†KATHRYN'S POV:†
Abala ang lahat ng mga students para sa event na magaganap bukas lahat aligaga at pagka excited para sa night ball. Mabuti pa sila sa isip isip ko nagsasaya habang ang mga transferees natatakot sa mangyayaring survival contest. Kapansin-pansin na din ang pagpili ng mga isasakripisyo bawat section.Kapag ikaw ang tinapatan ng compass na hawak-hawak ni Liza ikaw ang siyang isasakripisyo. Panibago na namang araw at heto ako ngayon nag-iisa sa loob ng room wala pa ang iba. Medyo napaaga ang gising ko kaya pumasok na ako.
Kaya sinulit ko muna ang oras ko habang ako pa lang mag-isa. Nag-iisip ako ng mga strategy na gagawin ko bukas. Kung wala lang kasing survival contest edi sana nagawa ko na ang plinaplano ko. Nahanap ko na sana ang dapat hanapin.
Maya-maya ay bumukas ang pinto at pumasok si katsumi na nakangiti na sinalubong pa ako.
"Hi, Kathryn tayo pa lang ba?"= nakangiti nitong tanong sa akin. Hindi ba obvious bakit may nakikita pa ba siya ... Tsk.
"Oo katsumi."= tipid Kong sagot. Wala akong ganang makipagusap sa Hindi ko kakilala or I mean Hindi ko kaclose .
Hindi ako pumunta dito para makipagclose. May hinahanap kaya ako.
"Alam mo may kamukha ka siguro kamag-anak mo siya?"= nagpantig naman ang aking tenga at ang kaninang nakayukong ulo ay humarap na.
Napasingkit ang aking mata ng tingnan ko ito. Sino tinutukoy nito? ."Sorry pero Hindi ko kilala ang bampirang binabanggit mo"= seryoso Kong sambit rito.
"Pero Hindi siya bampira sa katunayan nga may pagkatulad kayo. Naging transferee din siya. Dito."= ngiti nito ng may pagkahulugan.
Akmang sasagot pa sana ako ng isa-isa ng dumadating ang mga estudyante kasabay din ang pagdating ng mga miyembro ng council.
"Nakaabala ba kami sa pag-uusap niyo"= Sofia said.
"Hindi naman ..oh bakit ang tagal niyong dumating kanina ko pa kayo hinihintay ..Ayan tuloy si kathryn na lang ang kinausap ko."= ngiti nitong pagpapaliwanag. Mahilig ba talaga itong ngumiti.?
BINABASA MO ANG
Life Against Death
Vampire#137 in vampire Dalawang magkasalungat na lahi ang isa ay naghahari at ang isa ay siyang patuloy na nalalagas. Sa sigalot sa pamamagitan ng dalawa. May pag-asa bang maka buo ng hindi inaasahang pag-iibigan? Kung lahat ay siyang nagiging hadlang? Sa...