Fifthy Seven || Selos

9 0 0
                                        

Astrid's POV

Sunday ngayon at pahinga namin. Di ako mapakali sa kama ko sa kakaisip sa sinabi ni Kaye kahapon.

Mahal ko na ba sya? O ano lang, crush crush?

Gumulong gulong ako sa kama hanggang sa nahulog ako dahil tumunog yung phone ko.

Sakit nun sa likod ah! Tumayo ako at kinuha yung phone ko.

From: Kaye :*

Bes! Mall tayo.

Ngayong tanghali, magmo mall? Ang init kaya!

To: Kaye :*

Tanghaling tapat Kaye. Maya na.

Kakasend ko palang pero ang dali magreply.

From: Kaye :*

Dali na kasi. Bibili ako ng dress e.

Ang dami dami na kayang damit ni Kaye. Bibili pa sya? O well, sige na nga. Namimiss ko narin mag mall.

To: Kaye :*

Oo na sige. 1 pm ka pumunta dito.

Kakalimutan ko muna si Shawn.

From: Kaye :*

Thanks bes! Sige ;)

Kinuha ko na yung towel ko tsaka pumasok sa banyo.

^^^^

Mall

"Punta tayo dun." Anyaya sakin ni Kaye tsaka ako hinila papuntang Forever21.

Kinuha nya agad yung dress na sky blue at tinignan kung bagay sakanya. Sleeveless yun.

"Kaye bagay sayo." Nakangiti kong sabi tapos ngumiti sya.

"Talaga? I'll buy this. Ikaw, pumili ka narin." Sabi nya tsaka sya naglibot libot.

Naglibot na rin ako at naghanap ng magandang dress. Lahat naman magaganda, naghahanap lang ako ng mas bagay saakin.

Nakarating ako sa sulok nang may nakita akong dress na color white na may design na dream catcher, off shoulder.

Tinignan ko to sakin. Tinawag ko si Kaye kung bagay.

"Omygod! Perfect sayo bes!" Nakangiti syang sabi kaya napangiti narin ako.

"Bibilhin ko na ba?" Tanong ko.

"Oo naman. Meron na nga akong napili oh. This, this, this, and this!" Sabi nya tapos ngumiti.

Binayaran na namin yun sa cashier. Lumabas na kami.

"Bes, gutom na ako. Kain muna tayo." Sabi ni Kaye saakin tapos hinila nya ako papauntang Mcdo.

Nagtaka ako dahil di naman sya ganto. Ako pa nga lagi nagsasabi na kain muna kami pero ngayon, sya na.

Umupo kami dun sa vacant seat. Sya na raw magoorder. Makalipas ng 15 minutes, andyan na yung food.

Kumain na kami.

"Di ka ba kumain sainyo?" Tanong ko sakanya habang kumakain.

"Hindi e. Dito nalang ako kumain." Sagot nya habang di tumitingin saakin dahil busy sya sa kinakain nya.

Kaya pala, gutom to.

Tatawagin ko sana yung waiter para humingi ng water pero may bigla akong naaninag. Siningkitan ko pa yung mata ko. Pero napamulat lang din!

0_____0

Si Shawn?! With his.........kalandian?!

Tinapik ko si Kaye. Tumingin naman sya.

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon