Astrid's POV
Andito na kami ni Li sa school. Kakatapos palang namin kumain. Nang bigla naming nakasabay sina Jaye at Kaye.
Nakasimangot si Kaye habang papalapit samin. Si Jaye naman ay relax lang.
"Oh, anong nangyari sayo, Mich?" Tanong ni Li kay Kaye.
"Kasi naman andami nang magnanakaw ngayon." Sagot nya habang nakatingin kay Jaye na nasa tabi ko.
"O ano namang ninakaw sayo?" Tanong ko.
"Ang pinakamahalagang bagay na nangyari sa buhay ko. E basta! Mauna na nga ako!" Sagot nya sabay walk out.
Tinignan ko naman si Jaye pero ngumiti lang sya samin ni Li tapos sumunod na kay Kaye. Si Kaye naman, layo nang layo kay Jaye.
"Ano kayang nangyare sa dalwang yun?" Tanong ko.
"Well, wag na nating isipin yan. Problema na nila yan." Sabi ni Li.
"K." Sabi ko.
"Amm..ako na magdadala nang bag mo." Sabi nya tapos tumanggi ako.
"Hindi na. Ang gaan lang nang bag ko oh!" Sabi ko tapos humindi din sya.
"Ako na nga magdadala." Sabi nya ulit kaya binigay ko na.
Naglakad na kami. Marami saming nakatingin at may mga iba rin na nagha heart shape saming dalwa ni Li.
"Baka iniisip nila na tayo." Bulong ko kay Li.
"O, wala namang problema dyan." Sabi nya. Weird ngayon si Li. Kung ano anong sinasabi.
"Ha? Okay lang sayo? Diba bestfriends tayo?" Tanong ko.
"Oo bestfriends pero wala na bang pag asa na maging tayo?" Tanong nya tapos napatingin ako sakanya.
"Ano? Di kita maintindihan." Sabi ko. Diba? Parang may something.
"Pwede bang more than bestfriends?" Tanong nya.
"Amm...close friend? Diba close naman tayo." Sabi ko.
"Mas mataas pa dun." Sabi nya tapos hinawakan nya kamay ko.
"Am...ewan." sabi ko nalang dahil naiibahan talaga ako kay Li.
Pagdating namin sa room, binitawan ko sya at nilagay namin yung bag ko at bag nya.
Ayun sina Kaye at Jaye, nag haharutan. Ahah! Joke.
"Punta tayong garden." Anyaya nya tapos sumunod ako sakanya.
Weird. Ang weird talaga ngayon ni Li. Ano bang gagawin nya sa garden?
Nasa garden na kami. Umupo kami sa may bench.
"Anong gagawin natin dito?"tanong ko tapos bigla nyang hinawakan yung kamay ko.
"AL, may ipagtatapat ako sayo." Sabi nya tapos pinatayo nya ako at hawak nya ang dalwa kong kamay.
"Am..ano bayun?" Tanong ko. Wala talaga kasi akong idea.
Tumingin sya sakin nang seryoso.
"Gusto kita, AL." bigla nyang sabi tapos medyo nabigla ako. Wait, diba bestfriend kami?
"Wait, Li. We're bestfriends, right?" Paninigurado ko.
"Alam kong medyo di mo pa ako paniniwalaan pero totoo to. Gusto kita noon pa, natatakot lang ako na bastedin mo ako." Sabi nya tapos medyo nanghina ako.
Kaibigan lang talaga ang tingin ko sakanya pero gaya nga nang sabi nya, masasaktan ko naman sya kapag binasted ko sya.
"Li, alam mo naman na bestfriend lang talaga ang turing ko sayo diba. " mahina kong sagot tapos mahina nyang binitawan yung kamay ko.
"Yun na nga, kaibigan lang talaga. Pero okay lang, atleast naging kaibigan kita." Sabi nya tapos niyakap ko sya.
"Li, i'm sorry talaga. Marami namang babae dyan na pwede mong pormahan." Sabi ko tapos kumalas ako.
"Ngayon, nakilala mo na kung sinong gusto kong babae." Sabi nya.
"At ang sabi mo sasagutin nya ako pero hindi talaga eh." Patuloy nya.
Di ko naman kasi inakala na ako pala yung babaeng gusto nya. Pero hindi ko talaga gusto si Li. Alangan naman na paasahin ko sya edi lalo syang nasaktan.
"Ayokong masira yung friendship natin kaya..." mahina kong sabi.
"Okay lang. Pero sana hayaan mo ko na magkagusto sayo, AL." Sabi nya tapos tumango ako.
Hindi ko naman pwedeng ipatigil ko yung feelings nya sakin kasi syempre hindi ko yun mapipigilan.
"Ang swerte ko talaga na ako yung babaeng gusto mo. Pero napaka swerte yung babaeng mamahalin mo pagdating nang panahon, Li." Paliwanag ko sakanya tapos ngumiti sya sakin.
"Salamat, AL. " sabi nya tapos ngumiti lang ako sakanya.
Bumalik na kami sa room. Nakasabay din namin si Sir.
"Good afternoon, class!" Bati ni sir.
"So, today. Meron ibang vacant room dyan na pwede nyong gawing club." Panimula ni sir.
"Pwede na kayong magsimula mag isip tungkol sa mga gagawin nyo for the club. Pumunta na kayo sa partner nyo." Sabi ni sir tapos pumunta ako kay Shawn.
Umupo ako sa tabi nya. Tumingin muna ako kay Li at baka magalit, diba kasi nga. You know!
Ngumiti lang sya at ngumiti rin ako. Tumingin ako kay Shawn.
"Hoy! Seryoso na to ah!" Sabi ko sakanya.
"Bahala ka!" Walang gana nyang sabi.
"So, ang gagawin natin dun sa mga batang pipili sa mucis club ay yung kakanta." Sabi ko.
"Malamang kasi nga music." Pilosopo nyang sabi.
"Hindi pa ako tapos, shut up kalang!" Sabi ko tapos tumahimik sya.
"So, tuturuan din natin yung ibang bata sa mga gustong matuto sa mga instruments." Sabi ko.
"Okay. Proceed." Sabi nya.
"E ikaw naman kaya." Sabi ko.
"Sakin? Yung Musical. Alam mo ba yung movie na 'Highschool Musical'?" Tanong nya
Tamango ako. Highschool naman yun! Tanga talaga to.
"Gagawin natin yun 'Kid's Musical'. Gets?" Sabi nya tapos tumango nalang ako.
"Ahh...okay na. So, bukas na tayo mag aayos sa Music Club Room." Sabi ko tapos tumango sya.
Mabuti nga at seryoso sya. Tumingin ako sakanya habang nagsusulat sya. Ang gwapo nya parin kahit anong angulo.
0_____0 omg! Did i say na gwapo sya? Okay. Di na mabawi. Ngayon lang sya gwapo, bukas hindi na.
"Huy!" Biglang tawag nya kaya nabalik ako sa reality.
"Uy! Ano? Amm..bakit?" Painosente kong tanong.
"Tinititigan mo ko noh?" Tanong nya na may halong pang aasar.
"Yucks! Wag kang feeling. Yung sulat mo yung tinitignan ko kung tama." Pagpapalusot ko. Your a liar, Astrid.
"Sulat raw pero yung totoo sa mukha ko." Sabi nya tapos ngumiti sya sakin.
Tinarayan ko sya.
"Magsulat ka na nga lang. Nakakainis ka." Sabi ko tapos pinisil nya cheeks ko.
"Aray! Ang brutal mo!" Inis kong sabi sakanya.
*beep-beep*
From: Liam BF
I'm jealous, AL.
OmyLecheflan. Nagseselos raw si Li. Tinignan ko sya tapos tumingin lang sya sakin kaya binalik ko yung tingin ko sa phone ko.
Ay naku! Ang hirap naman nang ganto! Gusto ko yung normal lang eh! Urghhhhh...
|¤|¤|¤|
#ConfusedAstrid
-bæ
![](https://img.wattpad.com/cover/60342722-288-k774855.jpg)
BINABASA MO ANG
Fall For You
Teen FictionSya si Astrid, ang babaeng masungit sa mga lalake lalo na sa nakaaway nya nung unang pasukan palang. Wala daw kasi itong modo. "Gantihan nya man ako, atleast ready na ako" sabi nya sa sarili nya. Ito naman si Shawn, ang lalakeng hearttrob sa campus...