†KATHRYN'S POV†:
Year 1790Tahimik at walang gulo. Masaya namumuhay ang lahat kasama ang kani- kanilang pamilya. Pero lahat ng iyan ay bigla na lamang naglaho dahil sa isang dahilan ang pagdating ng mga di inaasahang nilalang na siyang mamumuno sa sangkatauhan.
"Ito na ang pagkain , pumila kayo ng maayos paunahin ang mga bata sa likod ang mga matatanda " =sabi ng isang kusinera na siyang naghanda ng makakain ng lahat.
"Walang tulakan , makakain lahat "= sabi ng tagahain ng pagkain.
Kay lungkot isipin na ganito na ang sitwasyon ng mga tao ngayon. Ito Ang dating bayan na na siyang napakasaya ngunit ng lumipas ang panahon ay napuno ng katakutan at pangamba. Hindi na tao ang namumuno ngayon kundi ang sakim na lahi ng mga bampira na.
Dahil sa kasakiman at pagka uhaw ng mga bambira sa dugo ay nagsimula ng magkagulo ang mga tao. Mula ng patayin lahat ng mga bampira ang mga tao ay nagsitaguan na ito.
Sa maliit na abandonang mansyon ngayon ay dito kaming lahat nagsitago . bakas ang paghihirap nang lahat kunting suplay na lamang ang natitirang pagkain para sa lahat.
Kung babalakin naming lumabas at kumuha ng pagkain ay tiyak na nakaabang ang mga bampira sa paligid na handa kaming patayin kahit anong oras man iyan.
"Aabot pa po ba ang ating suplay para sa isang darating na linggo ?"= tanong ko sa tagapasingawa ng pagkain at inumin ng lahat.
"Yun nga ang problema Hindi aabot ang ating suplay ngayong linggo ,malimit na rin ang pagkukuhanan nito"= pagpapaliwanag nito sa akin.
Nakakapanlumong isipin na lahat ay ngayon naghihirap na sa kamay ng mga makasariling bampira.Habang kami ay nag-uusap at nagbibigay ng pagkain sa lahat ay bigla na lang may sumigaw .
"Lahat ng bata at matatanda magsitago na kayo. Bilisan na ninyo andyan na sila bilis!!"pagkatapos ng sinabi ng isang lalake na may hawak na armas ay agad nagsigulo ang lahat.
Nang marinig iyon ng lahat ay kanyang- kanyang takbo na ang mga ito. Ang ibay nagkakasakitan dahil sa takot at pangambang maabutan sila ng mga paparating na bampira. Ang ibay nagsitulakan na. May mga batang naiipit at nasusugatan dahil sa kaguluhan.
"Mama??mama nasan ka na mama?? mama ?? " habang nagsisitakbuhan ang lahat ay may naiwan na batang babae. Nanginginig sa takot habang umiiyak ito.
Agad akong tumakbo papalapit dito at nakipaggitgitan sa mga nagkakagulong tao. Hinila ko ito papalayo sa pinto kung saan pilit na sinisira ng mga walang awang bampira ito upang makapasok at tugisin ang mga tao sa loob.
BINABASA MO ANG
Life Against Death
Vampire#137 in vampire Dalawang magkasalungat na lahi ang isa ay naghahari at ang isa ay siyang patuloy na nalalagas. Sa sigalot sa pamamagitan ng dalawa. May pag-asa bang maka buo ng hindi inaasahang pag-iibigan? Kung lahat ay siyang nagiging hadlang? Sa...