Sixty Six || Intramurals (Part 2)

8 0 0
                                        

3rd person POV

Tinitignan ko lang silang nagtatawanan habang andito ako sa puno na nagtatago magisa. Sige, magsaya lang kayo, sa huli, mapapasakin din sya.

Nakita kong tumabi si Shawn kay Astrid at nagpicture sila. Aba, so hindi na naging masungit si Shawn sa babaeng yan?! Namumuro na saakin yang babaeng yan! Mukhang may gusto sya kay Shawn pero ayaw nya lang aminin.

Tsaka hindi pa ba sya nakiki pag 'break' kay Shawn? E diba, sinabihan ko na sya na kapag hindi pa sya nakikipag break, sasabihin ko kina tita at tito na nagpapanggap lang sila. Ang ang kalalabasan, maipapakasal sya saakin.

Desperada na kung desperada! Mahal na mahal ko si Shawn. Kahit na sa west lang muna kami ikasal, okay lang. As long na saakin na sya. Alam kong mamahalin nya lang ako, masyadong epal pang ang babaeng yun kaya nakukuha nya ang atensyon ni Shawn.

Kahit na ilang beses nya na ako tinaboy, pinaglaruan, at sinaktan, hindi ako susuko. Mahal ko sya, at lahat gagawin ko para mapasaakin lang sya. Tutal ganun naman talaga ang nagmamahal, kahit na harap harapan ka nang sinasaktan, hindi mo parin kayang iwanan kasi nga mahal mo!

Tama na ang drama. Ngayon, hindi muna ako magkipagtalo sakanila. Diba nga, saaakin ang huling halaklak? *evil smile*

Astrid's POV

"Tara, lunch na tayo." Anyaya nya saakin tsaka kami tumayo. Tumango lang ako.

Hindi pa din kasi ako nakaka get over sa picture namin ni Shawn. Sabi nya kasi dapat, may picture din ang mag jowa kaya ayun, kinuha ko nalang ang phone ko at niyaya ko sya magpicture para tumahimik na sya.

Pinagbuksan ako ni Shawn ng pinto kaya pumasok na ako. Pumasok narin sya at nagsimulang mag drive.

Pero hindi ko talaga maintindihan kung....kung ano ba talaga kami? Kung anong status namin?

Kasi, bigla nalang sya naging ganyan. Sweet at caring. Hindi na sya yung halimaw na ang lakas mang asar saakin. Nagbago na sya.

Tumingin ako sakanya na busy sa pagdadrive. Tanungin ko na kaya? Alangan naman hayaan ko nalang ang sarili ko na magisip kung ano kami diba?

"Shawn...may tanong ako." Sabi ko sakanya tapos tumingin aya saakin ng saglit at ibinalik nya ang tingin nya sa road.

"Ano yun?" Tanong nya saakin at tsaka ako nagbuntong hininga.

"Am...ano kasi...napapaisip lang ako....kung...kung ano.." pabitin kung tanong. E hindi ko masabi ng diretsuhan. Hinintay nya akong ipagpatuloy.

"Anobatalagatayo?" Mabilis kung tanong tsaka umiwas ng tingin.

"Amm...wala namang tayo ah. Ikaw ha--"

*pak*

Hinampas ko nga. Wala naman palang kami tapos may paganyan ganyan pa sya! Lecheflan naman to.

"Aray! Ito naman joke lang e!" Reklamo nya kaya napasimangot ako.

"Umayos ka kasi!" Inis kong sabi sakanya tapos umayos sya ng upo.

"Eto na nga. Malamang tayo na kasi nga pinakilala kita sa parents ko diba?" Sabi nya tapos napailing ako.

"E diba, nagpapanggap lang--"

"No." Putol nya sa sinabi ko.

"Anong 'no'?" Tanong ko tapos huminto yung kotse.

"Andito na tayo. Tara na." Anyaya nya tsaka bumaba at pinagbuksan nanaman ako ng pinto. Bumaba narin ako.

Hinila nya ako papasok ng resto at naghanap na ng vacant seat.

Umupo na kami. Sabi nya sya nalang raw yung mag oorder. Nahihiya tuloy ako kasi yung suot namin, pang school. Ilang minutes lang nang dumating si Shawn hawak hawak ang tray ng pagkain.

Umupo na sya at inilapag ang tray. Kainan na :)

"Mukhang gutom ka na talaga ah?" Biro nya kaya napasimangot ako.

"Gusto mo ng isa pang hampas?" Tanong ko tapos nag gesture sya na wag-po.

"Hindi. Kain kana girlfriend." Malambing nyang anyaya kaya kumain nalang kami.

Habang kumakain kami, di ko maalis sa isip ko yung pa girlfriend nyang tawag saakin.

"Talagang pinaninindigan mong girlfriend ang tawag mo sakin." Biro kong panimula. Ma enlighten lang ang topic.

"Kasi girlfriend kita." Sagot nya na ikinahinto ko.

*dugdug*

Kumain nalang ulit ako ng tuloy tuloy. As in yung punong puno na yung bibig ko.

"Ackk."

Ay syete! Nabibilaukan ako!

"Oh, tubig. Hinay hinay lang kasi." Sabi nya sabay lahad nung tubig saakin. Agad ko naman kinuha at uminom.

Ay naku naman kasi Astrid! Para kang tanga!

Nabigla ako ng biglang lumapit sa mukha ko si Shawn. Hala, anong gagawin neto?

"Ayan." Sabi nya tsaka pinunasan yung bibig ko.

*dugdugdug*

Kinuha ko yung tissue at ako na ang nagpunas. E yung puso ko kasi, sobra kung tumibok.

Kumain nalang ulit kami. Ayoko na mag open ng topic. Ako yung nagiging speechless.

"Malapit na ang exam noh?" Sya na yung nagsimula.

Yung exam naalala nya, yung birthday ko hindi. Ay lecheflan! Anong pinagsasasabi ko! Malamang hindi nya alam kasi nga di mo sinabi.

"Ah e oo nga." Sagot ko nalang.

"Nga pala, bukas na yung Mr.&Ms. Intrams. Excited kana--"

"Hindi." Putol ko sakanya. Bat nya pa pinaalala!

Natawa lang sya saakin.

"Kaya mo yan. Kaya natin." Sabi nya tapos ngumiti.

"E wala akong alam dun." Sabi ko tsaka uminom dahil tapos na ako.

"Magpapractice naman tayo mamaya diba?" Sabi nya tsaka uminom narin kasi tapos na rin sya.

Tumango nalang ako.

"Ano, tara na?" Anyaya nya tsaka ako tumango at tumayo na kami at umalis.

Hindi pa ako handa bukas. Ayoko na! Gusto ko ng magbackout---

"Wag kang magbabackout ha?" Bigla nyang sabi. Alam nya ba yung naiisip ko?

Tinignan ko lang sya at pumasok na kami sa kotse.

Mabuti sya sanay sya sa mga ganun kaya hindi man lang sya kinakabahan. E lagi ata syang sumasali.

|¤|¤|¤|

#IntramsDay2

-bae

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon