Sixty || Intramurals (Day 1)

6 0 0
                                    

Astrid's POV

Monday (November 3)
Intramurals Day 1

"Tara na bes!" Anyaya saakin ni Kaye na sobrang excited na pumasok sa gate ng school. Napatawa nalang si Li sa akto ni Kaye.

Sino ba namang di ma eexcite kapag Intrams na diba? Puro laro at activities lang, walang lessons. Naka skirt palang kami ni Kaye at naka Intrams shirt. Mamaya pa naman ang palaro pagkatapos ng mass. Yap, may mass ngayong 7:30. 7:15 palang naman pero ang dami na agad mga estudyante dito. Ito namang si Li, naka maong short at naka intrams shirt din. Magbibihis lang naman kami kapag magsisimula na yung laro. Magkakasabay kaming pumasok kasi magkakalapit lang naman kami ng bahay. Agad akong hinila ni Kaye papuntang quadrangle para makahanap ng seats mamayang mass. Andun kami sa may 3rd row.

"Mich, AL, dun kasi ako uupo sa mga ka team ko. Alam nyo na. Tsaka nga pala mamaya, di ako makakasama pauwi, magdedate kasi kami ni Fria." Nakangiti nyang sabi kaya napatingin kami.

"Ah ganun ba, sige." Sagot ko tapos lumapit sya at hinalikan ako sa forehead. Ang sweet padin nyang bestfriend, di naman sya nagbago.

"Sige Ceb! Babye!" Paalam naman ni Kaye kay Li tsaka na umalis si Li at lumapit sa mga ka team nya.

Umupo na kami sa upuan kasi parami ng parami yung mga students dito, magse 7:30 na kasi.

Ang schedule pala ng Intrams namin ay ito. Monday, mga palaro. Outdoor and indoor games. Maghapon to. Tuesday namin ay yung mga booths, at yun favorite namin ni Kaye simula pa noon 1st year pa kami. Nakakaenjoy kasing maglaro. Pinaghandaan yun ng mga lowers sections, lower levels at syempre kami. Kapag Wednesday naman ang....pinakaayaw ko. Kasi dun na gaganapin ang Mr&Ms. Intrams. Ngayon pa nga lang kinakabahan na ako, paano pa kaya kapag wednesday na diba? Thursday naman, production number na, pinagpraktisan namin yan ng mga kasama. Sasayaw kami dyan at yung iba ata kakanta.  At last, Friday. Dyan magaganap ang final performance at ang awarding. Yun lang.

Tumingin ako side ko, ewan ko kung bakit ako tumingin, may nararamdaman kasi ako na parang may nakatingin saakin.

At....tama nga ako. Nakatingin saakin si Shawn. At nakangiti sya.

*Dugdug*

Ay puso! Ang bilis mo naman tumibok! Nakita ko lang si Shawn tumibok kana.

Napasimangot ako. Bat sya sakin nakatingin? Wait, baka naman hindi saakin?

Tumingin ako sa iba, may sari-sarili mundo. Ako nga yun. >_<

Dahan dahan akong tumingin sakanya. At..

*winks and smile*

0////////////////0

Sheez! Kinindatan nya ako sabay ngumiti! Feeling ko ang pula na ng cheeks ko sa kakablush kaya umiwas ako ng tingin at binaling sa iba.

*dugdugdugdug*

Nagwawala na ang mga paru-paro sa tyan ko. Nakakagirlyan sabihin para sakin pero KINIKILIG AKO >_<

"Hoy babae! Anong nangyayare sa mukha mo? Ang pula ha?" Tanong saakin ni Kaye kaya napatingin ako sakanya.

"H-ha? W-wala. A-amm.." nauutal kong sagot tapos tumingin sya sa side na kung saan andun si Shawn kasama ang team nya. Nakatingin parin sya sa part namin. Bumalik ang tingin saakin ni Kaye at ngumiti ng nakakaloka.

"Ah..kaya pala. Aysoows! Wag ka ng mahiyang sabihin saakin. Alam ko naman na e." Sabi nya kaya napahilamos nalang ako.

*choir singging*

Andyan na si Father.

^^^^

Recess

Pagkatapos naming pumila ni Kaye sa Canteen, umupo kami dun sa vacant seats. Kami lang naman dalwa ang magkasama kaya kumain nalang kami.

"Pwede tumabi?" May biglang nagsalita sa tabi ko. Si Manuel.

"Oo naman. Pero, hindi ba magagalit ang girlfriend mo?" Tanong ko sakanya tapos tumabi na sya.

"Hindi. Kasama nya kasi yung mga ka cheerleaders nya." Sagot nya tapos bumati sya kay Kaye.

Naalala ko yung tumawag sya saakin nung Nov. 1. Yung aamin. Naputol kasi bigla e.

"Nga pala, ano nga yung sinabi mong aamin nung last time na tumawag ka sakin?" Tanong ko at napahinto sya kumain pati na rin si Kaye.

Nagkatinginan kaming tatlo. Bumalik si Kaye sa pagkain habang si Manuel ay nagiisip ng maisasagot.

"A-ano ang sabi ko nun ay...ano...wag ka ng umamin. Yun!" Sabi nya tapoa umiwas agad sya ng tingin sabay kagat ng burger nya. Yun ba talaga?

"Ah oo. Di na ako aamin. Narealize ko kasi na ang pangit tignan na ako pa yung aamin kay Shawn. Masyado pa naman yung mahangin, baka kapag umamin ako, ipagsigawan nya pa." Sabi ko tapos kumain nalang.

Siguro itatago ko nalang 'tong feelings ko. Anong mapapala ko kung aaminin ko diba? E hindi nya naman ako gusto. Andami kaya nyang babae.

Nabigla ako ng bigla akong yakapin ni Manuel. Napangisi lang si Kaye. Anong trip neto? Agad naman kaming kumalas.

"Ba-bakit?" Tanong ko sakanya. Pero ngumiti lang sya saakin.

"Girlfriend" biglang may nagsalita sa harap namin kaya napatingala kami. Hala?! Si Shawn? At anong girlfriend?

Kasama nya si Jaye na tumabi naman kay Kaye.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong nya kay Manuel.

"Nakikiupo." Sagot naman neto.

"Nakikiupo pero yumayakap? Tss." Inis na sabi naman ni Shawn kay Manuel kaya napatawa nalang ng mahina si Manuel. Sina Kaye at Jaye, ngumingiti lang. ??

"Pasensya na. Kino-comfort ko lang sya." Sagot naman ni Manuel. Comfort saan?

"Dapat saakin sya nagsasabi ng problema,hindi sayo. Boyfriend nya ako. " sabi naman ni Shawn. Tumayo si Manuel at ngumiti saakin.

"Mauna na ako ha? Mukhang selos na selos na tong boyfriend mo." Paalam ni Manuel saakin kaya napasimanggot ako. Nagpaalam nalang sya samin.

Umupo sa tabi ko si Shawn.

"Anong kalokohan nanaman to?" Tanong ko sakanya.

"Wala. Masama bang magselos?" Tanong din sya. Selos? Sino? Sya?

"Wag mo nga akong pagtripan. Tara na nga Kaye!" Anyaya ko kay Kaye tsaka kami tumayo.

Pero hinila nya ako ulit at hinarap sakanya kaya napabitaw ako kay Kaye.

"Goodluck kiss naman dyan para mamaya--"

"Kiss mo mukha mo!" Sigaw ko sakanya tapoa tumalikod na pero hinila nya padin ako kaya..

Nahalikan nya ako sa labi.

0/////////0

Kumalas sya.

"O ayan, ako nalang nag goodluck kiss sayo." Nakangiti nyang sabi tsaka umalis sila ni Jaye.

"Yii si bes!" Asar ni Kaye saakin kaya napasimangot ako.

Urgh! Di pa nga tayo, nanghahalik kana! Wait what? PA? aish! Forget what i said.

*roll eyes*

|¤|¤|¤|

#IntramsDay1/GoodluckKiss

-bæ

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon