†THIRD PERSON'S POV:†
Mabilis na nagtungo si Daniel sa kinaroroonan ng dalaga na nais niyang iligtas mula sa kamay ng mga gustong mapanakit dito. Ngunit habang papalapit siya sa lugar ay papalapit din pala siya sa katotohanan na matagal ng itinago nang kanyang ama sa kanya mula pagkabata.
Humahangos itong binuksan ang pintuan ng library na kung saan tinukoy ng nakalaban niya kanina. Tila agad na hinanap ng kanyang paningin ang dalaga sa loob ng naturang silid. Kahit kadiliman ang siyang bumabalot at wala manlang liwanag itong natatanglaw ay wala siyang pakielam basta mahanap lamang ang dalaga na labis niyang pinapahalagahan.
Sa pagsulyap niya sa bawat sulok ng silid ay agad siyang napahinto. Sa wakas nakita niya na din si Kathryn. Ngunit nakatali ang kamay at paa nito gamit ang lubid. Papalapit na sana siya ng matigil siya at maaninag ang mga nilalang sa kadiliman na kasama ng dalaga sa loob nang silid. Nakita niya dito ang ama, kapatid, at ang iba pang mahahalagang miyembro ng kanilang konseho.
Ngunit sa lahat ng ikinagulat nito at naging sanhi ng pagtigil nang akma nitong paglapit ay ang isang binata na katabi lamang ni Kathryn. Binata na kasing tangkad lamang niya. Parehas ng tindig at pangangatawan. Tila may salamin sa kanyang harapan.Ngunit dama nito ang pagkakaiba niya sa kaharap na binata. Hindi tulad ng binata ang kulay ng buhok at balat niya. Halos ramdam niya ang pagtibok at paghinga nito.
"Sino ka?"= yan ang mga nakatagang nais niyang sabihin ngunit bago pa man niya masambit ay may isang nilalang ang sumulpot sa kanyang likuran.
"Sa wakas nagsama-sama na din ang mga natirang piyesa ng laro. At sa wakas naka checkmate na. Maligayang pagdating Daniel."= isang mapangkahulugang ngiti ang binitawan ni Enrique sa lahat mula g pumasok siya at sumulpot sa silid na kinasasadlakan ng lahat ngayon.
"Sinasabi ko na nga ba, ikaw at si Bella ang nasa likod ng lahat nang nangyayaring ito."=mula sa kaliwang bahagi ay may isang lalaki ang nagsalita.
Sa pananalita pa lamang ay kilala na nang lahat kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Walang iba kundi ang ginagalang at kinakatakutan ng lahi nang mga bampira. Ang nag-iisang El Rey. Hindi naman binigyan galang nito ng kanyang harap bagkus ay tinalikuran lamang siya nito at humarap sa bisita na kakadating pa lamang.
"Hindi ka ba natuwa? Akala ko pa naman matutuwa ka at hihingi ka ng pasasalamat sa akin at sa wakas muli kayong nagkita ng iyong nawalay na kapatid mahal kong pamangkin."= mula sa likuran dumating na ang isang matandang babae na elegante kung manamit at magsalita. Lumapit ito kay Enrique at agad binigyan ng yakap ang anak.
"Pamangkin? Bakit sino ka ba?"= seryoso ang tono ng binata ng tanungin niya ang matandang babae sa kanyang harapan.
"Bella Craine ang nag-iisang kapatid ng iyong inang si Xandra. Natutuwa ako nagkita tayong lahat. Tila mala reunion ang pagkikita natin."= tuwa man ay may halong pagka sartikong pahayag nito ni Bella. Akmang siya lalapitan ni Bella upang yakapin ng balaan niya ito kaagad.
"Subukan mo kong lapitan at makikita mo ang kakahantungan mo sa paglapit sa akin..." = babala ni daniel habang hawak ang isang pilak na punyal. Nakaturo ito sa direksyon ng mag-ina na kanyang kaharap lamang.
BINABASA MO ANG
Life Against Death
Vampiros#137 in vampire Dalawang magkasalungat na lahi ang isa ay naghahari at ang isa ay siyang patuloy na nalalagas. Sa sigalot sa pamamagitan ng dalawa. May pag-asa bang maka buo ng hindi inaasahang pag-iibigan? Kung lahat ay siyang nagiging hadlang? Sa...