Twenty Eight || It's Tuesday

12 0 0
                                        

Astrid's POV

Tsk. Nakakainis si Shawn. Paano ba naman kahapon, tinulugan lang ako edi ako na yung tumapos nung mga music designs.

Kaya eto ako ngayon, nakasimangot habang papasok ng gate ng school namin.

Agad na bumungad sakin si Li. Nakangiti pa sya papalapit pero ako? Wala akong ganang ngumiti ngayon.

"Good morning? AL, okay ka lang?" Tanong nya tapos hinawakan nya yung balikat ko at pinaharap sakanya. Mas lalo akong sumingangot.

"Oo. Okay na okay ako. As in super." Sagot ko. Take note, sarcasm.

Hindi ko ba nasabi sainyo na nagabihan pa ako matapos lang yung mga designs nayun? At si Shawn, natutulog lang dun sa may table habang ako, pagod na pagod kaka design? Alam nyo yung feeling na pagkagaling mong school, agad kang nakatulog sa kama mo dahil sa pagod? ARGH!

"AL, wag mo namang paginitan yang bag mo." Sabi ni Li tsaka ko tinignan yung bag kong gusot gusot na.

Tinignan ko ulit si Li.

"Ano bang proble--"

"Hi bestfriends!! Morning pala." Masiglang bati ni Kaye habang may patalon talon pa.

"Morning Kaye." Bati ni Li pero ako? Ewan. Di ko alam pero wala ako talaga sa mood.

Dumeretso nalang ako sa room at umupo. Mabuti nga at napaaga ang dating ko ngayon kaya may ilang minutes pang natitira bago mag time.

Tumabi sakin yung dalwa.

"Lish, anong problema?" Tanong ni Kaye.

"E paano ba naman tinulugan ako buong hapon ni Shawn dahil pagod na raw sya. Pagod? Isang oras palang pagod na sya? Paano pa kaya ako na magisang tinapos yung designs nayun? Nakakainis sya!" Paliwanag ko. Agad namang napasimangot si Li.

"Ts. Sabi na nga ba e! Napaka tamad talaga yung Shawn nayun. Hinayaan ka nya na tapusin yun mag isa?! Tsk. Pag nakita ko yun, sisiguraduhin kong magkaka black eye yun." Inis na sabi ni Li at agad naman ako napangiti. Kung sana nga gawin mo yun e.

"Wag na Li. Wala rin tayo mapapala dun." Sabi ko tapos tumingin naman ako kay Kaye.

"Hindi mo ba sya ginising?" Tanong nya.

"Ilang beses ko sya ginising pero wala, bagsak talaga sya." Sagot ko tapos napasimangot din si Kaye.

"Hay naku. Nakakaasar din nga kahapon. Yung haliparot na dikit ng dikit kay Jaye, napaka pabebe!" Inis nyang sabi tapos napangiti kami ng nakakaloka.

Tinignan kami ni Kaye at agad syang namula.

"H-hoy. Hindi ako nagseselos ha! Alam ko ang mga iniisip nyo ha!" Defensive nyang sabi tapos nagtawanan lang kami.

May ilang students na ang pumasok sa room at kasama ron sina Percy.

"Hi sainyo. Aga ha." Sabi ni Jessa.

"Oo nga haha." Sabi ko. Well, yung 'haha' thats fake.

"Morning there." Sabi ni Percy tapos inakbayan nya si Jessa. Sus! Sila na sweet. Haha lol.

"Morning Liam, Astrid and Kaye." Bati ni Jaye tsaka ngumiti pero nung tumingin na kay Kaye, labas pati ngipin. Somethings fishyy...

"Morning din." Sabay namin ni Li.

"M-morning too." Utal na bati ni Kaye.

"Hi guys! Its me, Sam." Bati ni Sam. Haha andito na ulit ang chickboy ng grupo.

"Oh, nakahanap ka nanaman ng babae noh?" Tanong ko.

"Syempre naman. Ako, mawalaan? Kailan pa hahaha" sagot nya tapos napatawa kaming lahat.

Sa pagtawa namin, may isang tao ang dumating.

"Hi guys." Bati nya tapos ayun, nagkwentuhan na yung magtotropa.

Napasimangot ako. Bat kasi sya pa partner ko at seatmate ko!? Tsk. Nag glow nanaman yung bracelet.

Umupo na kaming lahat dahil dumating na si Sir. Hindi ko lang sya pinansin.

"So class, alam naman na ninyo ang gagawin. Go to your partners at pumunta na kayo sa sari-sarili nyong rooms. Goodmorning by the way." Sabi ni sir tapos agad naman silang nagsipuntahan sa partners nila at nagsilabasan na.

Kinalabit ako ni Li.

"Punta na ako sa partner ko. Take care." Sabi ni Li tsaka sya umalis.

Tumayo narin akk at lumabas. Bahala sya sa buhay nya kung di sya pumunta ron.

"Astrid!" Tawag nya sakin at hindi ko pala alam na sumusunod na pala sya sakin.

Diretso lang ako hanggang sa nakarating din ako sa Music Room. Actually, hindi pa talaga tapos yung iba. Kailangan pang mag print ng mga programs and songs. Siguro ako nanaman gagawa? -.-

Papasok na sana ako ng bigla akong hilahin ni Shawn kaya napaharap ako sakanya. Worst, anlampit ng mga mukha namin.

Agad akong lumayo sakanya.

"Bakit mo ko iniwan dito kahapon?" Tanong nya habang naka crossarms.

"Nag eenjoy ka ata kasi matulog at nakalimutan mo na may tutulungan ka pa pala." Sagot ko tapos pumasok na.

Naupo ako dun sa may upuan at nag computer. Kailangan kong mag print kasi wala naman akong maaasahan na tulong dito sa halimaw na to.

"Hoy amazona, galit ka ba?" Tanong nya tapos tumayo sa may gilid ko. Pero ako, pinagpatuloy ko lang ang pag type ko.

"Amazona. Hoy!" Tawag nya pero dedma lang.

I-e-enter ko sana yung tinype ko kaso biglang umikot yung upuan ko at kinulong ako ni Shawn gamit ang braso nya at nakatayo sya sa harapan ko habang ako nakaupo. Gets?

"Ano bang problema mo ha!?" Sigaw ko sakanya.

"Wala akong problema. Ikaw ata ang meron e." Sabi nya then umiwas ako ng tingin. Tsk. Baka masuntok ko sya.

"Ho--"

"Pwede ba umalis ka sa harapan ko!" Sigaw ko sakanya. Wala! Naiinis na ako sakanya.

Umalis naman sya agad at agad akong napalabas nang room. I need air.

Dumiretso ako sa canteen. Bumili ako ng tubig. Pero pag harap ko andito sya.

"Galit kaba dahil tinulugan kita kahapon?" Tanong nya. At relax na relax pa talaga sya.

Tinaasan ko lang sya ng kilay. Taray mode ako ngayon.

"Ok. Ako na ang gagawa nung ginagawa mo. Sorry. Pagod lang kasi ako kahapon." Paliwanag nya.

"So ano pala ako, hindi napagod?" Tanong ko sakanya.

"Ok. Im sorry." Sabi nya habang nakatingin sa sahig.

"Pwede ba yung mas sincere?" Tanong ko tapos tinakpan ko yung bottle ko at nag crossarms.

Narinig kong nag 'tsk' sya at tumingin sya sakin. Sa mga mata ko.

"I'm sorry, Astrid. Can you forgive me?"

Agad akong natulala. Ewan ko pero anlakas ng tibok ng puso ko. Nakatingin pa din sya sa mga mata ko.

Umiwas na ako ng tingin.

"O-ok." Yun lang ang lumabas sa bibig ko sabay bumalik sa room.

|¤|¤|¤|

#InisToTheBones

-bæ

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon