†LIZA'S POV:†
"Ang tagal naman niya,kanina pa nakalipas ang takdang oras .Baka naman paghihintayin lamang niya tayo sa wala nito"= pagrereklamo ni Sofia na ikinaiirita naman ni iñigo.
Kanina pa kami dito naghihintay halos lahat nga ng mga istudyante dito sa labas ng Academia nakatingin na sa amin yung iba nakiki usyoso na sa mga nangyayari.
"Manahimik ka nga Sofia darating sila wag kang atat ..sumama pa kasi dito sa labas di naman marunong maghintay "= bulong na sabi ni inigo sa huli nitong salita.
"Anong binubulong mo diyan naririnig ko naman."= pagsusungit na sabi ni Sofia.
Nakakarindi ang kaingayan at pagtatalo ng dalawa .Samantalang kanina ko pa napapansing tahimik at tila malalim ang iniisip ni Julia. Ano na naman kaya ang gumugulo sa isip nito?
"Ano ba umuulan na ang tagal naman nila nakakaasar na ha "= pagmamaktol ni Sofia .
"Kung hindi ka makakapaghintay makakabalik ka na sa loob ng Academia."= seryoso Kong sabi na ikinatahimik niya at napaupo na lang sa isang tabi.
"Andyan na sila manahimik na kayo at umayos kayo ng kilos niyo."= Julia said na napakaseryoso ng kinikilos ngayon.
Unti- unting papalapit sa amin ang mga yapak at nakita na namin ang isang lalaki na may kasamang isang babae na ang sa tingin ko ay matanda na ngunit sa pagkilos tila elegante at kagalang- galang ito kung titingnan.
"Akala namin naduwag na kayo ang tagal. Anong oras na at umuulan pa. Kanina pa namin kayo hinihintay ano pa ba ang ginawa ninyo."= panenermon ni Sofia na may halong irita ang kanyang tono.
"Simulan na natin ang pinag- usapan. Nasaan na ang mga sakripisyo ninyo ilabas niyo na. Para matapos na tayo."= Enrique said na tila nagmamadali at hindi na pinansin ang pagrereklamo ni Sofia.
"Iñigo , Sofia ang mga isasakripisyo ilabas niyo na"= I said .
Mula sa aming likuran ay nilabas nila ang sampung bampira na isasakripisyo namin isa sa mga ginagawa bago magdeklara ng digmaan ay ang magsakripisyo ng kalahi mo . First Innocents Blood ang tawag dito sa kasunduan na ito.
"Naipakita na namin ang sakripisyo how about you where is the 10 humans na handa ninyong isakripisyo wag ninyong sabihin , naduwag kayo at Hindi niyo na lang dinala."= Julia said na nakataas kilay.
BINABASA MO ANG
Life Against Death
Vampiro#137 in vampire Dalawang magkasalungat na lahi ang isa ay naghahari at ang isa ay siyang patuloy na nalalagas. Sa sigalot sa pamamagitan ng dalawa. May pag-asa bang maka buo ng hindi inaasahang pag-iibigan? Kung lahat ay siyang nagiging hadlang? Sa...