Seven ||Accidentally

18 0 0
                                    

Astrid's POV

Mukhang hihimatayin na ako! Hindi pwede to! Hindi talaga! Pero...nanyare na! Di na maibabalik pa! Lecheflannnn 10x.

Tumayo ako at hinawakan yung labi ko. Oo, nag....kiss kami ni Shawn. Sa labi! At hindi ko tanggap yun!!

"Yu-yung....first k-kiss ko!!" Sigaw ko sakanya tapos binatukan sya.

Lecheflan sya! Kinuha nya yung first kiss ko! Sa lahat ba naman nang tao, bakit kay Shawn pa! Sa tingin ko, totoo talaga yung sinabi ni lola tungkol sa bracelet na to.

Pero, ayoko nga kay Shawn. Hindi ko sya type! Ni hindi ko sya nagustuhan. Hindi sya ang gusto ko para sakin.

"I'm sorry for that" sabi nya tapos namula.

Pero ako yung mapula, sobrang pula nang mukha ko. Yung kasing kulay nang kumain ka nang Oishi. Pero gusto kung bawiin yun! Mahalaga sakin ang first kiss ko. At hindi ko to gusto!

"Hey, are you okay?" Tanong nya sakin. Mukha ba akong okay? Sa hinalikan mo ko hindi na naging okay ang buhay ko!

"Hi-hindi. Sobrang hindi nang dahil sayo!" Sigaw ko sakanya.

"Ikaw rin naman ang may gusto eh!" Sabi nya sakin.

"Sa tingin mo gusto ko yun? Sa tingin mo basta basta lang yun? Hindi, Shawn! Hindi! Kung ang paghalik sayo ay laro laro lang sakin hindi! Mahalaga yun dahil binibigay mo ang halik sa taong gusto mo at sa taong mahal mo! Gusto ba kita? Mahal ba kita? Hindi ako tulad nang ibang babae na pinapangarap na mahalikan ka!" Paliwanag ko sakanya.

"Its your fault. Kung hindi ka naman sumigaw nang may gagamba at kung hindi mo rin ako tinawag edi sana andyan pa yung first kiss mo! Ako na nga itong nag alala kung bakit ka sumisigaw e dahil sa gagamba lang naman. Pupuntahan sana kita pero andyan kana at nabunggo mo ako kaya natumba tayo at nahalikan kita!" Paliwanag nya rin.

May point din sya. Tanga mo kasi Astrid Lish Mendez! Ang tanga tanga mo! Dahil lang sa gagamba nawala pa first kiss mo! Isusumpa ko yang gagambang yan!

"Forget it. Hindi yun totoo." Sabi ni Shawn.

"Ano?" Tanong ko. Hindi ko kasi sya maintindihan.

"Its not your real first kiss, okay? Accidentally kiss lang yun" sabi nya tapos pinunasan ko yung labi ko gamit yung panyo ko.

"I'm sorry kung nasigawan kita." Sabi ko.

"Ganyan kasi kayong mga babae eh, nakuha lang yung first kiss nila e akala mo ni rape na sakaka salita!" Sabi nya. Aba!

"Ganyan din kayong mga lalake, porket nakuha na ang first kiss naming mga babae akala mo kung sino na, ang yayabang, yun lang din naman ang habol nyo samin. Kasi kayong mga lalake, mga manloloko kayo, mga mangiiwan saaming mga ba--"

*tsup*

Gusto kong sumigaw. Gusto kong himatayin! Please sana ibaon na ako sa lupa ngayon din! Lecheflan ka Shawn! Nakuha mo yung...

"My se-second kiss!" Sigaw ko sakanya tapos sinuntok ko yung tyan nya. Ang tigas, may abs noh!

"Shawn! Ano ba! Hindi kaba titigil! Iiyak na ako!" Sabi ko tapos umiyak na talaga ako.

Lumapit sya sakin dahil umupo ako malapit sa pinto at umiyak.

"E ikaw naman kasi, salita ka nang salita. Kapag sinabihan naman kita na manahimik ka, susunod kaba?" Tanong nya tapos umiyak nalang ako.

"I hate you, Shawn. You make my life miserable" sabi ko sabang humihikbi.

"I hate you more. You make my life incredible." Sabi nya sabay ngiti. Tinignan ko sya nang patago.

Ang gwapo nya oo pero kahit na ang gwapo nya hindi ako papayag na sakanya lahat mapupunta yung mga kiss ko.

Pinunasan ko yung luha ko pati narin yung labi ko.

"Wow, parang ang dumi naman nang labi ko" sabi nya tapos tinarayan ko sya.

"Madumi talaga. Sobrang dumi kaya wag kang magtatangka na kunin ulit ang third kiss ko!" Sigaw ko sakanya.

"Sabi mo itinadhana tayo? Well, you have a soft and kissable lips" sabi nya kaya namula ako nang sobra.

Nag lip bite pa ang loko at nang aakit. Well, hindi ako maakit sa pa lip-bite lip bite nya. Tumayo na ako at inayos yung mukha ko.

"Kahit umiyak kana, ang ganda mo parin" sabi nya.

"Ngayon lang. Hahah" patuloy nya. E loko rin pala to eh.

Hinampas ko nga. Ayun natigilan.

"Sa tuwing makikita kita, tatakpan ko na tong labi ko para di mo na ulit mahalikan. Hindi ko pinangarap sa buong buhay ko para mahalikan kalang. Dahil sa una palang, hindi kita gusto. Hindi kita ginusto. At hindi kita gugustuhin. Kung ikaw kaya ang babae, at nakuha yung first kiss mo sa isang napakasamang lalake, edi ganito rin sakin ang reaction mo! Kaya wag mo kaming sisihin kung bakit ang OA namin kapag nakuha ang first kiss namin. Kasi saamin, importante to at napakahalaga. Kung sainyo, laro laro, trip at kung ano pa man pwes! Kiskisin nyo nalang yung mga labi nyo. Para masaya!" Sermon ko sakanya.

"Alam mo, sa una palang rin, hindi kita gustong makita at makilala. Dahil ayokong makilala ang baliw na babaeng katulad mo. Kung satingin mo laro laro samin ang isang halik pwes hindi. Kasalanan din nang mga babae kung bakit nakukuha ang first kiss nila. Dahil ginusto rin naman nila yun. Sila rin yung gumagawa nang paraan para makuha yung first kiss nila. Kaya wag na wag mong kami sisihin na nakuha ko yung first kiss mo, dahil alam ko ikaw rin naman ang may kasalan nun. Am i right?" Sermon nya din sakin.

Tumingin ako nang masama sakanya. Tumingin rin sya sakin nang masama. Palapit nang palapit sya sakin habang ako naman palayo nang palayo.

Nakaabot na akong pader pero di parin sya tumitigil. Nilapit nya pa ako sakanya. Pilit ko naman inaalis pero ayaw nya. Anlapit na nang mukha namin sa isat isa.

"Well, i think i can have your....third kiss right now" ang boses nya parang seni seduce ako.

Lumalayo talaga ako pero ayan na....napakalapit na! Nang biglang.

"Anong ginagawa nyo dito?" Sigaw ata nung librarian.

Lumayo ako kay Shawn at ganoon din sya.

"Lumabas nga kayo! Ginagawa nyong motel ang library ko!" Sigaw nung librarian tsaka kami lumabas.

3 pm nadin pero hindi na pwede kaming pumasok sa next subject dahil nga late na kami.

"Huwag ka nang lalapit sakin!" Warning ko sakanya tapos iniwan sya.

Urgh! First kiss and second kiss ko, nawala na! Nang dahil sa halimaw na yan! I hate you, Shawn! Damn much! X-(

|¤|¤|¤|

#TheKisses

-bæ

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon