Astrid's POV
Parang naiibahan ako. Parang may kulang eh. Kinapa ko yung kamay ko.
0_________0
Yung bracelet ko nawawala! Shems! Di pwede to! Hindi pwedeng lalake ang makakakuha nun!
Bigay sakin yun nang lola ko eh! Tsaka sabi nang lola ko may meaning yun kapag nakuha nang isang lalake. Please! Sana babae nakakuha nun!
"Kaye, balik tayo sa restaurant nyo dali!" Sabi ko kay Kaye tsaka sya nagtaka.
"Bakit ba? Gutom ka pa ba? Edi dyan ka sa Jollibee kumain" sabi nya tapos kinuha yung shirt at tinitignan kung maganda.
"Kaye! I'm serious! Bumalik na tayo!" Sabi ko sakanya tapos binalik nya yung shirt na nakuha nya.
"Bakit ba kasi?" Inis nyang tanong.
"Nawawala bracelet ko! At hindi pwedeng makuha yun nang isang lalake!" Sabi ko tapos nagtaka sya.
"Bakit naman? May magic ba yung bracelet mo?" Tanong nya.
"E-ewan. Basta tara na nga! Baka may makakuha na nun" sabi ko tapos hinila ko sya palabas nang mall.
"Taxi!" Tawag ko dun sa taxi.
Restaurant
Hinanap ko yun sa ilalim nang table na ginamit namin. Wala talaga.
"Lish, tumayo kana dyan! Pinagtitinginan ka na nang tao dito!" Sabi ni Kaye pero wala akong pake alam.
"Can you help me now! Para naman makuha natin agad!" Sabi ko tapos tinulungan nya ako. Sa ibang bakanteng table sya naghanap.
"Lish, wala talaga. That's enough!" Sabi nya tapos umupo muna ako. Umupo rin sya.
"Patay! Di pwede to! Sana talaga girl ang nakakuha nun!" Pagmamakaawa ko sa sarili ko.
"Ang weird ah! Bakit bawal ang lalake ang nakapulot nun?" Tanong nya.
"Kasi...basta! I explain to you later" sabi ko.
"Edi bukas mo nalang habapin. Tara na sa mall" anyaya nya.
"Pano kung nawala na talaga yun?" Tanong ko sakanya.
"Buy another one." Sagot nya.
"Hindi pwede. Bigay yun sakin ni lola tapos hahayaan ko lang yun mawala?" Sabi ko sakanya.
"Wag ka magalala. I'll help you naman" sabi nya then i smiled. Kaya love ko tong bestie ko eh.
"Promise?" Tanong ko.
"Promise. So, tara na. Baka may nakakuha na nung napili ko"sabi nya tapos sumakay ulit kami nang taxi papuntang mall.
Mall
"I'll buy this one and this one and this one!" Sabi ni Kaye dun sa cashier.
"Meron po kayung card, ma'am?" Tanong nung cashier tapos binigay ni Kaye yung card nya.
"Ayaw mo bang bumili?" Tanong nya sakin tapos kinuha nya na yung card at yung plastik na may laman na damit na binili nya.
"Ayoko. Wala ako sa mood. Nawala pa bracelet ko" sabi ko tapos naglakad lakad kami.
"Ano bang secret nang bracelet mo?" Tanong nya sakin.
"Pero secret lang." Sabi ko tapos tumango sya.
Umupo kami dun sa bench.
"Kasi ganito kasi yan, when i was 7 years old..."
[Flashback]
"Apo, may ibibigay ako saiyong bracelet." -lola.
"Wow! Ang ganda naman po." -ako.
"Syempre, at meron itong sekreto" -lola
"Ano po yun, lola?" -ako.
"Kapag nawala mo tong bracelet na binigay ko sayo at ang nakapulot ay lalake, itinadhana kayong dalwa." -lola.
"Ano pong itinadhana?" -ako.
"Ito yung para kayo sa isat-isa. Kayo ang magkakatuluyan." -lola.
"Talaga po? Sino naman po yung boy?" -ako.
"I don't know. Baka paglaki mo, makita mo at makilala mo sya" -lola.
"I'm excited, lola. " -ako.
"But, promise me you won't tell anybody about this, ok" -lola.
"Promise po."-ako
[End of the Flashback]
"Ahh...kaya pala bawal ang lalake ang makakuha." Sabi ni Kaye.
"Well, sana nga talaga babae yun. Paano kung suplado o kaya naman masamang tao yung nakapulot nun? Kami yung magkakatuluyan? Ayoko" paliwanag ko.
"Ok lang yan. Alam kong meron naman sayong itinadhana si God." Sabi ni Kaye sakin.
Ngumiti lang ako. Pero hindi parin ako mapakali eh! Ay jusko!
"Uwi na tayo." Sabi ko sakanya.
"Wag na muna, 3 palang eh. Maya maya nalang." Sabi ni Kaye sakin.
"Ano pang gagawin mo dito?" Tanong ko.
"Amm...bibili nang bag. You want? I'll treat you." Sabi nya tapos humindi ako.
"Wala ka nanaman sa mood? Lish naman eh! Hindi naman yun totoo na itinadhana kayong dalwa. Hindi naman si God yung may gawa nang bracelet nayun eh." Paliwanag ni Kaye.
"Kaye, alam mo naman na maka diyos si lola. Malamang, binigyan ata sya ni God nang powers." Sabi ko sakanya.
"Ok, ok. Diba ang sabi ko sayo I'll help you na hanapin yun bukas, kaya wag ka nang mag alala." Sabi nya sakin.
"Oo, ok na." Sagot ko nalang.
Hinila nya ako dun Bag Shop. Hilig neto mag shopping.
Pero iniisip ko talaga kung nasaan ngayon yung bracelet ko. Sana babae yung nakapulot o kaya sana walang nakapulot nun. Di pwedeng lalake o bakla ang makapulot nun.
Jusko naman kasi! Ang higpit nung pagsuot ko nun eh! Bat kasi kanina ko lang yun napansin? Shems!
After 1 hour.....
"Ok, tara na Kaye. Uuwi na tayo." Sabi ko tapos binigay nya yung 5 bag dun sa cashier
"Oo. Wait lang. Binabayaran ko pa." Sabi nya.
Pagkatapos mabayaran lahat, naglakad na kami papuntang exit. 4 pm na nang hapon.
"Taxi!" Tawag ni Kaye dun sa taxi.
"Kuya sa Vanton Street po kami." Sabi ni Kaye tsaka tumango si Kuya driver.
Magkapit bahay kasi kami ni Kaye. Mag bestfriends din yung parenta ko at Parents nya. Katulad ni Liam. Sya yung childhood bestfriend ko. Mula sa pagkabata, bestfriend ko na sya. Kaso nga lang e pumunta na silang US nung magge grade one kami kaya di ko na sya nakita.
Ilang years na din kaming di nagkikita. Di sya nagtetext sakin kung kailan sya uuwi dito sa pilipinas. I miss him so much. Kilala sya ni Kaye kasi naikwento ko sakanya si Liam. At kilala naman ni Liam si Kaye kasi naikwento ko narin sya kay Liam.
"Andito na po tayo" sabi ni Kuyang driver tapos nagbayad na kami.
"Opss! I'll treat you." Sabi ni Kaye kaya binalik ko nalang yung pera ko.
Bumaba na kami at pumunta dun sa magkatabing malaking bahay.
"Sige na Lish, babush! See yah tomorrow. Wag mo na isipin yung magic bracelet mo!" Sabi nya tapis hinug ako.
"Geh, babye!" Paalam ko sakanya tapos sabay kaming pumasok sa bahay.
Hahanapin kita, bracelet ko. Kakaibang bracelet na may Meaning.
|¤|¤|¤|
#FindingTheBracelet
-bæ
BINABASA MO ANG
Fall For You
Teen FictionSya si Astrid, ang babaeng masungit sa mga lalake lalo na sa nakaaway nya nung unang pasukan palang. Wala daw kasi itong modo. "Gantihan nya man ako, atleast ready na ako" sabi nya sa sarili nya. Ito naman si Shawn, ang lalakeng hearttrob sa campus...