Astrid's POV
Thursday (Practice)
"Kapag nalaman yun ni Ceb, naku! Selos nanaman yun." Sabi ni Kaye at tuluyan na kaming pumasok sa room at umupo.
"Hindi naman ata. Kasi diba, andyan na si Fria." Sabi ko.
"Dapat sabihin mo padin. Bestfriend mo din sya." Sabi nya.
Maya maya biglang ngumiti ng nakakaloka si Kaye. Nagtaka naman ako."Kamusta yung halik?" Kinikilig nyang tanong. Ay syete.
Lecheflan na Shawn yan. Nakakainis! Nakakahiya sa mga magulang nya. Napahilamos ako.
(Throwback)
Ngumiti nalang ako ng pilit.
"Ang sweet." Sabi ng mama nya. Tsaka sya hinug ng papa ni Shawn.
"Ah..haha.." sabi ko nalang.
"Good job, babe." Bulong ni Shawn saakin. Kinurot ko nalang ang kamay nya.
(End)
"Wa-wala!" Palusot kong sabi tsaka tumalikod.
Di porket gusto ko sya e pwede nya na akong nakawan ng halik! Sineswerte ata sya! Walang kami tapos halik sya ng halik!
7:30 na pero wala paring pumapasok na Liam dito. Di kaya umabsent yun?
Nagsidatingan na rin yung mga kaklase ko kasama na ang the4.
"Aabsent ba si Li ngayon?" Tanong ko kay Kaye.
"Ha? Di ko alam. Pero sabi nya saakin kahapon na kung magpractice ngayon, ilista mo nalang raw sya kung saan ka sasali." Sagot nya saakin. Akala ko ba nagkakamabutihan na sila ni Fria?
"Ah sige sige." Sabi ko nalang.
Nagkatagpo yung mga mata namin ni Shawn.
*dugdug*
Naalala ko nanaman yung kahapon. Nakakahiya sobra!
Umiwas ako ng tingin sakanya habang sya, umupo lang sa tabi ko. Dumating na rin si Sir.
"Goodmorning class! So this day, ang kailangan nyo lang namang gawin ay magpractice para sa darating na Intramurals ninyo. Kailangan nyong magpractice sa production number ninyo. Sumali narin yung iba dyan sa Mr.&Ms. Intrams. Ang mga sasali dyan, kailangan nyong mag audition. Pumunta lang kayo kay Ma'am KZ dahil sya yung naka aasign dun. Pipili kami ng 3 girls and 3 boys para ilaban. Kailangan nyo ring mag practice para sa Final Performance ninyo. Pwede kayong kumanta, sumayaw, um-acting at kung ano ano pa. Remember, this is a contest. Ang makakalaban nyo dito ay yung mga senior high students at mga lower levels. Kayo ang Pilot class kaya mas marami kayong gagawin kaysa sa lower sections. Wear your pe clothes kasi maglalaro pa kayo. Galingan para manalo kayo sa contest. Its ok naman kung hindi basta nagawa nyo yung best nyo. So, naintindihan ba? Any questions?" Mahabang paliwanag ni Sir. Ang haba nun ah, infairness.
Nanatili kaming tahimik. Siguro dahil naintindihan naman namin lahat ng sinabi ni sir.
"And i forgot to tell na ang mga sasali sa PN ay 30 students lang. Sa mga sasali sa Mr.&Ms. Intrams naman, kailangan namin yung magaling. Meron dyang talent portion and of course, di mawawala ng question&answers. Kung sasali kayo, sa pres. at sa vice pres. lang kayo magpalista, then submit it to me para malaman ko kung sino ang mga sasali. Bukas pala magdidikit kami ng papel sa bulletin board, each paper merong name ng games. Ililista nyo lang ang names nyo kung saang game kayo maglalaro, mapa outdoor or indoor games payan. So, ok ba?" Muling pinagpatuloy ni Sir ang kanyang mahabang paliwang. Saamin magpapalista? Urgh.
Again, nagkaroon ulit ng katahimikan, siguro dahil kuhang kuha nanamin ang gustong ipahiwatig ni Sir. Nakakapagod kayang magsalita.
"So, pwede na kayong magpalista sakanila. Please fall in line. " sabi ni sir tsaka kami tinuro at umalis.
Agad naman nagsilinya yung mga kaklase namin. Yung PN ang inuna namin. Girls yung saakin, boys namin yung kay Shawn.
Pero bago pa sila lumista, nauna na kami ni Kaye. Sasali kami.
"Shawn, pwede pakilista narin si Li?" Pakiusap ko kay Shawn.
"Absent naman sya diba?" Inis nyang sabi.
"Pakilista nalang ok?" Sabi ko tsaka nya nilista.
Habang naglilista ang mga kaklase ko, napansin kong nakalinya si Rose sa boys.
Seriously? Di pa ba sya nasaktan sa ginawa ni Shawn? Pinaglaruan na sya ilang beses tapos gusto nya parin? Manhid ba sya?
"Kung saan, dun din ako, baby." Malanding sabi ni Rose kay Shawn. Pero si Shawn? Dedma lang.
Tumingin ng masama saakin si Rose pagkatapos nyang maglista.
"Akin. Lang. Sya." Mariin nyang sabi tsaka umalis. Naparoll eyes ako. Obsess much?
Pagkatapos naming magpalista, 15 girls ang sumali at 15 boys rin ang sumali. So sakto lang ang mga sumali. Sabihin ko yung mga sumali? Wag na. Nakakatamad.
"Kaye, sasali kaba sa Mr.&Ms. Intrams?" Tanong ko sakanya. Ngumiti sya saakin at tumango.
"Ah-huh. Ikaw ba?" Tanong nya saakin. Napailing ako.
"Ewan ko la--"
"Sasali kami." Biglang sulpot ni Shawn. Napatingin ako sakanya.
"Sinong kami?" Tanong ko. Malay mo, ang tinutukoy nyang kami ay yung mga barkada nya.
"Tayo." Nakangiti nyang sabi.
*dugdug*
Ka-kami? Sasali?
"Ha? Anong tayo? Hindi ako--"
"Sasali ka. Sasali tayo." Putol nya saakin. Napasimangot ako.
"Oo nga Lish, sumali kana." Pilit rin ni Kaye.
"Alam mo naman na wala akong hilig sumali sa mga ganyan, diba--"
"Then, try." Sabi ni Shawn.
"Alam mo, kung gusto mong sumali, sumali ka. Wag mo kong idamay." Inis kong sabi sakanya.
"Nope. Sasali ka." Pilit nya padin.
"Diba ang sabi ko ayoko. Ayok--"
"Whether you like or not, sasali ka. Nakalista kana." Sabi nya tsaka ako napatingin sa papel na pinakita nya.
Kukunin ko sana to kaso inilayo nya naman. Nakakairita naman to! Mapilit din.
Ang nakalagay dun ay:
Girls
1.Astrid
2. Kaye
3. Rose
4. Queenie
5. DaisyBoys
1. Shawn
2. Jaye
3. Tom
4. Sam
5.Wait, kulang pa sila ah? Kinuha ko agad yung papel na hawa nya at isinulat yung pangalan ni Li.
5. Liam
"Oh eto." Nakangiti kong sabi kay Shawn tsaka binigay yung papel. Tinanggap nya naman.
Napatingin ako kay Kaye.
"I support you bes! Kaya mo yan! Ilabas mo yang ganda mo!" Proud na sabi saakin ni Kaye.
"Kaye naman, hindi naman ako makakapasok--"
"Makakapasok ka. Ikaw pa ba? Galingan mo lang ok?" Nakangiti nyang sabi tsaka ng wink saakin.
Napangiti ako ng pilit. E wala nga akong alam sa mga ganyan. Never pa akong sumali sa mga ganyan. Ni muse nga nung elementary ako, di ako sumali, Ms. Intrams pa kaya? Pagtatawanan lang ako ng mga tao neto!
Kasalanan ito ni Shawn! Bat ba kasi pinipilit nyang sumali ako? Na sasali kami? Gusto nya ba akong kasama--
Wait! Hinay hinay lang Astrid. Wag kang mag assume. For sure, aasarin ka lang nyan.
Napahilamos ako. Urgh!
(-__________-*)
|¤|¤|¤|
#KasamaKa
-bæ
BINABASA MO ANG
Fall For You
Novela JuvenilSya si Astrid, ang babaeng masungit sa mga lalake lalo na sa nakaaway nya nung unang pasukan palang. Wala daw kasi itong modo. "Gantihan nya man ako, atleast ready na ako" sabi nya sa sarili nya. Ito naman si Shawn, ang lalakeng hearttrob sa campus...