Astrid's POV
Hindi na ako mapakali. Ayokong itago ko lang ang nararamdaman ko kay Shawn sa sarili ko. Kailangan ko ng kaibigan na masasabihan.
Habang busy ang lahat ng kaklase ko sa pagsusulat, ako naman, nagiisip kung kaninong tao ako magsasabi ng sekreto.
Hindi naman pwede kay Li kasi diba, may gusto sya saakin. Baka magtampo o magalit sya saakin kasi tama yung sinabi nya na kay Shawn ako nagkagusto.
Hindi naman pwede kay Kaye kasi madaldal yun. Baka madulas sya at masabi nya kay Shawn yung feelings ko.
Hindi rin naman pwede sa mga barkada nya kasi syempre, magbabarkada sila. Walang taguan ng sekreto.
Napahilamos nalang ako at napatingin sa bintana. Nabigla ako ng bigla kong nakita si Manuel na dinaanan yung room namin. Sign na ba to?
Ano?! Kay Manuel ko sasabihin? E diba ano, e diba sya yung crush ko...noon? Nakakahiya namang umamin sakanya na may gusto ako kay Shawn.
"Ms. Mendez!" Biglang may tumawag saakin kaya napatingin ako sa unahan. Hala! Si Sir.
"P-po?" Kinakabahang tanong ko. Hindi naman nagsitingan yung mga kaklase ko kasi stirkto si sir.
"Wala ka bang balak magsulat? Pagkatapos ng intramurals ninyo, examination na." Seryosong sabi ni Sir tsaka suminangot. Sanay naman na ako dito, ni hindi nya si sir ngingiti.
"Sorry po, sir." Sabi ko tsaka nya ako tinalikuran. Nagsimula na ako magsulat.
Urgh! Nakakainis naman! Ginugulo ni Shawn ang buhay at isip ko!
Nang matapos na yung oras ni Sir, inayos ko na yung gamit ko.
"Wala na kami ni Rose." Biglang sabi ng katabi ko, si Shawn. Agad naman akong napatingin sakanya.
"Ha?" Tanong ko. Wala na sila? Agad?
"Wala na kami Rose. Dapat nga 1 week yun kasi may pustahan kami, kaso ayoko na. Tss..ayoko na sakanya." Sabi nya ulit tsaka tumingin na saakin.
"Ah. Ganun ba?" Sabi ko nalang at umiwas ng tingin.
Ewan ko ba? Nung simula akong nagkagusto sa ugok na to, wala na akong masabi-sabi. Ni hindi ko na nga sya naaasar minsan e.
"Bat mo naman sinasahi saakin?" Tanong ko. Curious din ako kasi bakit nya naman sasabihin saakin? Ano nya ba ako?
"H-ha. Wala lang. Baka ano, nagseselos ka nung kami pa ni Rose kaya ito, sinabi ko na wala na kami ka--"
*pak*
"Kapal mo ah! Anong akala mo sakin! May gusto sayo? Asa!" Inis kong sabi sakanya tsaka nya hinimas himas yung hinapas ko sakanya.
Napatigil din ako pagkatapos ko nun sabihin kasi....kasi nag deny ako na wala akong gusto sakanya.
"Alam mo ikaw, hindi mabiro biro! Napaka seryoso mo!" Sabi nya tsaka ako napasimangot.
Sana nga biro rin tong nararamdaman ko sayo! Pero anong magagawa ko! Seryoso ako eh!
"E ikaw, puro ka biro! Akala mo lahat ng bagay puro laro!" Inis kong sabi sakanya.
Napatawa sya at tumingin sa mga mata ko.
"Hindi sa lahat ng bagay, kailangan mong magseryoso. Bakit, lahat ba ng seryoso, hindi nagbibiro? " sabi nya habang nakatingin saakin.
Umiwas na lang ako ng tingin. Lalim ng pinaghuhugutan nya.
Lumingon nalang ako kina Kaye at Li.
"Kaye, Li." Tawag ko sakanila at sabay naman silang lumingon.
"Ah, di ako makakasabay sainyo pauwi. May kakausapin pa ako." Sabi ko sakanila.
"Sino, si Shawn ba?" Tanong ni Kaye saakin.
"Hindi! Si ano, si Manuel." Sagot ko.
"Ah. Akala ko si Shawn. Mabuti naman at si Manuel lang." Sabi naman ni Li at ngumiti.
"Ok sige sige." Sabi naman ni Kaye kaya napatango ako.
Uwian
Nagpaalam na saakin sina Li at Kaye. Pero walang kasabay si Li umuwi, sabay kasi sina Kaye at Jaye. Sorry Li, kailangan ko lang kasi ng taong masasabihan ng nararamdaman ko. Di ko na kasi matiis. Gusto ko yung may malalabasan ako para naman hindi ko kinikimkim. Pag may lakas na akong sabihin sainyo ni Kaye, sasabihin ko naman.
Naglakad na ako at hinanap yung room ni Manuel. Asan na kaya yu--
*bogsh*
A-aray! Tumingala aki kung sino yung nakabungguan ko. Bat ba lagi kaming nagkakabungguan? Di ba pwede yung makikita nya ako at makikita ko sya?
"Sorry Miss. Oh--wait, Astrid?" Biglang sabi ni Manuel .
"Oh Manuel." Sabi ko naman.
"Sinong hinahanap mo? Bat di ka pa umuuwi?" Tanong nya saakin.
"Ah...ano kasi..." panimula ko. Anong sasabihin ko?
"Ha? Ano?" Tanong nya tsaka ko sya hinila papuntang garden. Wala naman na masyadong tao kaai uwian na.
"Ano kasi, pwede ka bang sabihan ng sekreto?" Panimula ko.
Alam kong nagtataka kayo kung bakit ang dali kong sabihin sa iba na may gusto ako sa isang tao, lalo na sa crush ko noon. Diba sabi ko sainyo, iba ako sa ibang babae. Hindi ako yung tipong kapag gusto ko ang tao, aamin na ako agad ako sa taong gusto ko. Ang hirap kaya. Sa mga kaibigan ko lang kayang masabi. Kina Li at Kaye? Hahanap ako ng tsempo.
"Ano ba yun?" Tanong nya tsaka nagseryoso.
"Promise me you won't tell to others. Even Kaye and Li. Ako ng bahala dun." Sabi ko tsaka sya tumango.
Ayan ayan na! Aaminin ko na!
"I like him." Kinakabahan kong sabi na ikinataka nya. Malamang magtataka sya kasi hindi nya alam kung kanino.
"Kanino?" Tanong nya na ikinaba ko ulit.
"Kay...kay....kay Shawn." Yumuko ako pagkasabi ko nyan. Ewan ko! Nahihiya na kinakabahan na natatakot ako na parang...parang ewan!
"Ha? E diba boyfriend mo sya?" Tanong nya na ikinabigla ko. Napatingin ako sakanya. Oo nga pala, ang akala nya, boyfriend ko si Shawn.
"Ha? Hindi! Nang aasar lang kasi sya saakin kasi alam nya na...alam nya na gusto kita noon. Pero noon yun." Sagot ko.
Napapikit ako. Ano bayan! Double na ang pag amin ko. Worst, biglaan pa. Sheez! Nakakalito!
"Ha? Ganun ba." Yun lang ang nasabi nya. Alam ko naman na nabigla sya.
Tumingin ako sakanya.
"Secret lang to. Promise?" Sabi ko tapos ngumiti sya.
"Oo ba. Ikaw pa ba? Para na kaya kitang bestfriend." Sabi nya tsaka ako napangiti.
"Salamat ha. Sorry kung ganto ang pag asta ko. E ganto ako e." Sabi ko tapos natawa nalang kami.
Kahit minsan na nagustuhan ko si Manuel, masasabi ko na mas mabuti pang magkaibigan nalang kami. :)
|¤|¤|¤|
#PromiseMe
-bæ
BINABASA MO ANG
Fall For You
Teen FictionSya si Astrid, ang babaeng masungit sa mga lalake lalo na sa nakaaway nya nung unang pasukan palang. Wala daw kasi itong modo. "Gantihan nya man ako, atleast ready na ako" sabi nya sa sarili nya. Ito naman si Shawn, ang lalakeng hearttrob sa campus...