Fifthteen || Slave

23 0 0
                                        

Astrid's POV

Tomorrow

Kasabay ko ulit sina Kaye at Li.

"May pupuntahan ako mamaya, AL" sabi sakin ni Li.

"San naman?" Tanong ko.

"Dun kina tito Dan. Pinapapunta ako roon ni mom. Ewan ko kung bakit" sagot nya.

"Ahh..sige, okay lang." Sabi ko.

"Diba sabi ni Sir na half day lang tayo today. Mall ulit tayo, Lish" sabi ni Kaye.

Naalala ko yung sinabi ni Shawn kahapon. At yung sinabi rin sakin ni Rose. Ano bayan! Ang gulo na tuloy nang buhay ko dahil sa dalwang yan!

"Uyy!" Tawag nya sakin.

"Ha? Amm..sorry Kaye. May pupuntahan rin kasi ako." Sabi ko.

"Saan naman yan?" Tanong nya.

"Basta." Sabi ko tapos binigyan ko sya nang -maya-nalang-kita-sabihan.

"K."simpleng sabi nya.

Nagsimula na yung lesson. Habang naglelesson e nag vibrate yung phone.

Pasimpleng tinignan ko yun.

From: 09*********

I need ballpen.

Aba! Kung maka utos! Sino ba to? Tinignan ko si Shawn, aba! Di ko rin ipagtataka na sya yun. Halata eh.

To: Halimaw

Ano ka, sineswerte? Nag aaral ka nang walang ballpen. Aba! Matinde.

Tinago ko na ulit yung phone ko. Istorbo kasi si Shawn!

"Uy! May ka text ka noh? Sino yan?" Tanong ni Kaye.

"Mamaya nalang nga sabi" sagot ko tapos tumango nalang sya.

*bzzz*

Lecheflan talaga tong si Shawn! Hindi talaga titigil.

*bzzz*

Isa pa. Isa nalang talaga masasakal ko nanaman to!

*bzzz*

Kinuha ko na yung phone ko at tinignan ulit yung text nya.

From: Halimaw

Give me a ballpen.

From: Halimaw

Or else...

From: Halimaw

Say hello to Manuel. ;)

Suminangot ako nang sobra. Nag type na ako. Kulang na nga lang e mabasag na tong screen nang phone ko kasi hinard touch ko.

To: Halimaw

Lecheflan naman to. 7 pesos lang ang ballpen, di mo pa kayang bilhin? Mahirap ka siguro.

Nilabas ko na yung ballpen ko. Well, itong ballpen ko cost 60.00 pesos. Mahal noh? G-tech kasi to, di agad nauubusan ng tinta. Pwede kong ipangtusok kay Shawn--biro lang.

From: Halimaw

Shut up! Just give me that damn ballpen.

Wow! Kapag may nakita lang ako nang unting gasgas, gagasgasan ko yang mukha nya.

"Amm...Sam, paki bigay naman dun sa halimaw tong ballpen." Sabi ko kay Sam.

"Why?" Tanong nya.

"Basta. Sabihin mo rin na kapag may gasgas lang yung ballpen ko, mas malala yung gagawin ko sa mukha nya." Sabi ko rin tapos medyo natawa sya.

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon