Astrid's POV
Tuesday (November 4)
Intramurals Day 2
Naka skirt ulit ako at naka pang Booths T shirt. Sosyal dito, pati booths, nagawan ng t shirt diba. Naka braid din yung buhok ko ng dalwang parts. Mukha akong 1st year dito haha.
Nauna na sina Kaye saakin at si Li. Sila kasi yung gumawa ng isang booth. Sila yung leader. Pumasok na ako sa gate at nagsimulang maglakad.
"*sipol* chicks!"
"Brad lapitan mo na!"
"Ang gand naman ni miss!"
"Sexy!"
"Ganda ng legs!"
"Ang puti"
Napasimangot ako sa mga narinig ko. Tinignan ko ng masama yung mga lalake at lumapit sakanila.
"Tignan mo, nagwapuhan sya satin." Sabi nung isa tsaka ako kinindatan. Yuck!
Ningitian ko muna sila. Yung magandang ngiti. Tsaka suminangot at ni-ready ang kamao ko.
*bogsh!*
"Yan ang bagay sainyo! Mga bastos!" Sigaw ko sakanila tsaka umalis. Mga takte sila! Kala nila hindi ko sila kayang suntukin? Si Shawn nga nasuntok ko? Sila pa kaya?
Biglang may humigit saakin kaya nagulat ako.
"Sino yung mga nambastos sayo? Sabihin mo sakin para masuntok--"
"Okay na. Naunahan nakita. Tsaka kaya ko naman sila." Putol ko sakanya tapos suminangot sya.
"Bat ka kasi nagsusuot ng ganyan kaikling palda?" Inis nyang tanong.
"E maglalaro lang naman tayo ng booths diba?" Sagot ko tapos nagcross arms.
"Tara na nga." Anyaya nya tsaka nya ako hinawakan sa kamay.
*blush*
Hinawakan nya ako sa kamay! Ano to? Holding handa while walking in the campus?!! Yiiee.
"Sabi ko nga pala kay Kaye at dun sa Liam, sosolohin muna kita." Sabi nya habang naglalakad kami. Sosolohin nya ako?
"B-bat mo naman yun sinabi?" Tanong ko.
"Para makasama ka." Sagot nya.
*dugdug*
Sheez! Ano nanaman tong...pakilig nya!?
"A-anong nakain mo! Ti-tigilan mo nga ako!" Nauutal kong sigaw sakanya pero ngumisi lang sya.
"We are now opening the booths for all the students."
Omy! Ayan na. Open na yung mga booths. Excited na ako maglaro kasama si--ay oo nga pala, di ko makakasama si Kaye. Sosolohin raw kasi ako ni Shawn.
"Ano, tara na?" Anyaya saakin ni Shawn at tsaka ako tumango ako sabay ngiti.
Pumunta muna kami sa entrance. Nasa field yun. Kailangan muna kasing lagyan ka ng stamp sa wrist.
Nagpastamp na kami at tsaka pumasok. Ang dami na agad estudyante na naglalaro dito.
Napabitaw ako kay Shawn at tumakbo kung saan. Saan kaya ako pwede maglaro.
"Dun kaya? O kaya d--"
"Akala ko iniwan mo na ako." May biglang nagsalita. Di ko makit ang mukha kasi nakayakap saakin.
Kumalas sya. Si Shawn.
"Wag kang lalayo saakin." Sabi nya tsaka nya na ko hinila. Sorry naman, na excite ako e.
BINABASA MO ANG
Fall For You
Fiksi RemajaSya si Astrid, ang babaeng masungit sa mga lalake lalo na sa nakaaway nya nung unang pasukan palang. Wala daw kasi itong modo. "Gantihan nya man ako, atleast ready na ako" sabi nya sa sarili nya. Ito naman si Shawn, ang lalakeng hearttrob sa campus...
