Kaye's POV
Lunch
Lunch na at tapos narin kami magisip ng mga booths para sa darating na Instrams. Exicited na ako!
Binigay namin yung papel sa secretary kasi sya na yung tatapos ng mga nasulat namin at ipapakita sa adviser namin kung tama na yung mga na suggest namin.
Tumabi saakin si Jaye kaya napatingin ako sakanya.
"Lunch tayo?" Anyaya nya tsaka ako tumango.
Pinuntahan ko muna sina Ceb at Lish para magpaalam.
"Lunch muna kami ni Jaye. Kayo munang dalwa ha?" Paalam ko tsaka nag ayos ng gamit at hinintay silang magsalita.
"Sige sige. Akong bahala kay AL." Sagot ni Ceb tsaka ngumiti. Tumango narin si Lish.
Pumunta na ako kay Jaye na nag-aantay sa pinto.
"Ako na magdala ng bag mo." Sabi nya tsaka hinawakan ang bag ko.
"Ha? Wag na. Hindi naman mabi--"
"No. Ayokong mahirapan ang nililigawan ko." Sabi nya kaya namula ako pero di ko pinahalata.
"Okay okay." Sabi ko nalang tsaka binigay sakanya yung bag ko.
Nagsimula na kaming maglakad papuntang parking lot.
Pinapasok nya muna ako sa front seat bago sya pumasok. Nagsimula na sya mag drive.
"San tayo magla lunch?" Tanong ko tsaka tumingin sakanya.
"Sa Restomantica." Sagot nya kaya nagtaka ako. Di ko pa yan napupuntahan.
"San yan?" Tanong ko.
"Malapit lang. Tsaka romantic kasi dun." Sagot nya. Romantic? Aba, bago.
Restomantica
Umupo na kami dun sa may malapit sa window. Tama nga si Jaye, napaka romantic dito.
Makikita mo palang sa designs, mai-inlove ka. May candles pa sa table at dim lights lang dito. Ang ganda tsaka for couple tong resto. Pwede rin naman sa friends and families pero mas bagay dito ang mag couple. Maganda dito mag date ang mag jowa.
Nagorder na si Jaye at ganun din ako. Mabilis na dumating yung pagkain na inorder namin. Mang matikman ko, ang sarap.
"Kaye, may ibibigay lang sana ako." Sabi nya kaya naagaw jya ang atensyon ko.
"Ano yun?" Tanong ko tsaka sya may inilabas na flowers.
Ogosh! Fav kong flower to. Rose ang fav kong flower. Naalala ko tuloy si Rose na ex ni Shawn, she's a warfreak.
"For you." Malambing nyang sabi.
Napangiti ako ng ibinigay nya saakin to. Kaya inamoy ko, ang bango.
"Salamat dito." Sabi ko tsaka nya ako nginitian. Nilagay ko muna yun sa side ng table namin.
"Anything from my girl." Sabi nya kaya ayun, namula ako. Kiligs!
Kumain muna kami. Tinawag ko yung waitress para mgpakuha ng water.
"Hi Sir!" Bati nung waitress saamin? O kay Jaye? Tsaka sir? Mukha ba akong sir? Diba ako naman yung tumawag sakanya.
"Ah, miss. Ako yung tumawag sayo." Sabi ko tsaka nya ako tinignan.
"Water please." Sabi ko tapos tumango sya at agad tumingin kay Jaye. What the hell?
"Ikaw po sir, may order ka po ba?" Malanding tanong jung waitress sakanya.
Ngumiti si Jaye sakanya at nagsabing wala.
"Sure ka po ba?" Tanong ulit nung babae.
"Oo." Sagot ni Jaye.
"Tala--"
"Miss, nauuhaw na ako." Pag agaw atensyon ko sakanya kaya napatingin sya saakin at napasimangot.
Umalis na sya at kumuha ng tubig. Ano bayan, kung ganun lang waitress dito, mawawalan ng ganang kumain yung mag couple. Lalo na, malalandi sila.
Dumating na yung tubig ko pero lalake na yung nagbigay.
Uminom na ako.
Jaye's POV
Naglakad lakad muna kami dito sa garden ng Restomantic. Di pa naman time sa school kaya naglakad lakad muna kami ng nililigawan ko.
Tahimik lang kami habang naglalakad. Ano kayang nakain neto at hindi nagingay? Nasanay kasi ako sakanya na maingag sya.
"Tahimik mo ah." Panimula ko kaya napatingin sya saakin.
"Ha? Wala lang. Wala naman kasi akong masabi." Sabi nya habang hinahawakan yung rose na binigay ko sakanya.
"Ako nalang magsisimula. So, anong laro ang sasalihan mo this incoming intrams?" Tanong ko sakanya.
"Badminton. Ikaw ba?" Sagot nya at tanong nya na rin.
"Soccer. Actually, kaming magbabarkada." Sagot ko.
"Nakapag training na ba kayo?" Tanong nya.
"Sa sabado pa." Sagot ko.
Umupo muna kami sa bench na nakita namin.
"Nga pala, magpapaalam ako sa parents mo tungkol sa panliligaw ko sayo. Mamayang uwian, hatid kita." Sabi ko na ikinabigla nya.
"Ha? Sure ka?" Tanong nya saakin.
"Oo naman. Para maging official ang panliligaw ko sayo." Sagot ko tapos tumango sya.
Tinignan ko yung kamay nya. Hinawakan ko ito at inilipat sa tuhod ko. Nabigla naman sya.
Tinignan ko sya sa mata.
"Kaye, gusto ko ako lang yung manliligaw mo. Gusto ko wala akong kaagaw sayo. Gusto ko...saakin ka lang." Seryosong sabi ko kaya namula sya napangiti. Napangiti narin ako.
"Gusto ko rin na ako lang yung nililigawan mo. Kasi kung marami kami, naku! Pipingutin ko yang tainga mo!" Natatawa nyang sabi pero at the same time seryoso rin sya.
"I promise." Sabi ko.
"Pinky promise muna tayo." Sabi nya tapos nagpinky promise kami.
"Sabi ko na nga ba at may crush kana saakin noon pa." Pang aasar nya saakin.
"Di ah. Nung una naiinis pa ako sayo kasi ang daldal mo, peri nang tumagal, nasasanay na ako." Sabi ko tapos natawa sya.
"Masanay ka na talaga sa pagiging madaldal ko. Sina Lish at Ceb nga, sanay na. Ikaw pa kaya?" Sabi nya tsaka kami natawa. Madaldal mode nanaman sya.
"May gusto ba sayo yung Liam na yun?" Tanong ko na ikinabigla nya. So, meron nga?
"Ha? ano kaba. Wala noh. Tsaka si Lish ang gusto nun." Sagot nya kaya nakahinga ako ng maluwag.
Pero kay Astrid sya may gusto? So tama nga ang hinala ni Shawn? Pero, sila na kaya ng bestfriend nya?
"Sila na ba?" Tanong ko.
"Ha? Hindi. Alam mo naman na bestfriend lang ang turing ni Lish kay Ceb." Sagot nya kaya tumango tango ako.
"Tayo na kaya?" Pagbibiro ko sakanya kasi seryoso sya.
"Ha? Oo naman-- ha? Wait! Ano!? H-hindi ah!" Bigla nyang sabi na ikinagulat nya rin. Napayuko sya at namula.
"Nagbibiro lang ako. Pero nung sinabi mo na oo, well, pwede rin nama--"
"Hi-hindi! Nanliligaw ka palang noh! Ma-manligaw ka muna." Nauutal nyang sabi tsaka ako napangiti.
She never failed to make me smile.
|¤|¤|¤|
#ADateWithYou
-bæ
BINABASA MO ANG
Fall For You
Fiksi RemajaSya si Astrid, ang babaeng masungit sa mga lalake lalo na sa nakaaway nya nung unang pasukan palang. Wala daw kasi itong modo. "Gantihan nya man ako, atleast ready na ako" sabi nya sa sarili nya. Ito naman si Shawn, ang lalakeng hearttrob sa campus...
