyan mo nito tao pa naman ako at Hindi sakin sa gabal ang sikat ng araw."
"Darating ang panahon na kakailanganin mo rin yan. Para habang nandito pa ako ay nagawan na kita niyan."= ngumiti ito ngunit yung ngiti niya bakas ang pangamba.
Napakunot- noo naman ako ng marinig ang sinabi niya. Matagal pa naman namin siya makakasama pero kung makapagsalita siya parang namamaalam na. Ano ba talagang gumugulo sa isipan niya?
"Kathryn bakit mo sinasabi yan ?"
"Ang ano naman juls?
BINABASA MO ANG
Life Against Death
Vampiri#137 in vampire Dalawang magkasalungat na lahi ang isa ay naghahari at ang isa ay siyang patuloy na nalalagas. Sa sigalot sa pamamagitan ng dalawa. May pag-asa bang maka buo ng hindi inaasahang pag-iibigan? Kung lahat ay siyang nagiging hadlang? Sa...