Twenty Six || Clubs

12 0 0
                                        

Astrid's POV

Tuesday

Pagkapasok ko sa gate, sina Kaye at Li na kaagad ang nakita ko.

"Goodmorning Lish." Bati ni Kaye na medyo ngumingiti pa.

"Morning, AL." Bati rin ni Li. Ngumiti lang ako sakanya.

"Goodmorning sainyo." Bati ko pabalik.

Nagsimula na kaming maglakad papuntang room. Nakasabayan namin ang The4.

"Hi Astrid!" Bati sakin ni Jessa.

"Hi! Jessa" bati ko pabalik.

"Morning sayo, Astrid." Bati sakin ni Percy. Ngumiti lang ako.

Hinanap ko si Sam, pero wala sya sa grupo.

"Si Sam? Nandun sa bago nyang babae." Sabi ni Percy kaya tumango nalang ako.

"Morning sayo, Kaye and Astrid." Bati ni Jaye na nakatingin kay Kaye.

"Morning? Sus." Masungit na sabi ni Kaye.

"Morning sayo, Amazona." Bati ni Shawn kaya napasimangot ako.

"Anong amazona? Ikaw halimaw." Sabi ko tapos ngumiti sya.

"Tara na, AL." anyaya sakin ni Li tsaka nya ako hinila.

"Bye!" Paalam ko sakanila.

Nang makarating kaming room, tinanong ko si Li.

"Bat mo ko hinila agad. Bumabati pa ako." Sabi ko tapos napasimangot sya.

"Para saan? Mabati mo yung Shawn nayun? E halos kayo lagi ang magkasama eh." Sagot nya.

Bigla akong napaisip. Nagseselos ba sya?

"Hindi ako pumapasok sa school dahil lang kay Shawn, Li. Wag mong bigyan nang malisya." Sabi ko.

"O baka naman sya ang gusto mo kaya di mo ako nagustuhan?" Tanong nya tapos medyo nabigla ako.

"Li, diba sinabi ko sayo hindi ko gusto si Shawn. At sinabi ko na sakanya yun." Sagot ko.

"E bakit parang may something sainyo?" Tanong nya.

"Nag aasaran lang kami. At partners kasi kami sa class officer kaya lagi kaming magkasama." Paliwanag ko sakanya.

"Ok. Iintindihin ko yun." Sabi nya.

"Ayokong mag away tayo, Li. Ilang weeks palang kita nakakasama." Sabi ko tapos niyakap nya ako.

"I'm sorry." Sabi nya sakin tapos kumalas kami.

"Ok lang." Sagot ko.

"Ehem!" Biglang ubo ni Kaye kaya napatingin kami.

"Sus! Away away na kasi. Tapos magkakabati rin naman. Kalokohan!" Asar samin ni Kaye kaya napatawa kami.

"E kamusta naman kayo ni Jaye mo?" Tanong ni Li.

"Hindi sakin si Jaye. Bahala sya." Sabi nya tapos natawa kami.

Pumasok na yung ibang students kaya napaupo na kami.

"Goodmorning Class. So, today is the day na mag aayos na kayo nang Club Room nyo. So, go get your partners at pumunta na kayo dun sa mga vacant rooms." Panimula ni sir.

Pumunta na ako kay Shawn. Nagsilabasan na sila.

"O, anong gagawin natin dun sa room?" Tanong nya habang naglalakad kami.

"Malamang magde design na related sa Music." Sagot ko sakanya.

"Ay..galit ka?" Tanong nya.

"Ay hindi. Andito ka kasi kaya sobrang saya ko." Sarcastic kong sagot.

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon