Astrid's POV
"Welcome to Fantasy World!" Sabi ko kay Li tsaka nya nilibot nang mata nya yung buong FW.
Nakatago kasi tong FW. Dadaan kapa sa mala fantasya na daanan bago ka rito makarating. Medyo marami rami naman yung tao dito.
"This is.....amazing! Hindi ko inakala na meron pala neto!" Sabi nya. Well, totoo talaga to.
"This is not a dream, Li! Tara libot na tayo!" Anyaya ko sakanya tapos pumunta kami dun sa magician na naka upo sa bench.
May kinuha sya sa likod nang buhok ko then may binigay sya saking rose. Kinuha ko naman yun.
Umalis na kami. May nakasulobong naman kaming clown.
"Hi! Woops! Parang may dumi mukha mo...joke! Haha!!" Biglang tawa nya tapos medyo natawa naman ako. Umalis na ulit kami.
"Kakaiba talaga noh" sabi ni Li.
Tumingin ako sakanya.
"Talaga. So, saan gusto mong unahin?" Tanong ko sakanya.
"Sa rides." Sagot nya tapos hinila ko sya papuntang rides.
Medyo naman naibahan sya dahil kakaiba yung mga rides dito.
"Ayun yung ZigZap. Mahihilo ka dyan dahil pa zigzag yung mga dadaanan mo." Una kong sabi sabay turo dun sa Zigzap.
"Well, mukhang maganda. Tara!" Anyaya nya sakin pero tumangi ako.
"A-ah? Amm...ikaw nalang!" Sabi ko. E medyo takot ako, tsaka antaas kaya tapos ang bababaan mo pa zigzag pa.
"Takot ka ba?" Tanong nya.
"Hindi noh! Ako matakot? Tss.." pagsisinungaling ko. Aasarin nanaman ako ni Li neto.
"Ehem! Totoo?" Tanong nya ulit tapos ngumiti nang nakakaloka.
"Oo na. Ikaw na nga lang sabi eh" sabi ko sakanya tapos tumawa sya.
"Haha takot si AL! " asar nya sakin.
Hinila ko nalang sya sa Shoot&Win. Actually, basketball sya na kapag naka shoot ka nang sampo, mananalo ka nung gusto mong prize na naka display. Mamimili kalang pero isa lang.
"Sige." Sabi nya tapos nagbayad dun sa babae.
Shoot!
Shoot!
Shoot!
Shoot!
Shoot!
"Kaya mo yan, Li! Lima nalang!" Sabi ko kay Li.
"Para sayo to, AL." sagot nya sakin. How sweet!
Shoot!
Shoot!
Shoot!
Shoot!
Shoot!
"Yeeyy!!" Sigaw ko tapos niyakap ko sya.
Nag apir kami ni Li. Galing neto sa basketball eh.
"Galing mo, Li! So, pili na." Sabi ko tapos hinila ko sya dun sa pagpipilian nya.
Merong stuff toy, coke in can, accessories, ballpens/pencils, bags, merong gadgets pero dapat 100 na shoot ang isho shoot mo. Well, pinili nya yung stuff toy na pink at yung malaki.
"Para sayo" sabi nya tapos binigay nya sakin. Kinuha ko naman.
"Salamat, Li!" Sabi ko tapos niyakap ko ulit sya. Kumalas kami.
BINABASA MO ANG
Fall For You
Teen FictionSya si Astrid, ang babaeng masungit sa mga lalake lalo na sa nakaaway nya nung unang pasukan palang. Wala daw kasi itong modo. "Gantihan nya man ako, atleast ready na ako" sabi nya sa sarili nya. Ito naman si Shawn, ang lalakeng hearttrob sa campus...
