Astrid's POV
Saturday
November 1 ngayon. Salamat at nakapahinga din. Ilang linggo kaya kami nagpractice para sa production number, sa final performance at syempre sa Mr.&Ms. Intrams. Oho, nakasama ako. Kami nina Kaye at Rose sa babae. Sina Shawn, Jaye at Tom naman sa lalake. Nagbackout pareho sina Li at Sam. Si Li kasi, more on practice sa basketball, susuportahan nya nalang ako dahil nakasama ako. Sweet ng bestfriend ko no? Si Sam naman, laging wala kapag nagpapractice kami. Kaya ayun, nag back out sya at ipinalit si Tom. Kapartner ni Jaye si Kaye, si Rose at Tom, at syempre ako at si Shawn. Galit pa nga saakin si Rose kasi ako yung pinili ni Shawn maging partner. Pero alam ko naman na sa huli, ipapakasal sya dun.
Yung tungkol nga dun sa sinabi ni Manuel, yung umamin raw. Jusko! Ang hirap talaga. Ngayon ko lang naman kasi naranasan. Syempre kasi di naman ako noon malapit sa boys, as in boys sa campus kaya wala akong magustuhan. Araw-araw saakin sinasabi ni Manuel na umamin na ako, pero tinatry ko naman e! As in! Alam mo yung malas? Kapag nakikita ko si Shawn, ang raming babaeng aligid ng aligid. Kapag naman sinabihan ko sya na may sasabihan lang ako, may bigla nanamang susulpot na babae. Paano ako makakaamin kung ganun? Kung di ko naman aaminin, itatanong nanaman saakin ni Manuel na hahayaan mo nalang ba syang maipakasal sa iba? Kaya eto ako, tinatry lagi.
Nga pala, sinabi ko na rin kay Li yung tungkol sa feelings ko kay Shawn. Ayun, nung una, 2 days kaming di nagpansinan. As in grabe, lagi ko syang sinusuyo pero lumalayo naman sya. Tapos nung medyo napagod na ako, sya na mismo yung lumapit saakin. Nag sorry ako. Kasi diba syempre, nagkagusto saakin yung tao tapos ang pipiliin ko lang ay yung taong asar ng asar saakin? Diba? Kaya ayun, naintindihan nya naman. Sabi nya pa nga alam ko naman nung una, sya na . Sinabi ko naman sakanya na andyan si Fria. Kaya ayun,pinagdate ko yung dalwa. Okay naman si Fria sakanya. At ang good news, nanliligaw na si Li kay Fria. Hindi nya naman ginagamit si Fria, may feelings na rin sya kasi nung unang week palang ng school, sila na ang magkasama. O diba? Good?
Sina Kaye naman at Jaye, medyo weird. Lagi kasing magkasama. Alam kong natural yun kasi nanliligaw si Jaye pero as in hindi na sila maghiwalay. Para ngang may sinesekreto saakin si Kaye e. Malay mo, sila na pero di pa nila sinasabi. O kaya naman, buntis si Kaye!? Aba! Di lang sapak ang makukuha nya saakin pag ganun! Kapag tinatanong ko naman sya, ang sasabihin nya lang malalaman mo rin yun. Kailan pa? Pag birthday ko na?
Nga rin pala, sa monday na yung Intrams namin. Excited naman ako kahit papaano, dati kasi ayokong sumasali sa mga programs or activities kasi di ko trip. Pero nung nakilala ko na si ang the4, biglang nagiba ang ihip ang hangin. Nagiba lang, wag kayong ano! *laugh*
Ano bayan, ang daldal ko. Nandidito kasi kami sa sementeryo. Nakaupo lang naman kasi ako, habang nakatingin sa puntod ng lola ko na nagbigay ng mahiwagang bracelet na to. Ewan ko kung dahil ba sa bracelet ko kaya ko minahal si Shawn o kusa ko itong naramdaman?
"AsLi, matanong ko lang, meron na ba sayong nanliligaw?" Biglang tanong ng mama ko na nasa tabi ko lang. AsLi kasi AStrid LIsh. Napatingin naman ako sakanya.
"H-ha? Am.." sabi ko. Di ko alam kong anong isasagot ko. Kung wala o meron o may bf na ako.
"Hindi ka naman namin pinagbabawalan magka boyfriend. Sywempre kasama yan sa HS life mo. Ang amin lang, wag papabayaan ang studies." Dagdag naman ni papa.
"Syempre naman pa." Sagot ko.
*beep beep*
From: Halimaw
Miss na kita girlfriend.
0_____0
*Dugdug*
B-bat naman magtetext si Shawn saakin ng ganto? Seryoso ba sya?
"May boyfriend na pala ang anak natin, hon. Tignan mo, nagtext sakanya." Biglang sabi ni mama kay papa kaya napatingin ako. Nakangiti sila saakin kaya tinago ko yung phone ko.
Hala! Nakita nila yun?
"M-ma p-pa ano k-kas--"
"Its ok AsLi. Bat halimaw ang pangalan nya? Ang...weird." sabi pa ni mama.
"Am..Shawn po ang tunay nyang name."sabi ko tapos ngumiti sila.
"Bat hindi mo saamin sinasabi na may boyfriend kana?" Tanong ni papa. Hala! Di ko naman bf si Shawn e. Fake lang kami.
"Nahihiya ang anak natin. Hayaan mo na." Sabi naman ni mama. Napatango nalang si papa.
Ano bayan? Bat naging topic namin ang lovelife ko?
Lumayo layo ako ng unti para replyan si Shawn. Pahamak sya!
To: Halimaw
Pahamak ka! May pa 'girlfriend' ka pang sinasabi dyan. Nakita tuloy ng mama ko kaya sinabi nila na may boyfriend na ako.
Naghintay ako ng reply.
From: Halimaw
Talaga? Mabuti na yun para makilala ako ng parents mo diba? ;) ang unfair kasi pinakilala na kita sa parents ko, ikaw naman magpakilala saakin.
To: Halimaw
Pinagsasasabi mo?
From: Halimaw
May sasabihin ako sayo.
To: Halimaw
O ano?
From: Halimaw
Hindi muna ngayon ;) Bye girlfriend :*
To: Halimaw
Aba't--urgh! Pabitin pa! Ewan ko nga sayo.
Pinatay ko na yung phone ko bago ko mapatay si Shawn. E naiinis ako. Sorry, meron ako ngayon. Patapos na.
*kring*
May tumatawag. Si Manuel. Wait, alam ko na kung bakit sya tumatawag. Sinagot ko ito.
[On phone]
"Hello?" -ako.
"Oh, hi Asrtrid." -sya.
"Bakit po?" -ako.
"Itatanong ko lang kung kailan ka pa aamin." -sya.
"Manuel naman. Ang hirap kaya. Paano ako makakaamin e hindi sya tinitigilan ng mga babae nya?" -ako.
"Saktohan mo na wala syang kasamang babae." -sya.
"May narealize lang ako." -ako.
"Ano?" -sya.
"Hindi naman dapat ako yung unang umamin. Dapat lalake ang nagfi first move diba? Kaya Manuel, ayoko. Hindi ako aamin." -ako.
"Ganun ba. Sige. Wait ka lang." --sya.
"Anong wait ko lang?" -ako.
"Aamin din shndnksndhss--" -sya.
*beep beep*
Anyare dun? Anong aamin? Sinong aamin? Hay ewan.
Isang linggo na ako nagtangkang umamin pero ayoko na. Sya na dapat ang umamin, hindi ako. E ano namang aaminin nya saakin? Di ko nga alam kung gusto ako nun e.
Hay ewan. Nakakabaliw naman magmahal. Bat pa kasi to nararamdaman? Nahihirapan tuloy ako.
|¤|¤|¤|
#SinongAamin
-bæ
BINABASA MO ANG
Fall For You
Teen FictionSya si Astrid, ang babaeng masungit sa mga lalake lalo na sa nakaaway nya nung unang pasukan palang. Wala daw kasi itong modo. "Gantihan nya man ako, atleast ready na ako" sabi nya sa sarili nya. Ito naman si Shawn, ang lalakeng hearttrob sa campus...