Astrid's POV
Umagang umaga, di ko alam kung bakit ako kinakabahan. Siguro dahil nga sa....gusto ko na si Shawn.
Aish! Wala na. Talo na ako, meron pa naman si Kaye saakin sinabi na kapag nagustuhan ko yung mokong na yun, may wishes sya saakin.
Di ko naman alam kung bakit ako dun nagkagusto, pero...wala na. Wala naman na akong magagawa du--
*bogsh*
"A-aray." Sabi ko tsaka ako napa atras. Ayan kasi! Di ka tumitingin sa dinadaanan mo, Astrid.
"Well, well." Biglang sabi nung babae na nabunggo ko. Familiar yung voice nya.
Tumingala ako. Oh, kaya naman pala nangangamoy demonyo, si Rose nandito.
"How are you, Astrid?" Tanong nya saakin.
"Okay naman, nung wala ka." Sagot ko pero hininaan ko yung panghuli kong sinabi.
"Kayo ni Shawn, kayo na ba?" Tanong nya.
"H-ha? Hindi." Sagot ko na medyo nautal pa. Kami? Ni Shawn? Walang kami.
Ngumiti sya saakin.
"Mabuti naman. Saakin lang sya e." Sabi nya tsaka ngumiti saakin.
Tinarayan ko lang sya at nilagpasan.
"Nga pala, i have a good news for you. Kami na ulit ni Shawn." Pahabol nyang sabi na ikinabigla ko kaya napahinto ako sa paglalakad.
Ano? Bakit Sila na ulit? Nasisiraan ba mg ulo si Shawn at binalikan nya yung obsess nyang ex?
"Nakakagulat diba? Kasi nga, ang akin, ay mananatiling akin." Sabi nya tsaka na umalis at naglakad palayo.
Pake ko ba sakanila? Bakit ba ako affected? Wala namang kami ni Shawn.
Kasi nga, gusto mo sya. sabi nung utak ko.
Naglakad na lang ako papuntang room. Naabutan ko sina Li at Kaye na naguusap.
"Hi, Morning." Matipid kong sabi tsaka ngumiti sakanila at umupo.
"Goodmorning din, AL." Bati ni Li.
"Oh, morning Lish!" Bati naman ni Kaye.
Mabuti at wala pa sila Shawn, kasi kung andito na sya, wala nanaman ako sa sarili ko.
Tinignan ako ni Kaye ng kakaiba. Tinignan ko naman sya ng masama.
"What?" Tanong ko.
"Wala naman. Tahimik ka ata." Sagot nya tsaka umayos ng upo.
"AL, malapit na ang Intrams. Ano sasalihan mo?" Tanong saakin ni Li.
"Am..wala pa akong maisip. Ikaw ba?" Tanong ko pabalik.
"Basketball." Sagot nya.
Bagay sya dun, matangkad sya tsaka magaling tong magbasketball. Di lang halata pero, basketball player to sa school nya noon sa US.
"Oh, kailan ang ba yung screening?" Tanong ni Kaye.
"Every Saturday kasama na ang training." Sagot nya.
"Mabuti yun. Support ako dyan." Proud kong sabi tsaka ngumiti.
"Ikaw, Kaye?" Tanong ko naman.
"Badminton." Sagot nya naman.
Tumango tango nalang ako.
Parami ng parami yung estudyante na pumapasok sa room. At isa na dun sina Shawn.
BINABASA MO ANG
Fall For You
Teen FictionSya si Astrid, ang babaeng masungit sa mga lalake lalo na sa nakaaway nya nung unang pasukan palang. Wala daw kasi itong modo. "Gantihan nya man ako, atleast ready na ako" sabi nya sa sarili nya. Ito naman si Shawn, ang lalakeng hearttrob sa campus...