Seventy one | accident

0 0 0
                                    

Astrid's POV

"And now let's welcome, Rose!"

"GO PRETTY GURL!"

"Yas gurl! Live that confidence!"

"I know you gonna win!"

Nakita ko ng rumarampa si Rose. Di ko ipagkakaila na ang galing nyang mag model. Siguro sanayan na sya dyan. Kaso ako hindi e--

"ROSE!!!!"

*bogsh*

Agad agad kong tinanggal ang heels na suot ko at pumunta kay Rose na napatapilok at natama ang ulo sa stage. Kinakabahan ako! Hindi sya gumagalaw!

"Rose! Rose!!! Gising!" Sigaw ko habang hinawakan ko ang ulo nya at isinandal ko sa hita ko. Alam kong napakalakas ang pagkakabagsak nya.

Agad na ring lumapit sina Jaye, Kaye, Shawn at ang iba pa naming kaklase kasama na ang nga teachers namin. Agad na tumawag ang principal sa mga medics para agapan si Rose.

"Medics please! Dalian nyo! Bilis!" Sigaw ng principal namin.

"Rose, gumising ka dyan!" Sigaw ko habang humihikbi. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Bakit ko iniiyakan si Rose? Kahit napakadami nya ng masamang ginawa sakin?

Nakita ko si kuya na medics kaya agad ko syang tinawag. Agad naman silang lumapit at dahan dahang kinarga si Rose.

"Lish, magiging okay din si Rose." Biglang sabi saakin ni Kaye tsaka ako niyakap. Hindi ko alam kung bakit ako sobrang concern sakanya.

"Tara na, sumama na tayo papuntang hospital " anyaya ni Shawn at tumango naman kami. Hinawakan nya ang kamay ko at tsaka kami pumunta at sumakay sa loob ng van.

"students! Please go back to your respective classrooms. RIGHT NOW!"

Lahat ng students ay nagkakagulo dahil na rin sa nangyare. Agad naman silang nagsibalikan sa classrooms nila. At kami naman ay nagmamadaling umalis na at papuntang hospital.

Pinunasan ko ang luha ko. Mabuti nalang waterproof ang make ups na nilagay saamin kaya hindi magugulo o masisira ang make up na nilagay sa face namin.

"Astrid, huwag ka ng umiyak." Sabi saakin ni shawn at tsaka hinawakan ang kamay ko.

"Astrid, nakalimutan mo yung sapatos mo." Sabi sakin ni Jaye. Kaya napatingin ako sa paa ko. Oo nga pala, tinanggal ko yung heels ko. Wala akong suot sa paa ngayon.

"Lish, calm down. Okay lang yan." Sabi saakin ni Kaye. Kinalma ko ang sarili ko. Hindi ko alam kung bat ako ganto. Kung anong nangyayare saakin.

Tinanggal ni Shawn ang sapatos na gamit nya ata tsaka isinuot sa paa ko. Nakamedyas nalang sya ngayon.

"Bat mo pa tinanggal, okay lang naman ak--"

"Ayan na, nasuot ko na. Wala ka ng magagawa." Sabi ni Shawn sabay bumalik sa pagkakaupo nya at hinawakan ang kamay ko.

"Okay lang yan, Astrid. Calm down, magiging ayos lang si Rose." Sabi nya sakin habang hinahaplos ang kamay ko. Napatitig ako sakanya. Tsaka dahan dahan tumango. Nakita kong medyo nagtaka sya sa pag tango ko.

"Okay ka lang? Hindi naman sa pag ano, pero, bakit sobra kang nag alala kay Rose?" Bigla nyang tanong na ikinataka ko din. Hindi ko rin kasi alam e. Siguro kasi kahit marami na syang nagawang masama saakin, e natuto pa rin akong mag alala sakanya.

"Kasi...kasi hindi ko rin alam e. Pero, di naman talaga maiiwasan ang mag alala ka sa tao kapag may nangyari sakanyang masama diba?" Sagot ko sakanyan na may kasamang tanong. Bigla syang ngumiti saakin at tsaka ako hinablot ng mahina at niyakap ako.

Gumaan ang loob ko nang bigla akong yakapin ni Shawn. I feel so safe hy.

"Isa pa yan sa dahilan kung bakit ako nahulog sayo e, amazona pero sobrang bait pa din." Bigla nyang sabi habang nakayakap sakin na bigla rin ako natawa ng mahina at kinurot sya sa may tagiliran nya kaya napakalas sya. Tumatawa rin sya.

" Okay na sana yung sobrang bait, bat nay amazona pa?" Hahaha" sabi ko sakanya sabay tumawa ako ng mahina.

"Ayan, ganyan lang. Gusto ko lagi kang nakangiti lang. Mas gumaganda ka lalo e." Sabi nya sabay ngiti sakin at may pahabol pang kindat. Natawa nanaman ako.

Nakakatuwa lang kasi kapag malungkot ako, lagi nya akong pinapasaya. Okay, Astrid Lish, you're being corny again.

"Nako, nasa hospital tayo guys. Wala tayo sa park or sa kahit saan mang romantic place kaya magsitigil kayong mag loveydabs dyan." Biglang sabi ni Kaye kaya napailing kami sakanya at natawa kami kasama na rin si Jaye.

"Oh lapit ka pa huhug na rin kita Kaye koo~" palambing ni Jaye sabay ngiti ng nakakaloka kay Kaye. Bigla naman syang hinampas ni Kaye habang tumatawa.

I'm so blessed na andyan sila, na friends ko sila.

"Kayo ba ay related kay Ms. Rose?" Biglanf may nagsalita sa may right side namin kaya napailing kami. Agad naman akong napatayo ng makita ko na doctor ito.

"Amm...mga kaibigan po kami ni Rose." Sagot ko sabay tumingin kina Shawn. Bumalik naman ang tingin ko sa doctor tsaka sya tumango.

"Kamusta na po sya? Okay na po ba sya?" Tanong ko sa doctor. Inayos nya muna ang salamin na suot nya sabay tumingin saakin.

"Maayos naman si Ms Rose. Kaya sya nawalan ng malay ay dahil sobrang lakas ang pagkakabagsak ng ulo nya sa floor, or sa sinabi nyo na stage. Pero ngayon, medyo maayos naman sya." Sagot saakin ng doctor tsaka sya ngumiti saamin. Napangiti na rin ako.

Mabuti nalang at maayos ang lagay ni Rose. Gumaan ang loob ng marinig na maayos na sya.

"Nagpapahinga na sya ngayon sa room ***, pwede nyo na syang puntahan." Sabi saakin ng doctor tsaka ngumiti. Tumango naman ako at nagpasalamat, nagpasalamat na rin sina Kaye, Jaye at Shawn. At pagkatapos ay umalis na ang doctor.

Niyakap ko si Kaye. "Mabuti nalang at maayos ang lagay ni Rose." Sabi ko sakanya habang nakangiti at napatango sya.

"Tara na, pumasok na tayo sa loob." Anyaya ko sakanya at tumango naman sila.

Dahan dahan kong binuksan yung pinto at pumasok. Nakita ko si Rose na tulog sa may kama. Umupo sina Shawn sa may sofa sa gilid at ako naman ay sa may katabi pang ni Rose.

Tinignan ko sya sabay ngumiti. Kinuha ko ang kamay nya at hinaplos ko ito. Malinis na ang mukha nya ngayon, siguro ay inayos na muna nila ang itchura ni Rose bago pinagpahinga.

|~|~|~|

-K (bago na hahahah)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 09, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon