Fifthy Four || Audition

4 0 0
                                    

Astrid's POV

Friday

"Aray!" Bigla kong tili habang nakikipagsiksikan sa harapan ng bulletin board. Gusto kasing maunahan ng ibang students ang kapwa nila students. Tsaka, may limit kasi kaya unahan.

"Bes, pigilan mo ko. Makakatulak na ako dito." Inis na bulong saakin ni Kaye. As in inis na sya, namumula na yung mukha nya sa inis.

"EXCUSE ME!" biglang may sumigaw sa likuran namin kaya naagaw nya ang atensyon ng mga estudyante.

Hindi na kami lumingon ni Kaye. Para saan pa ba? E maglilista na kami ng pangalan para makaalis na dito.

"Pwede nyo bang paunahin muna ang girlfriend ko at ang kaibigan nya?" Biglang tanong nung sumigaw kanina. At napaka familiar ng boses nya.

*dugdug*

Napalingon ako. Shock! Si Shawn!

Girlfriend? Sila na?

Baka oo?

Hala! Wala na ba akong pag asa?

Landi ni girl ah!

Hinarap ko muna si Kaye.

"Pakilista nalang ako sa Volleyball ha? May kailangan lang akong....patayin--este-- kausapin." Bulong ko kay Kaye tsaka sya tumango.

Nagsibulongan lang ang mga ibang students dito habang si Kaye, naglilista dahil nakasinggit kami.

Hinila ko si Shawn sa may gilid ng hagdan.

"Takte naman Shawn! Ano nanamang kahibangan to?" Inis kong tanong sakanya habang sya, relax na relax na nakikinig saakin.

"Bakit? Pinauna ko lang naman ang...girlfriend ko. Bawal ba?" Sagot nya tsaka nag smirk. Tae! Wag kang gumanyan!

Napa iwas ako ng tingin. Anong girlfriend pinagsasasabi neto?

"How many times do i have to tell you that I'm not yung freaking girlfriend?" Mariin kong tanong. Totoo naman e, hindi nya ako girlfriend.

Biglang napawi yung smirk nya at sumeryoso na ang kanyang mukha.

Palapit sya ng palapit saakin hanggang sa makasandal na ako sa dingding. Kinulong nya ako sa mga bisig nya.

"Kapag sinabi kong girlfriend kita, girlfriend kita." Mariin nyang sabi saakin. Napatawa ako ng peke.

"Pinapaasa mo ba ako?" Biglang tanong ko sakanya na ikinabigla ko. Syete! Natanong ko yun for real?

Bumilog lang yung mata ko habang sya bigla nalang ulet napa smirk. Ogod!

"Hindi." Sagot nya saakin tsaka na tuluyang umalis. Ogod! Ano--ha--whatt??

*snap!*

Nakabalik ako sa katinuan ng may tumawag sa akin.

"AL? Ok ka lang? Kanina pa tayo hinihintay ni Mich." Sabi ni Li na nasa harapan ko.

"Oh...pumasok kana pala?" Sabi ko nalang tsaka sya ngumiti.

"Oo e." Sagot nya tsaka kami nasimulang maglakad papunta kay Kaye.

Pumunta na kami sa room. At sa inaasahan ko, andun si Shawn. Magta time na pala. Natagalan kasi kami dun sa may katapat ng faculty. Sa bulletin board.

Umupo na kami. At saktong pag upo namin, dumating na si Ma'am.

"Goodmorning students! So kailangan ko lang na tawagin yung mga kasali sa Mr.&Ms. Intrams. Sino ba yung mga kasali?" Sabi at tanong ni ma'am saamin.

Nagsitaasan ng kamay yung mga sumali sa Mr.&Ms. Intrams except saakin. Sheez! Ayoko talaga! Kasalanan ng halimaw na yun kung bakit ako kasama!

Tinignan ako ng masama ni Shawn. Hinigit nya ang kamay ko at itinaas to. Ay takte! Pahamak din e!

"Okay, sumunod na kayo saakin." Sabi ni Ma'am tsaka nagsitayuan ang mga kasama.

Shocks! Di pa ako ready! Di ko naman alam na ngayon na pala yung Audition! >_<

Ayoko talaga! Please sana may pumalit nalang saa--

"Ouch!" Inis kong tili ng hilahin ako ni Shawn. Nakakairita to the max!

Naku! Pasalamat sya, gusto ko na sya. Kung hindi, aba! Nasampal ko na sya sa gitna ng mga students dito. Amazona na kung amazona! E sa ganun ako!

Shawn's POV

"Ngayon na kasi kami pipili. Ipapractice pa kasi namin yung mga makakasali dyan. Tsaka 1 week nalang at Intrams nyo na." Paliwanag ni Ma'am saamin. Andito kami sa Practice Studio. Meron nun dito para kapag may pinagawa saamin, dito lang nagpapractice.

"And...ito na pala yung Audition nyo." Pahabol ni ma'am.

Tinignan ko si Astrid na ang tahimik sa tabi ko. Habang ito namang sa side ko, kiti-kiti. Ang likot! Hawak ng hawak saakin. At sino sya? Kilala nyo naman na ata diba? Edi si Rose.

Umupo na sa harapan si Ma'am. Habang kami, nakatayo.

"Boys sa left. Girls sa right." Paninula nung baklang kasama ni Ma'am.

May pinatugtog yung bakla. Di ko alam kung ano yun basta kanta. Dance song.

"Gora! Mag rampa na kayo." Sabi nung bakla.

Nagsimula sa girls. Una si Queenie, sumunod si Daisy, at si Kaye (sumulyap ako kay Jaye, ayun! Titig na titig) at nang si Rose na, grabe kung kumembot. She's so sexy. But, she's not my type anymore. At last, si Astrid. Nung una, di pa sya makagalaw, pero ng sumenyas na si ma'am na 'go', rumampa na sya.

o_________o

Di ko alam na ang galing nya pala rumampa. Ang akala ko kasi, tuod sya kasi hindi nya nga raw hilig yung mga ganto. Pero shet! Ang ganda nya.

Next, kami namang mga boys. Una, si Tom, sumunod naman si Sam, at si Jaye (sumulyap naman ako kay Kaye na ngayon ay namumula) at nang si Liam na, napasulyap ako kay Astrid. Nakangiti sya. Bigla nalang ako napasimangot. At last, Ako. Syempre, sinexyhan ko yung pagrampa ko. Napasulyal ako ng patago kay Astrid. Nakatingin sya saakin kaya bigla syang umiwas ng tumingin ako. Namumula sya. Napangiti ako.

"Next, Q&A na. Dito, magbubunot kayo ng questions. May mga question dito na kasama na dun. Practice pa lang naman ito. Pero kailangan nyong masagot." Paliwanag nung bakla.

Sa girls ulit. Una si Queenie, sunod si Daisy, at si Kaye, si Rose, and si Astrid. Nang matapos yun, aaminin ko magagaling sila sumagot. Pero may dalwa sakanila ang medyo naguluhan kaya ang tagal masagot.

Next, kaming boys. Una si Tom, sunod si Sam, si Jaye, si Liam, at last, ako nayan. Napangisi nalang ako kasi ang galing palang sumagot netong si Liam. Medyo na bulol lang si Tom. Pero kami nina Sam at Jaye? Sus! Sisiw lang yan. Kami pa ba?

"Sa talents nyo? Sa bahay nalang ninyo siguro i practice para surprise." Sabi ni ma'am.

Alam ko naman na mapipili ako. Ewan ko lang kina Sam at Jaye. Nang sumulyap ako kay Astrid. Sana makapasok din sya. Gusto ko syang maka partner.

I know this is crazy, but, I'm starting to like her.....as her.

|¤|¤|¤|

#PickMe

-bæ

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon