Astrid's POV
Lecheflan. Ngayon, sana ibaon na ako sa lupa. E kasi naman! Naging mag partner kami nun sa President and Vice President, sya pa nakakuha nang Bracelet ko! Tinadhana ba talaga kami?
"Lish, tama na sa kakaisip dun sa tadhana, please. Kapag ikaw napansin ni sir na di nakikinig, ay naku!" Sabi sakin ni Kaye.
Nakatingin kasi ako dito sa bracelet ko. Akala ko noong bata ako mabait ang makakakuha neto, hindi pala. Noon excited akong makita kung sino nakapulot neto pero ngayon parang gusto ko nang mag back out.
Kasi naman eh!
"Ms. Mendez, stand up!" Biglang sigaw ni Ma'am kaya nagulat ako. Tinignan ko si Kaye. Nag roll eyes lang talaga sya.
"Anong iniisip mo?" Tanong ni Ma'am.
Napatingin ako kay Shawn. Anong gagawin ko...
"Ahh yung sa VP po. " sagot ko nalang.
"Pwede bang mamaya mo nalang yan isipin at makinig ka sa sinasabi ko" sabi ni ma'am tsaka nya ako pinaupo.
"I told you." Sabi ni Kaye kaya naman yumuko nalang ako.
Lunch
"Happy lunch time, everyone." Sabi ni ma'am tsaka umalis.
"San tayo magla lunch?" Tanong ko kay Kaye.
"Sa...ewan?" Sagot nya.
"Dala ko kotse ko." Sabi ko tapos ngumiti sya.
May kumalabit saamin kaya napalingon ako.
"Hi, saan kayo magla lunch?" Tanong ni Jaye.
"Well, wala din kaming idea." Sagot ni Kaye.
"Dun sa restaurant namin." Suggest neto.
"May Resto kayo?" Tanong ni Kaye.
"Kakasabi palang nga Kaye e" sahi ko sakanya tapos tumango nalang kami tapos sinundan namin sila.
Restaurant
"Oh? Bat kayo andito? Sinusundan nyo ba kami?" Tanong ni Shawn. Aba! Feelingero din to.
"Wag kang feeling dyan." Sabi ko kay Shawn tsaka sya suminangot.
"Jaye invite us." Sagot naman ni Kaye.
"Wag ka kasing feeling, Shawn" sabi ni Jaye kay Shawn. Si Shawn naman nainis.
"Ah..dito nalang kami sa isang table. Dun nalang kayong 4" sabi ko tapos tumango naman si Jaye.
Naalala ko tuloy si Liam sakanya. A very nice guy. And gentlemen. Hindi gaya ni Shawn, suplado! Wait, kino compare ko ba sila? Noooo...
"What is your order, ma'am?" tanong nung waitress.
Well di ko din alam ang i-o- order ko kasi di ko naman alam kung ano food dito.
"Ahh..yung food na inorder nila ganon din samin" sabi nalang ni Kaye tapos umalis na yung waitress.
"Ganda dito oh" sabi ko tapos nag smile si Kaye.
"Wait, parehas kayong may resto, magkalapit din names nyo? Yie! Sign nayan teh" asar ko kay Kaye.
"Anong sign ka dyan. Ayan na yung food oh" sabi ni Kaye tapos kumain na kami.
Hmmm....masarap ah. Kasing sarap nang food dun sa resto nina Kaye.
"Masarap ba yung food?" Tanong ni Jaye.
"Ay oo naman!" Sagot ko.
"Kasing sarap nung food namin dun sa resto" sabi ni Kaye.

BINABASA MO ANG
Fall For You
Teen FictionSya si Astrid, ang babaeng masungit sa mga lalake lalo na sa nakaaway nya nung unang pasukan palang. Wala daw kasi itong modo. "Gantihan nya man ako, atleast ready na ako" sabi nya sa sarili nya. Ito naman si Shawn, ang lalakeng hearttrob sa campus...