Fifthy One || Meet the Parents

10 0 2
                                    

Astrid's POV

Nandito kami sa condo ni Shawn ngayon. Magpapalit raw sya ng damit. Habang nasa cr sya, pumunta muna ako dun sa full size mirror nya.

0///////0

Isa lang ang masasabi ko ngayon sa looks ko, WOW!

Akalain mo, mas maganda pala ako kapag naayusan ng ganto. Iba talaga kapag maganda *winks*

Habang tinitignan ko yung sarili ko, bigla sumulpot si Shawn sa tabi ko. Ang gwapo ah.

Naka loose white longsleeve lang naman sya with maong pants. Ogod! Kahit ang simple lang ng outfit nya ngayon, ang gwapo padin!

Kinurot ko ang sarili ko. Kailan ka pa namuri ng iba?  Inis kong bulong sa sarili ko. Wala e, inamin ko ng gwapo sya. Babawiin ko pa ba?

*snap!*

"Masyado ka atang nagwapuhan sakin. " sabi ni Shawn kaya bumalik ako sa katinuan. Tinarayan ko sya.

"Asa. Oh ano, tara na at matapos na to." Palusot kong sabi sakanya tsaka lumabas ng condo nya. Sumunod naman sya.

Pumunta na kami sa parking lot at sumakay na ng sasakyan. Tumingin ako sa relo ko, alas singko na. Natagalan pa kami sa mall kasi bumili pa ng damit si Shawn para sakanya. Bilis naman ng oras ano?

Nagsimula ng magdrive si Shawn. Habang nagdadrive sya, nagtext saakin si Kaye. Oo nga pala, kanina pa silang alas tres nakauwi.

From: Kaye

Lish, asan ka? Nag absent ka ba?

Ay hala. Oo nga pala, di ko nasabi sakanila. Tsk ano bayan!

To: Kaye

Sorry. Ano kasi....kasama ko ngayon si Shawn.

Sent!

Mamaya ko nalang siguro sa chat ipapaliwanag kina Kaye at Li.

From: Kaye

HA? MAGKASAMA KAYO? Asan kayo?

To: Kaye

Basta! Maya, chat kita. Sige bye muna.

Sent!

Paniguradong nakasimangot ngayon si Kaye. Di na sya nagreply pagkatapos nun.

"Hoy." Tawag saakin ni Shawn kaya napatingin ako sakanya.

"May pangalan ako. Hindi ako si Hoy." Inis kong sabi sakanya.

"Whatever. May rules tayo." Sagot nya saakin. Rules?

"Ha? At ano namang rules?" Tanong ko sakanya.

Nakatingin sya sa road habang nakikipag usap saakin.

"Syempre, ipapakilala na kita sa parents ko as my girlfriend, kailangan sweet tayo." Sagot nya. Sweet?

"Kailangan pa ba yun?" Tanong ko tapos napatingin sya.

"Malamang. Kailangan nating ipakita sakanila na gusto natin ang isa't isa." Sagot nya saakin tsaka binalik nya yung tingin nya sa road.

"Hindi ka ba nakokonsensya na pinaglololoko lang natin yung parents mo na mag couple tayo?" Tanong ko sakanya.

"Ayoko kasing maipakasa--"

"E kung maghanap ka kaya ng tunay mong girlfriend. Edi wala na tayong maloloko." Putol ko sa sabi nya. Ang kulit kasi e.

"Andyan ka naman e. Di na kailangan. Di rin naman magtatagal." Sabi nya. Nagtaas yung balahibo ko sa una nyang sinabi. Anong gusto nyang ipahiwatig?

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon