Astrid's POV
After Lunch
Ayoko munang bumalik sa room. Di pa naman time e. Nagbalak akong pumunta sa garden para magpahangin. Sakto namang walang tao kaya umupo ako dun sa tabi ng puno.
"Hayy.." sabi ko tsaka pumikit at sumandal sa puno.
"BOOO!" biglang may sumigaw sa likod kaya napamulat ako ng mata at hinawakan ang dibdib ko.
"AY!" Sigaw ko tsaka tumingin sa likod ko. Takte! Si Manuel lang pala.
Tumawa sya tsaka umupo sa tabi ko.
"Takte ka, alam mo yun?! Aatakihin ako sa puso neto!" Inis kong sigaw sakanya tsaka huminga.
Ano kayang trip nitong lalakeng to?
"I'm sorry, Astrid." Sabi nya habang pinipigilan tumawa.
Tinignan ko sya.
"Ano bang kailangan mo?" Tanong ko tsaka nya ako tinignan.
"Thank you nga pala sa pagtulong saakin kung paano manligaw. Alam mo, nagiging close na kami ni Zyra." Masaya nyang sabi saakin. Sinong Zyra?
"Sinong Zyra?" Tanong ko sakanya.
"Kaklase ko sya." Sagot naman nya.
"Ah." Tipid kong sabi sakanya.
Sasandal na sana ako ng biglang hawakan nya ang magkabilang balikat ko at hinarap sakanya.
"Tulungan mo ako ulet." Bigla nyang sabi kaya tinulak ko sya ng mahina.
"Ano?" Tanong ko.
"I mean pwede mo ba ako tulungan ulit?" Pakiusap nya saakin.
"Para saan?" Tanong ko.
"Kay Zyra. Birthday nya kasi bukas. Meron na akong gift for her. Gusto ko lang na meron akong sweet message for her." Sagot nya.
"Kailangan pa ba yun?" Tanong ko sakanya. Sorry ha, di ako mahilig sa mga sweet sweet na yan.
"Syempre. So ano?" Sabi nya tsaka ako napaisip.
"Ok sige na nga." Sagot ko tapos ngumiti sya saakin. Um-oo nalang ako kahit medyo di ako mahilig sa ganyan.
Nabigla ako ng bigla nyang hawakan yung dalwang kamay ko at humarap saakin.
"Wag kang mabigla dyan. Gagawa lang ako ng halimbawa." Sabi nya kaya napahinga naman ako ng maluwag.
"O sige nga. Pa rinig." Sabi ko tapos tumingin sakanya.
Tumingin naman sya saakin ng seryoso.
"Gusto ko lang sabihin na noon pa kita gusto. Una ko palang na makita ka, napatibok mo na ang puso ko. Hanggang titig lang ako noon sayo kasi natotorpe pa ako. Pero ng tumagal, mas lalong lumalalim ang pagtingin ko sayo. Kaya eto ako, naglakas ng loob na aminin ang nararamdaman ko sayo. Niligawan kita, at pinayagan mo ko. I know ang oa pero sobrang saya ko nung pinayagan mo ko." Panimula nyang sabi saakin.
Wala akong masabi sa mga sinabi nya saakin--este--para kay Zyra. Ang mga titig ni Manuel, oo nakakainlove pero hindi para saakin ang mga titig na yun.
"I want to thank God that you become part of my life. I'm so happy that you treat other people with kindness. Your smile is so much mean to me. Alam kong hindi ka perpekto, pero ikaw ang gusto ko." Patuloy nyang sabi.
Sigurado akong kikiligin si Zyra. Nakaka-- ok ok. Ngayon ko lang to sasabihin kasi ngayon ko lang naman to naranasa. Nakakakilig yung speech ni Manuel.
BINABASA MO ANG
Fall For You
Teen FictionSya si Astrid, ang babaeng masungit sa mga lalake lalo na sa nakaaway nya nung unang pasukan palang. Wala daw kasi itong modo. "Gantihan nya man ako, atleast ready na ako" sabi nya sa sarili nya. Ito naman si Shawn, ang lalakeng hearttrob sa campus...