Astrid's POV
Lunch na. Pero itong mga mata ng mga students dito, tingin ng tingin saakin. O sa shirt ni Shawn?
Omy! Shirt yan ni Shawn?
Paano nya yan nakuha!?
Such a slut!
Shawn is mine!
Ts. Parang baliw lang. Nagbubulongan na nga lang, yung rinig pa.
"AL!" May biglang tumawag kaya napalingon ako.
"Oh, Li. Tara! Lunch na tayo." Anyaya ko tapos napahinto sya.
"Kaninong shirt yan?" Tanong nya.
"Kay Sha--"
"Lish! Ceb! Hi guys! Tara, lunch na--oh! Is that Shawn's shirt?" Tanong ni Kaye bigla.
"Ha? Ah e oo. Diba kasi natapunan--i mean tinapunan kasi ako kaya pinahiram sakin ni Shawn ito." Sagot ko then suminangot si Li.
"Kaya pala pinagtitinginan ka nila. Akala nila girlfriend ka ni Shawn. Bati na ba kayo?" Tanong ni Li na painis. May problema ba sya.
"Oo. Sya na yung gumawa nung ginagawa ko kanina. Tinatapos nya pa. Pero pina lunch ko muna." Sagot ko tapos nag 'tss' sya.
"May problema ba Ceb?" Tanong ni Kaye tapos nag cross arms.
"Ha? Wala. Tara na. Gutom na ako." Cold nyang sabi tsaka nauna nang lumabas ng gate.
Nilapitan ko si Kaye.
"Anong problema nun?" Tanong ko kay Kaye.
"Alam ko na, nagseselos yun." Sagot ni Kaye kaya napahinto ako.
Naalala ko pala, nag confess akin si Li. Hays! Ang hirap naman. Nang dahil lang dito sa shirt na to, nagselos si Li.
"Ano ba? Tatayo ka nalang dyan?" Tanong ni Kaye tsaka ako nagsimulang naglakad ulit.
"Ay sorry." Sabi ko nalang.
Nang makapunta na kaming parking lot, andon si Li naghihintay. Pumasok na kaming kotse nya. Andun ako sa passenger seat habang si Kaye nasa likod.
Nagsimula na mag drive si Li pero napuno ng katahimikan sa loob. Ano bang nangyare kay Li bigla?
Binasag ko ang katahimikan.
"Am..may problema ba Li?" Tanong ko.
"Wala." Sagot nya habang nakatingin diretso sa daanan.
Hindi naman sya ganito ka cold. Pwera nalang kung tama yung sinabi ni Kaye na....nagseselos sya kay Shawn.
Pero promise! Wala akong gusto kay Shawn! Tsaka hindi ako dun magkakagusto.
Biglang nag glow yung bracelet ko. Haist!
Nang makarating na kami sa restaurant ng tito ni Li, nauna nanaman si Li saamin maglakad. Sinundan nalang namin sya.
"He's weird, Lish." Bulong sakin ni Kaye.
Hindi ko nalang yun pinansin at umupo na kami sa vacant chair at nag order.
"Am..excuse me." Sabi ni Li tsaka umalis. Magse-cr ata.
Sabihin ko kaya kay Kaye yung nagtapat sakin si Li.
"Kaye, i have to tell you something. Pero secret lang." Sabi ko tapos umoo sya tsaka lumapit sakin.
"Nag confess sakin si Li kahapon." Bulong ko tsaka sya lumayo.
"Omygod! Omygoodness! Omy--"
"God? Shut up, Kaye." Patuloy ko then tumingin sya sakin.
"Anong sagot mo? Nanliligaw na ba sya? Ano!?" Sabi nya then inalog alog nya ako.
"Hindi! Ano kaba! Bestfriends lang kami." Mahina kong sabi tsaka sya nag make face.
"Binasted mo? Tsk. Sayang naman si Ceb! Ang haba ng hair mo bes!" Sabi nya tapos tumawa.
Bumalik na si Li at umupo. Andyan na yung inorder namin kaya nagsimula nakaming kumain.
Tingin ng tingin sakin si Kaye kay nilakihan ko sya ng mata tsaka sya umiwas.
"Am..sorry kanina. Wala lang ako sa mood." Biglang sabi ni Li tsaka ngumiti.
"Ha? Haha ok lang. Pagod lang yan." Sabi ko then kumain ulit.
"Wag ka na kasing magse--este wag ka ng ma badmood!" Sabi ni Kaye.
Muntikan nya ng masabi yung 'selos' mabuti at sinipa ko yung paa ni Kaye kaga nakalusot sya.
"Haha sorry." Sabi ni Li.
^^^
Pagkatapos naming kumain, bumalik na kami sa school. Nauna na si Kaye kasi tinatawag na sya ni Jaye. Kaya kami nalang ni Li.
"Am..AL, sorry kanina. Ano kasi..." sabi nya tsaka ko sya tinignan.
"Nagselos kasi ako dahil gamit mo yung shirt ni Shawn. Sorry, ang babaw ko." Paliwanag nya tapos sinabunutan nya yung sarili nya.
"Selos? Bat ka naman magseselos? Pinahiram kasi sakin to ni Shawn kasi nga tinapunan ako ni Rose--"
"Ni Rose? Yung obsess na ex nya? Ano nanaman ang ginawa nya sayo?!" Bigla nyang tanong.
"Relax, Li. Sinabihan ko naman na sya." Sagot ko. Hindi ko naman talaga sya sinabihan.
"Dapat kasi lumayo layo ka kay Shawn! Napapahamak ka tuloy." Sabi nya.
"Nagkataon kasi na magpartners kami kaya lagi ko syang kasama." Sabi ko tapos umiwas sya ng tingin.
"At ako, nakakalimutan mo na." Mahina nyang sabi pero rinig ko padin kaya ang ginawa ko hinarap ko sya sakin.
"Look. Hindi kita kinakalimutan! Ano kaba! Bestfriends tayo diba? Bat naman kita kakalimutan?" Sabi ko.
"Sorry. Sige na, am..mauna na ako. Take care, AL." Sabi nya then hinalikan nya ako sa noo at umalis na sya.
Hays..ang hirap ng situation ko ngayon. Bat kasi sakin pa nagkagusto si Li? Bestfriends kami diba?
Biglang may humila sakin, pagtingin ko si Shawn.
"Aray! Makahila to wagas!" Reklamo ko tsaka inagaw ko yung kamay ko.
"Wag ka ng magreklamo, mabuti nga at hinawakan ko pa yang kamay mo!" Sabi nya tapos napa cross arms ako.
"So anong gusto mo? Magpasalamat pa ako sayo? Tsk." Sabi ko tsaka ko sya dinaanan at dumiretso sa room.
Yabang nya ha! Hangin! Ang hangin sobra. *roll eyes*
Pagkapasok ko sa room, babae ang nadatnan ko. Tss..girlfriend nanaman to ni Shawn. Pagkapasok ni Shawn, agad naman yumakap yung babae.
"Hi honey, i miss you. Who is she? Tsaka bakit nya suot yung shirt mo?!" Mataray nyang tanong kay Shawn.
Napatingin nalang ako sakanila.
"Hiniram nya. Go back to your room now, Mari. May gagawin pa kami."sabi ni Shawn tsaka lumayo dun sa Mari.
"Hoy ikaw babae, don't you dare na agawin yang boyfriend ko! Or else!" Banta nung babae sakin. As if naman na natatakot ako. Duh?
"Darling, hindi lang ikaw ang nag iisang girlfriend ni Shawn. Kaya don't act na sayong sayo si Shawn. And, i don't like your boyfriend kaya don't worry. I won't bite him." Sabi ko then tinalikuran ko sya.
Umalis nalang sya tsaka ako tinignan ni Shawn. Tinaasan ko lang sya ng kilay then umupo na ako habang sya, tinatapos nanaman yung tinatype nya.
Haist.
|¤|¤|¤|
#SelosongLiam
-bæ

BINABASA MO ANG
Fall For You
Teen FictionSya si Astrid, ang babaeng masungit sa mga lalake lalo na sa nakaaway nya nung unang pasukan palang. Wala daw kasi itong modo. "Gantihan nya man ako, atleast ready na ako" sabi nya sa sarili nya. Ito naman si Shawn, ang lalakeng hearttrob sa campus...