Astrid's POV
Nagsimula na kami. Kinuha ulit ni Shawn yung papel at ballpen. Wait, may naalala ako.
"Huy! Asan na yung notebook ko?" Tanong ko sakanya.
"Nasa bag." Sagot nya.
"Siguro type mo na yung notebook ko kaya hindi mo na binabalik sakin?" Asar ko sakanya tapos napatingin sya sakin.
"What!?" Tanong nya. Ay! Bingi.
"Tsk! Sabi na e! at kasing gender kita. Wag kang mag alala,ibibili kita na notebook na may design na barbie." Asar ko ulit sakanya tapos binitawan nya ballpen nya.
"Are you saying that I'm gay?" Tanong nya tapos tumango ako.
Ngumiti sya nang nakakaloka kaya napasangot nanaman ako. Bat hindi ako nanalo? Haist!
"Ano nanaman ang binabalak mo?" Tanong ko sakanya.
"Tss...alam ko nayan. Inaasar mo ko na bakla ako para ano? Mahalikan ko ulit ikaw? Sus!" Sabi nya tapos suminangot ako.
"Ano mahalikan ulit ako! Huy! Sa oras na halikan mo ko, hindi lang sakal ang gagawin ko." Banta ko sakanya pero di man lang sya natakot.
"Gusto mo halikan pa kita para masabi ko na lalake talaga ako. O baka naman tomboy ka kaya hindi mo ko magustuhan?" Tanong nya tapos nabigla ako.
Oh puh-lease! Alam nya nga na may crush ako kay Manuel tapos maging tomboy ako? Yuck! Never!
"Grabe! Diba alam mo na may crush ako diba? Tapos ang sasabihin mo ay tomboy ako?" Sabi ko sakanya tapos tumango tango lang sya.
"Hindi mo ba na isip na hindi lang talaga kita type? Tss.." sabi ko tapos napasimangot sya.
"Wow! Isang gwapong tulad ko hindi type nang mga babae? Paki explain." Sabi nya.
"Yaba--"
"Pst! Mr. P and Ms. VP, amm...paki hinaan po nang boses ninyo. " sabi nung classmate namin.
"Ay..sorry." sabi ko.
"Pagpasensyahan mo na tong fan ko. Namimilit kasi magpa hug." Sabi ni Shawn tapos natawa lang yung classmate namin at umalis.
"Wag na wag mo kong kakausapin! Bahala ka sa buhay mo." Sabi ko dahil sa inis tapos lumayo layo ako sakanya.
Dumating si Sir.
"P and VP, please pumunta kayo dito sa unahan." Sabi ni sir tapos umalis. Yun lang?
Pumunta kami sa unahan.
"Ok, classmates. So, tatanungin ko kayo kung okay lang ba tong dalwang sinaggest namin ni Mr. Caly." Sabi ko tapos sinulat ko yung sinaggest namin.
Music Club-
Art Club-
May nag raise nang hand. Si Kaye.
"Yes?" Tanong ko.
"Amm..theater club rin diba Jaye?" Sabi ni Kaye kay Jaye.
"Yah. Yung mga marunong sa drama." Sabi naman ni Jaye.
Sinulat ko ulit.
"Anyone?" Tanong ni Shawn tapos lahat nang babae nagsitaasan.
Tumingin sya sakin tapos kumindat. Tinarayan ko lang sya.
"Yes?" Tanong ni Shawn dun kay Diane. Isa sa mga 'fan' kuno nya.
"Amm...model club." Sabi nya. Ano? Model Club? Merom ba nun.
"Umm..model club is not included." Sabi ni Shawn kaya napaupo nalang si Diane.
BINABASA MO ANG
Fall For You
Teen FictionSya si Astrid, ang babaeng masungit sa mga lalake lalo na sa nakaaway nya nung unang pasukan palang. Wala daw kasi itong modo. "Gantihan nya man ako, atleast ready na ako" sabi nya sa sarili nya. Ito naman si Shawn, ang lalakeng hearttrob sa campus...
