Thirty Seven || Swimming (K&J)

6 0 0
                                    

Kaye's POV

Hays. Ang init! Shems! Pinagpapawisan na ako. Kahit na may aircon na kami, ang init pa din. Di pa naman summer e.

"Iniit!" Bigla kong sabi. Wala naman saking makakarinig.

Wala naman kasi sina mom at dad. Umalis sila. Work again. Maids lang ang kasama ko ngayon.

Pumunta muna ako sa pool area. Wait? Pool? Ok naman siguro mag swimming ngayon diba?

Yayain ko kaya si Lish. Tutal saturday naman ngayon e kaya free yun. Text ko nga.

Lish! Swimming tayo. Ang init ngayon.

Sent!

Pumunta na muna ako sa room para magpalit ng damit. Bigla namang nagreply si Lish.

Ha? Swimming? Lish? What?

The hell? Ano? Anong sinasabi neto?

Pumunta ka nalang.

Sent!

Nagpalit ako ng shorts and a lose shirt. Nagdala narin ako ng towel. Bumaba na ako.

*Beep*

Pupunta na sana si yaya sa pinto pero pinatigil ko sya.

"Sige na po, ya. Ako na po. Si Lish po yan. Magsi swimming po kasi kami." Sabi ko tapos tumango sya at umalis.

Binuksan ko yung pinto. Pero nahulog yung towel ko kaya di ko na hinarap si Lish.

"Hii bes! Tara! Swimming na tayo!" Bati ko habang nakatalikod. Nahulog nga kasi towel ko.

Hinila ko na sya papuntang pool area. Wait? Bat parang ang laki ng kamay ni Lish? Oh well.

Binitawan ko sya at nilagay yung towel sa upuan. Huhubarin ko sana yung shirt ko kasi meron naman akong swim suit sa loob pero biglang may nagsalita.

"Wait!" Sabi ng nasa likod ko. Wait? Si Lish bato? Bat parang panglalake ang boses?

Hinarap ko sya.

0_____0

What the hell!? Bat andito si Jaye? Yes, si Jaye. Andito sya with his swimming attire?

"Bat ka andito? Anong ginagawa mo dito?" Bigla kong tanong tsaka inayos yung shirt ko.

"You texted me." Sagot nya. Text? Tinext ko ba sya?

"Ha? Hindi kita tinext." Sabi ko.

"Sabi mo pa nga mag swimming tayo." Sabi nya tapos napamulat ako ng mata.

Kay Lish ko tinext yun! Don't tell me na...

"Wrong number ka noh?" Tanong nya tapos napacross arms.

"Omy. Wait." Sabi ko tapos kinuha ko yung phone ko at binuksan yung message.

Yep. Si Jaye nga ang na text ko. Tanga ko din ano?

Tumingin ako sakanya.

"I'm....sorry?" Mahina kong sabi tsaka sya natawa ng mahina.

"Its ok. Tara, swimmin--"

"What?" Tanong ko. Tama ba narinig ko? Na kami? Magsi swimming?

"Swimming na tayo." Sabi nya tapos lumapit dun sa pool.

"Tayo? Wait. Seryoso ka?" Tanong ko tapos humarap sya.

"Oo. Don't worry, di ako maghuhubad ng shirt. Baka--"

"Baka ano? Oh please. Manahimik ka, Jaye." Sabi ko tapos suminangot.

"Wala pa nga akong sinasabi eh. Tara na!" Anyaya nya tsaka tumalon sa pool.

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon