Forty Five || Crush?

9 0 0
                                    

Astrid's POV

Recess

Sheez~ salamat at recess na. Hindi na ako makatiis na lumabas at sumandal sa pinto.

E paano ba naman, si Shawn, tingin ng tingin saakin. Naiilang ako. Aish! Ang tanga ko kasi! Bat ko pa sya hinalikan!?

"Hoy Lish!" Tawag saakin ni Kaye kaya napatingin ako sakanya.

"Anong ginagawa mo dyan?" Tanong nya tapos nag cross arms.

"Wala. Hinihintay kayo." Palusot ko tsaka umayos ng tayo.

"AL, di muna ako makakasabay sainyo, may promise ako kay Fria." Sabi nya naman tsaka ngumiti. Aba! May something naman yung dalwang to.

"Sige sige. Okay lang." Sagot ko tsaka sya nagpaalam umalis.

Bigla namang lumabas sa pinto sina Shawn.

*dugdug*

"Oh, Kaye and Astrid." Tawag ni Shawn saamin tsaka ngumiti o should i say nag smirk.

"A-am..ano...ka-kasi...una na kami!" Nauutal kong sabi tsaka hinila si Kaye palayo.

Hanggang sa makarating kaming canteen, nagtataka parin si Kaye sa asta ko ngayon. Pati rin naman ako, nagtataka sa sarili ko.

Nang maka order na kami, umupo agad kami dun sa inuupuan namin. Nagsimula na kaming kumain.

"Lish, uy! Anyare ba sayo?" Tanong nya saakin.

"Ha? Wala. Am..nga pala, musta yung panliligaw ni Jaye?" Tanong ko.

Oo guys, nung linggo ko lang nalaman na nanliligaw na si Jaye kay Kaye. O diba?

"Ayun, ayos naman." Kinikilig nyang sagot tsaka ngumiti.

"Aysus!" Biro ko sakanya tapos kumain na din.

Habang kumakain kami, kwento ng kwento si Kaye saakin. Nakikinig naman ako, tango lang naman ako ng tango. Wala e, di pa din ako maka get over sa katangahan ko kanina.

Nang marinig ko si Kaye na may nasabing 'crush' bigla kong naisipan na magtanong sakanya.

"Pano ba malalaman kung gusto mo yung isang tao?" Tanong ko na ikinabigla ko din. Napatingin naman sya.

"Aba, bakit? May gusto ka na ano?" Asar nya saakin tsaka tumawa.

"Si Manuel. Pero nagtatanong lang ako. So, ano nga?" Tanong ko ulit tsaka na sya sumeryoso.

"First, nauutal ka kapag kinakausap mo sya. Gaya lang noong una akong kinausap ni Jaye, nauutal pa ako nun." Panimula nya.

Nauutal? Nauutal naman ako kapag kinakausap ko sya kasi nga nung hinalikan ko sya at nung nagsasabi sya ng kalokohan nya. Yun lang.

"Second, nahihiya ka sakanya. Kasi syempre, gusto mo yung tao kaya nahihiya kang ipakita yung totoong ikaw." Patuloy nya tsaka uminom muna.

Ah..oo, nahihiya ako pero kay Manuel noon. Kasi naman gusto ko yung tao kaya nahihiya ako.

"And lastly, bumibilis ang pagtibok ng puso mo sa tuwing tinatawag ka nya o nandyan sya. As in yung parang sasabog na! Lalo na kung nakaharap mo na sya at walang tigil ang pagtibok ng puso mo. Yung sobrang bilis lang. " kinikilig nyang sabi tsaka ako napahinto. Tibok? Puso?

Shocks! Yun yung nararanasan ko kay Shawn. Pero hindi! Hindi pwede to! Hindi ko gusto yung taong yun. Siguro, nenenerbyos lang ako sa tuwing nandyan sya kasi baka may gawin syang masama kaya bumibilis yung pagtibok ng puso ko.

"Bakit, naranasan mo na ba lahat yun?" Tanong nya tsaka ngumiti ng nakakaloka.

"H-ha? Ano..kay Manuel malamang. Crush ko sya e." Sagot ko na di ko alam kung sigurado ako o hindi.

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon