Thirty One || Stay (K&J)

9 0 0
                                        

Sorry, ngayon lang naka update. Naghahanda para sa school e. At first day of school namin ngayooon 🙌

Kaye's POV

4:30 pm na. Natapos naman na kami kaya pwede na kaming magrelax. Hayss..

Umupo kami pareho ni Jaye sa couch at nag buntong hininga. Nakatinginan kami. Tinaas ko yung kamay ko na para bang makikipag apir, at mabuti naman at nakipag apir sya.

"Be ready tomorrow, so that we can teach the children properly." Sabi nya then i nod. Bukas na pala noh?

Nagsipuntahan dito yung barkada ni Jaye kasama si Lish. Wow ha, tipon tipon?

"Oh, anong meron?" Tanong ni Jaye tsaka nagsipasok sila.

"Wala naman, bro. Uuwi na kasi ako, kasabay ko si Lily." Panimula ni Sam. Lily? Bago nya nanaman ba yun?

"Ts. Lily? Yung bago mo?" Tanong ni Jaye then tumango si Sam.

"Kailan ka kaya mag seseryoso, Sam?" Tanong ni Percy na naka akbay kay Jessa.

Napatingin si Sam kay Percy.

"Hmm....di ko alam e. Di ko pa kasi name meet yung the one ko." Sabi nya then napatawa kaming lahat.

"Anyway, may date pa kami ni Jessa kaya mauna na kami." Paalam ni Percy tsaka umalis na kasabay ni Sam.

"Ano? Tapos na ba kayo Kaye?" Tanong ni Lish sabay lapit sakin.

"Oo. Ano? Uwi na tayo?" Tanong ko pero bago pa makatango si Lish, hinila na sya ni Shawn.

"Aray! Ano ba!?" Inis na sigaw ni Lish kay Shawn.

"Sakin ka sasabay. Alam ko naman na mamamasyal pa kayo, pero sa suot mong yan, hindi ako sang ayon." Sabi ni Shawn habang naka cross arms.

Pero ang sexy dyan ni Lish ha. Ang ganda talaga ng bes ko! Kaya pala sya nagustuhan sya ni Ceb. Wait--speaking of Ceb.

"Asan pala si Ceb?" Tanong ko.

"Ayun, nauna na. May bibilhin raw kasi sya." Sagot ni Lish.

"Tara na. Mauna na kami Kaye and Jaye." Paalam ni Shawn samin tsaka nya hinila si Lish kaya ayun, nakasimangot nanaman.

Niligpit ko na yung gamit ko at ng ayos ng uniform. Tinignan ko si Jaye.

"Ano? Uwi na tayo?" Tanong nya.

"Sasabay tayo?" Tanong ko.

"Oo. Bakit, ayaw mo?"tanong nya ulit.

"Hindi naman. Pero, okay lang ba sayo?" Tanong ko nanaman.

"Syempre." Sagot nya tapos tumango nalang ako tsaka sya hinintay. At lumabas na kami.

Habang naglalakad kami, umaambon. Aba! Ang bilis naman.

Tumakbo na kami papuntang parking lot at baka lumakas pa to. Pumasok na kami sa kotse.

Habang nag da drive si Jaye di ko mapigilan na mag isip kung may bagyo ba o wala.

"Jaye, may bagyo ba?" Tanong ko habang nakatingin sa bintana.

"Ha? Ewan ko din e." Sagot nya.

Naguluhan ako dahil hindi ito yung daanan papunta sa Vanton Street. Kaya napatingin ako bigla kay Jaye. Pero bago pa ako makapagsalita, naunahan nya na ako.

"Palakas ng palakas ang ulan, baha na dun sa daanan papuntang Vanton Street kaya mag e stay muna tayo sa house." Sabi nya then tumango nalang ako.

Nang makarating na kaming bahay nila, agad kaming pinayungan ng yaya ni Jaye. At pinapasok na kami sa pinto.

"Good afternoon po, Sir Jaye and Ma'am Kaye. Sir, umalis po ang mama mo, may kailangan lang po syang puntahan." Sabi nung yaya ni Jaye tapos tumango nalang si Jaye.

Pinaupo ako ni Jaye sa sofa nila at naupo rin sya sa sofa. Tumingin ako sa bintana. Ang lakas nga ng ulan. Paano ako neto makakauwi?

"Manang, may bagyo po ba?" Tanong ni Jaye dun sa medyo matanda ng yaya nila.

"Ay oo iho. Kaya di muna makakauwi ang mama mo." Sagot ni manang sabay tingin sakin.

"At ikaw iha, dito ka muna magpalipas ng gabi." Sabi nya then napamuklat ang mata ko.

"Pero po baka pagalitan ako ng ma--"

"No worries, na text ko na mom mo then she say yes." Sabi ni Jaye at tumango nalang ako.

"May gusto ka bang pagkain, iha?" Tanong ni manang.

"Ay wag na po. Okay lang po ako." Sagot ko then tumango sya at umalis.

Tumayo si Jaye at hinila ako paakyat.

"Ituturo ko sayo ang guest room." Sabi nya tapos tumango ako.

Katabi lang ng kwarto ni Jaye ang guest room nila. Binigay ni Jaye yung susi sakin.

"Jaye, wala akong damit." Sabi ko then ngumiti sya.

"No worries, meron na dyan damit sa loob. Si ate coz kasi ang natutulog dyan at meron syang mga damit na naiwan." Sabi nya then tumango ako.

"If you need something else, just knock my door." He said then pumasok na sya. Pumasok na din ako.

Ang ganda naman ng guest room nila! Master bedroom pala to! Nilapag ko yung bag ko sa desk at tumalon sa kama. Ng lambooot!

Binuksan ko din yung cabinet at bumangod sakin ang mga magagandang damit. Wow! Sosyalin pala ang pinsan ni Jaye.

Nagbihis na muna ako ng maong short at polo. May slippers din dito kaya sinuot ko.

*toktok*

Binuksan ko yung pinto at nakita ko si Jaye sa harapan ko.

Dug.dug.

Omy...ang gwapo nya!! Bat ba kahit anong suot nya ang gwapo nya padin! Kaya kita naging crush e!

"Ah..bakit?" Tanong ko sakanya.

"Am..ka-kakain na. Amm...sige.."nauutal nya sabi tsaka umalis t bumaba. Anong problema nun?

Bumaba narin ako at pumuntang dining area. Woow! Ang daming pagkain!

"Kain na, iha. Ang ganda mo naman, bagay sayo yang suot mo." Sabi ni manang.

"Salamat po." Sagot ko tsaka umupo sa tabi ni Jaye. Actually kami lang naman dalwa ang nandito e.

"Sige iha at iho, pupunta na ako roon sa maids room."paalam ni manang tsaka kami tumango.

Kumain na kami. Naiilang ako kasi habang kumakain ako e feeling ko nakatingin sakin si Jaye kaya tinignan ko sya.

"May dumi ba sa mukha ko?" Tanong ko.

"Wala naman. Ang cute mo lang kumain." Sabi nya then naramdaman ko na namula ako kaya naman yumuko na ako agad.

Ang lakas din netong magpakilig e ano!? Sabi ng isip ko tapos tinignan ko ulit si Jaye.

"Kumain ka nalang nga."sabi ko then natawa sya.

^^^^

"Sige na, matutulog na ako. Goodnight."sabi ko.

"Sige, goodnight din. Dream with me."sabi nya sabay kindat.

"Feeling ka rin ano!" Sabi ko tapos tinarayan sya.

"Haha. I'm just kidding. Sige na,matulog kana." Sabi nya.

"Oo na, oo na. Ikaw din." Sabi ko then pumasok na sa room.

Kaso may kumatok ulit kaya binuksan ko pero ang bumangad sakin ang halik ni Jaye sa cheeks ko sabay takbo sa kwarto nya.

Dug.dug

Omygod! Hinalikan nya ako sa cheeks.

Hinawakan ko ang cheeks ko at namula ng sobra. Kinilig ba ako ng sobra?

Ni lock ko ang pinto at nahiga sa kama at nagpagulong gulong.

Ano bayan! Kinikilig ako! Tsk! Walanghiya ka, Jaye! Magnanakaw ka ng halik!

|¤|¤|¤|

#StayWithMe

-bæ

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon