Sixty Four || Flashback

4 0 0
                                    

Shawn's POV

Flashback

"Nice to see you again, Shawn." Sabi nya kaya naningkit ang mga mata ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Mahinahon kong tanong sakanya.

Pinaalis ko muna ang mga maids para makapagusap kami ng maayos ni Clarize.

"Na-nandito ako para hu-humingi ng sorry sa--"

"Sorry saan? Sa pag iwan sakin? Sa hindi pagpili saakin?" Mariin kong sabi.

Ngayon na nandito sya, bumabalik lahat ng mga alaala na magkasama kami. Alaala nung iniwan nya ako.

Yumuko sya at tinignan ako ulit. Yang mga mata nya na nagpaibig saakin. Mga matang dating masaya na naging malungkot.

"Bat ka pa bumalik?" Tanong ko. Nanggigilid na yung mga luha nya.

"Para mag sorry." Mahina nyang sagot sabay pahid nya sa kanyang mata.

"Shawn, sorry kasi iniwan kita. Sorry kasi di kita pinili. Alam mong may fiance ako nun. Hindi ako sumama sayo dahil...dahil ayokong iwan mo ang mga magulang mo ng dahil lang saakin. Labag man sa loob ko na iwanan ka, ginawa ko parin. Pero kahit napakasal na ako sa ibang lalake noon, ikaw padin yung iniisip ko. Nasasaktan ako kasi nasaktan kita. Nasasaktan ako kasi iniwan kita. Pero hindi ko kinalimutan na lagyan ka ng space sa puso ko."  Paliwanag sya at tuluyan ng tumulo ang mga luha nya.

"Noon, sinasabi ko sa sarili ko na nagsisisi ako na iniwan kita. Pero anong magagawa ko, naikasal na ako. At yun ang gusto ng mga magulang ko. Nagsisi ako Shawn." Patuloy nya pa.

Umiwas ako ng tingin.

"Pero iniwan mo pa rin ako, Clarize."  Mahina kong sabi.

"Sorry. I'm so sorry. Sana mapatawad mo parin ako." Mahina nyang pakiusap tsaka huminto sa pagiyak.

Napatingin kami pareho na pumasok sa pinto. Si Asrtrid? Bat sya andito?

"Am..isasauli ko lang sana itong...panyo?" Sabi nya tapos inilabas yung panyong hawak nya. Saakin yun.

Hinila ko sya at humarap kami pareho kay Clarize.

"Girlfriend ko nga pala. Ito ang babaeng MAHAL ko na hindi ako iiwan tulad mo."  Mariin kong sabi.

Tumingin naman saamin si Clarize. Ang mga mata nya na punong puno ng lungkot.

Lumapit sya kay Astrid at hinawakan ang kamay.

"Salamat sa pagdating. Salamat sa pananatili sa tabi ni Shawn. " sabi nya tsaka nya ito niyakap.

Kumalas din sila.

"Mauna na ako." Paalam ni Clarize tsaka umalis.

Tumingin saakin si Astrid ng may halong pagtataka.

End of the flashback

Pinaupo ko muna sya at sumunod naman sya.

"Am...ano--"

"Wag ka munang magtanong." Putol ko sakanya tsaka sya tumango.

"Familiar sya saakin." Sabi nya kaya napalingon ako.

"Sya ba yung ex mo?" Tanong nya tsaka ako umiwas ng tingin.

"Oo." Tipid kong sagot.

"Bumalik na pala sya. Sorry kanina ha, dapat hindi na ako pumunta dito. Nadisturbo ko ata kayo. Sorry kung naputol ko yung paguusap nyo." Sabi nya tapos yumuko.

Tumayo sya agad.

"Am...ma-mauna na ako. Sige bye." Paalam nya tsaka dali daling lumabas ng bahay.

Napahilamos ako. Kung tsaka naman may minahal na ako, bumalik pa sya.

Astrid's POV

Lumabas agad ako kasi ewan ko din. Di ko alam kung bakit. Nakita ko pa yung ex ni Shawn na pumasok sa itim na kotse. Hindi naman sa nage-spy ako, pero nakita ko na may kayakap syang lalake.

Naglakad na ako palayo.

*pak*

Tanga ka nanaman Astrid! Pumunta punta ka padun e! Yan tuloy, naudlot yung pinaguusapan nila.

Napaisip ako bigla. Kaya ba bumalik si Clarize kasi mahal nya pa si Shawn? Pero hindi e. May kayakap sya kanina. Baka asawa nya yun.

Pero...mahal pa kaya sya ni Shawn?

"Tss. Ano bang pinagiisip mo, Astrid." Bulong ko sa sarili ko.

Naglakad lang ako. Papunta ako dun sa taxi stop. Uuwi na ako--

*poot poot*

Napahinto ako dahil may bumusina na sasakyan. Huminto din ito. Kotse ba to ni Clarize?

Bumaba sya at ngumiti saakin. Lumapit din sya saakin.

"Pwede ba tayong magusap?" Tanong nya tsaka ako tumango.

Pumunta kami dun sa bench. Umupo kami. Napatingin ako sakanya, ang ganda nya kasi. No wonder kung bakit sya nagustuhan ni Shawn. Nahihiya ako kasi di pa ako nakakabihis ng volleyball attire ko.

"Girlfriend ka ba ni Shawn?" Tanong nya. Tumango nalang ako.

"Mabuti at dumating ka sa buhay ni Shawn. Kasi nung iniwan ko sya, pinaglalaruan nya nalang ang mga feelings ng mga babae. At nagsosorry ako kasi ako ang dahilan nun." Panimula nya.

"Bat ka pala bumalik?" Tanong ko. Sorry naman. Curious ako.

"Bumalik ako para magsorry. Wag kang mag alala, may asawa na ako kaya hindi kami pwede. Mahal ko yung asawa ko." Sabi nya tapos natawa ako.

"Salamat din kasi hiniwalayan mo sya." Sabi ko.

"Bakit?" Tanong nya.

"Kasi nung iniwan mo sya, nakilala ko sya. Nakilala ko yung mala-halimaw na Shawn. Ang playboy na Shawn. Nung una, lagi kaming nagbabangayan. Feeling gwapo kasi sya. Sinabi ko sa sarili ko, di ko magugustuhan ang tulad nya. Pero....kinain ko lahat ng sinabi ko. Nagustuhan ko sya. Lagi kong iniisip na mawawala lang to. Pero....ayun! Nahulog ako sakanya. Isang araw, nalaman ko nalang...mahal ko na sya." Paliwanag ko sakanya na ikinagulat ko din.

Sa bibig ko ba talaga lumabas ang mga salitang yun? Sheez! Nakakahiya sa ex nya!

"Mabuti kung ganun. Ramdam ko kanina na seryoso sya sayo. Nakita ko sa mga mata nya
" sabi nya tsaka ako hinawakan sa kamay.

"H-ha? One sided lang naman ak--"

"Hindi. Mahal ka nya. Tandaan mo yan. Salamat kasi binago mo sya. Salamat kasi ginawa mo syang seryoso." Sabi nya na ikinabigla ko. Ako? Mahal ni Shawn?

"Hindi naman ako ang gumawa nun, kundi ang sarili nya. Ginawa nya yun para makalimutan ang sakit na naramdaman nya. Kasi ramdam ko, gusto nya na makalaya sa pagkulong nya sa pagmamahal sayo." Sagot ko sakanya.

Takte? Eto na ba ang epekto kapag nagmamahal? Kung ano ano ang nasasabi?

"Sana wag mo syang sukuan. Kahit na ang sungit at moody yun. Sana mahalin mo pa sya ng lubusan. At sana wag mo syang iwan gaya nung ginawa ko." Sabi nya tapos ngumiti sya. Ngumiti nalang ako.

Tumayo na kami pareho. Niyakap nya ako.

"Mauna na ako. Salamat sa time." Sabi nya tsaka pumasok na sa kotse nya at umalis.

*sigh*

|¤|¤|¤|

#PastMeetsPresent

-bæ

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon