†KATHRYN'S POV:†
After that night natapos na din ang away ng dalawang grupo. Kung natapos na nga ba talaga?. Hindi parin kasi ako dapat maging kampante sa kabila ng mga pangyayari na nagaganap.
Simula ng matapos ang gabi na iyon lagi nang magkasama ang grupo nina liza at grupo na kinabibilangan ko. Ngunit kahit magkasama sila ramdam pa din ang tensyon sa pagitan ng magkaibang grupo
Higit sa lahat ng mga nangyari na kapani panibago ay ang pagiging madalas na pagsama ko kina Enrique, dahil sa ginawa akong co chairman ng council ay dapat kung gawin ang itinalaga sa aking position.
Halos kami na lang ang magkasama ngayon ni Daniel araw-araw ni hindi na kami mapaghiwalay dahil sa ang raming gawain na ibinibigay ng dean. Katulad ngayon sinasamahan ko siya papuntang office niya at hawak- hawak namin ang mga papeles ng mga istudyante na siyang pinapaayos sa amin ng dean.
"Hindi ka ba nabibigatan?"= he said sabay lingon sa akin. Nakita na ngang nabibigatan ako nagtanong pa.:3
"Obvious naman mister nabibigatan , tulungan mo kaya ako Hindi yung tinatanong mo lang "= iritang sabi ko rito. Lumapit siya at kinuha ang ibang papeles ...salamat naman -_-.
"Malayo pa ba yung office mo?"= I said.
"Malapit na ,sa katunayan nga nandito na tayo "= sabi niya sabay hinto na ikinatigil ko ng paglalakad binuksan niya yung pinto at pumasok na kami.
Inilipag ko sa isang lamesa sa gitna ang mga papeles at nagpahinga muna ng ilang minuto sa isang couch. Habang namamahinga inilibot ko muna ang paningin ko sa paligid. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakapasok ako sa kanyang opisina, kasi lagi naman kaming nasa library para gumawa ng iutos nang dean.
Maayos at malinis ang buong silid. May mga mamahaling antigo din ang nakapalibot sa silid. Pero sa lahat ng napansin ko sa loob, sa isang bagay ako lubos na napatigil. Sa isang lamesa sa kanan may nakapatong na chessboard na tila may naglalaro dahil lahat ng piyesa ay wala na sa kanilang lugar.
Napalingon ako sa kanya at nagtanong."May ibang tao ka pa bang kasama dito?"= tanong ko rito habang inaayos nito ang Ibang papeles.
"Wala. Bakit mo naitanong ?"= seryoso niyang sabi na hindi manlang ako hinaharap.
"Eh ,kasi my chessboard dito parang may naglalaro ng chess kasi wala na sa position ang mga pieces nito ..wala na ding pawn ang bawat panig "= I said tapos saglit niyang itinigil ang ginagawa at lumapit siya sa akin.
"Wag mo nang pansinin yan Hindi pa na natatapos iyan ng mga manlalaro...mas mabuti pang ayusin mo na lang ang mga papeles na yan." = pagsusunget niya. Sabay balik sa kanyang lamesa para iligpit ang ibang papeles.
BINABASA MO ANG
Life Against Death
Vampire#137 in vampire Dalawang magkasalungat na lahi ang isa ay naghahari at ang isa ay siyang patuloy na nalalagas. Sa sigalot sa pamamagitan ng dalawa. May pag-asa bang maka buo ng hindi inaasahang pag-iibigan? Kung lahat ay siyang nagiging hadlang? Sa...