Kaye's POV
Saturday
"Okay, Greem team! Galingan nyo kahit practice palang ha?" Sabi nung coach namin. Kalaban kasi namin yung Red team.
So ngayon, ang kalaban namin ay yung ka team lang namin. Practice palang naman. Yung red team, nasa kabiling side, nagpapractice din.
"May kukunin lang ako. Pagbalik ko, dapat ready na kayo." Paalam ni coach tsaka umalis.
Kung tinatanong nyo kung asan si Lish? Andun sya sa Volleyball game. Si Ceb naman, sa basketball.
"Kaye!" May tumawag saakin kaya lumingon ako. Napangiti agad ako.
"Oh Jaye! Cool ng suot natin ah!" Sabi ko sakanya tapos umikot pa sya. Tapos lumapit na sya saakin.
"Masyado namang maigsi yung palda mo." Pabulong syang sabi saakin.
"Para makagalaw ako ng maayos. Alangan mag pants ako diba?" Sabi ko sakanya tapos suminangot sya.
"Ayokong may tumitingin sayong ibang lalake." Inis nyang bulong saakin kaya namula ako agad.
"Hayaan mo yan. Ikaw lang titignan ko." Bigla kong sabi kaya napatakip ako ng bibig. Sheez!
"I mean--"
"Talaga?" Nakangiti nyang tanong tapos ginagalaw galaw pa nya yung kilay nya.
"A-ahh...pumunta ka na nga dun!" Pagtataboy ko sakanya tapos tumawa sya.
"Sige. I'll see you later. Galingan mo ha!" Paalam nya tsaka ako kiniss sa forehead. Aww...sweet.
Bumalik na yung coach namin.
"Okay. Position na!" Panimula nung coach namin tsaka kami nagsipuntahan sa posisyon namin.
Go!
Break time
"Bes o! Water." Sabi ko kay Lish tsaka binigay sakanya yung tubig nya. Kaninapa kasi sya tulala. E break time, hindi pa sya umiinom.
Tinanggap nya naman at uminom sya. Wala dito sina Ceb, si Jaye at mga kabarkada nya. Madalian kasi breaktime nila. Umupl ako sa tabi ni Lish.
"Problema mo?" Tanong ko habang nagpupunas ng pawis.
"H-ha? Wala." Sagot nya tsaka yumuko. Wala raw? Liar.
"Anong wala? Sabihin mo na dali!" Pilit ko sakanya tapos tumingin sya sakin, yung tingin na...malungkot?
"Hala bes, bat ang sad mo? May nangyari ba?" Nagaalala kong tanong sakanya tsaka ko hinawakan yung magkabila nyang kamay.
"Ano kasi..." pabitin nyang sabi.
"Ano?" Tanong ko.
"May tanong ako." Sabi nya saakin.
"Oh ano?" Tanong ko ulet.
"Ka-kapag ba....iniyakan mo yung lalake....anong ibig sabihin nun?" Mahina nyang tanong.
"Anong klaseng iniyakan? Yung bang may iba syang kasama? Sinaktan ka nya? Di nya alam na gusto mo sya? May umaagaw sayo? An--"
"Yung...may umaagaw." Mahina nyang sagot.
Wait wait. Bat nya saakin to tinatanong? May iniyakan na ba sya? Omygosh! Sino?
"Bakit mo pala tinatanong?" Tanong ko muna bago sagutin yung tanong nya.
"Sagutin mo nalang muna Kaye." Sabi nya tsaka ako tumango.
"Diba sabi mo yung may nang aagaw? At umiyak ka? Isa lang meaning nyan bes, mahal mo na." Sabi ko tapos bigla nalang sya tumayo kaya napatayo narin ako.

BINABASA MO ANG
Fall For You
Teen FictionSya si Astrid, ang babaeng masungit sa mga lalake lalo na sa nakaaway nya nung unang pasukan palang. Wala daw kasi itong modo. "Gantihan nya man ako, atleast ready na ako" sabi nya sa sarili nya. Ito naman si Shawn, ang lalakeng hearttrob sa campus...