Seventy || Intramurals day 3

0 0 0
                                    

Wednesday (November 5)
Intramurals day 3

Astrid's POV

"Ayoko na. Back out!" Sigaw ko sabay baba sa kotse ni Shawn na sumundo sakin ngayon. Hinarangan nya ako bago pa ako makapasok sa gate namin.

"Oy oy! Anong back out ka dyan? Hoy ipapaalala ko lang sayo amazona na muse and escort contest lang yu--"

"E sa hindi ako sanay, bakit ba?" Inis kong putol sa sinabi nya. Tapos dahan dahan nyang inilapit yung mukha nya sa mukha ko. Mga 2 inches ang layo.

*Dugdug*

"Kaya mo yan. Kasama mo ko. Magkasama tayo." Sabi nya tapos ngumiti. Ako naman umatras ng unti dahil sa lakas ng tibok ng puso ko, baka marinig nya.

Walang pasabi akong pumasok sa kotse nya kaya natawa lang sya. Kinakabahan na ko. Oo na, alam kong ang OA ko masyado dahil nga muse and escort contest lang to. E sa hindi ako sanay. As in HINDI.

Nagpaandar na sya ng kotse pagpasok nya.

School

Pagkababa namin, naabutan namin naghihintay sina Kaye at Jaye sa labas. Agad akong nilapitan ni Kaye at hinila ako.

"Ang tagal mo! Alas nwebe na! Inaabot pala ng isang oras ang kaba mo. Tara na!" Anyaya nya sakin tsaka kami tumingin dun sa dalwang boys tsaka umalis.

Oo, dahil sa kaba ko, alas nwebe na kami nakarating sa school. Kanina pa kasi ako nagdadalawang isip na mag back out nalang e.

Pumasok kami sa isang room na may aircon. Andun si Rose nakaupo habang may nag aayos sakanya. Tinarayan nya lang ako.

"O mga bakla! Upo na Dali! Memake-upan ko na kayo." Sabi nung bakla na mahaba Ang buhok. Tapos yung may bangs naman Yung kay Kaye.

"Pasensya na po at natagalan, kinakabahan kasi tong si Lish e." Sabi ni Kaye dun sa dalwang beki.

"Ang sabihin mo nag inarte." Bulong ni Rose na rinig na rinig ko. Tinignan ko Lang sya at inirapan. Hindi ako magpapa apekto. Para San pa?

Sinimulan na kaming ayusan at syempre mauuna ang mukha namin. Ang boys pala nasa kabaling room, inaayusan din. Nilibot ko Yung tingin ko sa room, at meron na din kaming damit. Naku, mamayang ala una na ang simula.

"Hoy Lish, kalma lang. " Hinawakan ni Kaye Yung kamay ko. Nahalata nya siguro na nababalisa ako. Ningitian ko lang sya.

"Excited na ko mamaya. Super excited." Biglang Sabi ni Rose sabay tumingin sakin. Naka smirk lang sya tapos tinarayan nya na ako. Ewan ko nga sa babaeng to, masyadong papansin.

Sunod na inaayusan ay yung buhok namin. Kinulot yung buhok ko, pina straight yung kay Kaye at tinali naman yung kay Rose. Hindi makapal yung make up namin dahil madali lang naman ayusan yung mukha namin. Ang pagkakaiba, gradient pink lips yung samin ni Kaye at pulang pula naman yung kay Rose.

After an hour....

Sumunod ay kinuhanan na rin kami ng damit. Syempre intrams shirt at naka short or palda ang pwede. Pwedeng gawing tube, off shoulder or itali yung intrams shirt para naman may appeal. Naka off shoulder ako habang si Kaye naman ay nakatali yung shirt. Si Rose naman, ayun, nakatube. Gustong gusto i expose ang katawan nya. Naka shorts kami ni Rose habang si Kaye naka palda.

Kinuha na rin yung mga heels namin.

"Astrid, ito oh, heels mo." Nakangiti nyang sabi sabay abot saakin ng heels na hawak nya. Kinuha ko nalang pero parang ang weird nya.

"Siguradong hindi ka mapapatapilok nyan, Astrid." Sabi nya sakin sabay ngiti at umalis. Ha? Anong ibig sabihin nun? Ang weird nya ha?

Nilapag ko muna yung heels sa tabi ng heels ni Rose. Aayusin ko muna yung damit ko. Nako! 12:05 na, malapit na mag 1. Kinakabahan ako!

"Ladies, wear your heels na." Utos nung bakla saamin kaya kinuha ko na yung heels ko. Hindi ko na alam kung alin dun e parehas lang naman kasi ng color. Sinuot nanamin yung heels namin.

Tumabi saakin si Kaye.

"Besssss! Ang ganda mo! Nakooo. Kaya mo yan. Kaya natin!" Bulong nya sabay ngiti saakin. Ngumiti naman ako pabalik.

Pinapunta na kaming tatlo sa backstage. At dun nakita rin namin yung mga boys na nakaready na rin. Napatingin ako kay Shawn.

Bat kahit ganyan lang ang suot nya, ang gwapong tignan?

Hala! A...anong sinasabi ko? Na gwapo sya? O...oo rin kasi ang gwapo nya talaga e. Nako Astrid umayos ka!

"Lish! Hoy ano tulala nalang?" Biglang tawag sakin ni Kaye kaya napalingon ako sakanya.

"Ha? Bakit? Magsisimula na ba?" Bigla kong tanong sakanya. Kinakabahan na ako sobra.

"Malapit na kaya umayos kana dyan." Sagot nya kaya napatango nalang ako sabay huminga nang malalim.

Ehem!

Ehem!

1..2..3

"Ladies and gentlemens, we are presenting you our representatives for Ms. and Mr. Intramurals!"

"Kaye! Nagsisimula na! Ayoko na, bababa na ak--"

"Gusto mo bang sapakin kita?" Biglang tanong ni Kaye kaya napahinto ako at napatulala sakanya. Did she just said that to me?

"*Laughs* oh? Nagulat ka no? Ang harsh ko ba? E kasi naman e, ayan ka nanaman, aayaw ka nanaman. E ayan na o? Nagsisimula na. Okay lang yan Lish, kung first time mo to, edi mabuti. Para alam mo na ang mga susumod na gagawin kapag nakasali ka ulit." Sabi nya sakin kaya napahinga ako. Nako talagang babae to, ginugulat ako. Pero sabagay, tama naman sya.

"Oo na, oo na." Sagot ko sakanya tsaka sya ngumiti saakin.  Napangiti na rin ako.

"Let's welcome, Kaye and Jaye!"

"Goooooo bes!" Pagchecheer ko kay Kaye tsaka sila lumabas at rumampa sa stage kasama si Jaye.

'Woaaahhhh!!!'

'GOOO JAAYYEE!!!!!'

'SO PREEEETTTYY, KAYYEE!!!'

Wow. Rinig na rinig ko ang mga cheers ng mga students kina Kaye at Jaye. Well, magaling naman sila parehas e and they are both good looking.

"We can do it, Astrid." Biglang may bumulong sakin kaya napatingin ako sa gilid ko. Si Shawn.

"Ah..haha oo, kaya natin?" Patanong kong sagot din sakanya. Kinakabahan kasi talaga ako.

Tinignan ko ulit sina Jaye at Kaye. Mabuti pa tong dalwang to, ang confident nako! Parang normal lang sakanila ang rumampa sa stage at sa harap ng maraming tao.

Pagtapos nila ay pabalik na silang rumampa papunta sa backstage.

"Kayyee! Ang galing nyo, ang ganda nyong dalwa." Masaya kong sabi kay Kaye habang hawak ang kamay nya.

"Talaga? Ayos ba yun? Omygash!" Tili naman ni Kaye na pasagot pabalik saakin. Agad naman akong tumango at ngayon ay nakangiti na sya ng malapad.

"Wow Jaye, you did a good job. But i'm more handsome than you haha!" Rinig kong sabi naman ni Shawn kay Jaye na kakatapos lang din rumampa.

"I know, Shawn. Hahaha!" Sagot naman pabalik ni Jaye.

At ngayon kinakabahan nanaman ako kahit na alam kong pangatlo kami lalabas at rarampa. Susunod na si Rose. Napatinginako sakanya. Halatang ready na sya lumabas at rumampa.

"I know i'm pretty. And i know i'm gonna win." Sabi nya sabay tumingin sya saakin. Tinarayan nya lang ako kaya napasimangot ako. Sus, edi sya na.

Pero kaya ko to, kaya namin ni Shawn to. At mananalo kami. Ts!

|•|•|•|

#muse&escort

-bæ

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon