Shawn's POV
Lunch
Nagsitayuan na sila. Hinihintay ko si Astrid. Pero parang wala syang nakita at nilagpasan lang ako. Anak ng!
Hinigit ko yung kamay nya.
"Ano ba!?" Inis na tanong nya tsaka napatingin sila Liam at si Kaye.
Tumingin si Liam ng masama saakin. Ts..nagseselos lang tong lalakeng to.
"Please?" Pagmamakaawa ko.
"Ayoko nga diba!" Sagot nya tapos pumagitna si Liam. Epal din to e noh.
"Pare, wag mo nang pilitin ang ayaw--"
"Nangingialam ka kasi!" Inis kong sigaw sakanya.
"E nasasaktan mo si AL sa ginagawa m--"
"Masyado ka rin kasing ep--"
"Pwede ba! Wag na kayong mag away!" Galit na sigaw ni Astrid saamin.
"Li and Kaye, sige na. Mauna na kayo." Sabi ni Astrid sakanila.
"Papayag ka bang dyan ka--"
"Ceb! Tara na. Ingat kayo, Lish." Sabi naman ni Kaye tsaka nya hinila yung Liam na yun.
Tumingin ng masama saakin si Astrid. Binitawan ko narin sya.
"Sa ginawa mo, ewan ko lang kung papayag pa ako." Inis nyang sabi tsaka ako nilagpasan.
Kung hindi ko lang naman kailangan ang tulong nya, hindi naman ako magsasayang ng oras sakanya.
Sumunod ako sakanya. Ang ginawa ko, hinila ko sya at pinapasok sa kotse.
"Ano ba!?" Inis nyang sigaw saakin.
"Sasama ka sakin sa ayaw at gusto mo." Mahinahon kong sabi tsaka sya pinaupo sa front seat.
Agad rin naman ako pumasok sa may driver seat at sinara yung pinto nya para di na sya makaalis.
Mall
Naglunch na kami. Ang problema ko lang kung paano sya mapapapayag.
"Astrid please. Ngayon lang to. Pakatapos kitang maipakilala, your free. Please, ayokong naipakasal lang sa ibang babae na di ko naman kilala o di ko gusto. Makakahanap naman akong ng magiging girlfriend ko and have a serious relationship, hindi lang ngayon. So please, Astrid, be my girlfriend?" Mahabang sabi ko sakanya.
Nakita kong namula yung pisngi nya. Hindi ko alam kung kinikilig to o sadyang napuno na sya saakin sa galit o inis.
Tumayo sya. Napayuko nalang ako dahil alam ko ang sasabihin nya....a--
"Oo. Payag na ako." Walang gana nyang sagot kaya napatingala ako. Naka cross arms syang nakatingin saakin.
Napangiti ako. Agad ko sya niyakap.
*dugdug*
What the hell? Ano to?
Bigla akong kumalas at hinawakan na lang ang balikat nya.
"Am...salamat. Salamat sa pagligtas sakin." Sabi ko nalang tsaka tumalikod.
Biglang nagtext saakin si Sam na wala raw lesson this afternoon. Magusap usap lang raw tungkol sa Intrams.
Hinarap ko si Astrid.
"Walang lesson this afternoon. Tamang tama, sabi nina mom and dad, ngayon ko raw ipapakilala sakanila ang girlfriend ko." Sabi ko sakanya.
Nag roll eyes sya.
"O e anong gagawin natin?" Tanong nya.
Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa. Naka uniform pa sya, tsaka wala syang ka make up make up pero maganda sya. Oo na, aamin na ako, maganda sya...pero ngayon lang.
BINABASA MO ANG
Fall For You
Dla nastolatkówSya si Astrid, ang babaeng masungit sa mga lalake lalo na sa nakaaway nya nung unang pasukan palang. Wala daw kasi itong modo. "Gantihan nya man ako, atleast ready na ako" sabi nya sa sarili nya. Ito naman si Shawn, ang lalakeng hearttrob sa campus...